Prologue

5 0 0
                                    

"Miss, pwede mo bang isalaysay sa amin ang buong pangyayari?" tanong ng mga pulis kay Rosary Cervantes, ang tanging lead nila. Walang awang pinatay ang buong klase sa iba't ibang malagim na paraan, at si Rosary, siya ang tanging nakaligtas sa masaker na ito ngunit, wala pa rin itong imik. Ilang oras na din ang nakalipas mula nung rumesponde ang mga pulis sa crime scene, at hanggang ngayon, tahimik pa din si Rosary. Tadtad ng hiwa ang pisngi nito na halos lumaylay na ang balat at patuloy na umaagos ang dugo mula dito. Ngunit sa kabila ng mga galos na natamo niya, palagi pa rin itong tulala. Palagi nalang nakatingin sa kawalan.

"Miss? Miss! Naririnig mo ba ako?"

Bigla nalang itong napaluha at nanginginig dahil sa takot habang pinupunasan ang mga luha nito gamit ang duguang toga.

Wala silang ibang lead sa trahedyang ito. Tanging siya lang. Pero dala na rin ng trauma ay pinili na lamang niyang wag magsalita.

"Miss. Miss! Kailangan mong magsalita. Miss--" hindi na niya naituloy ang pagsasalita nito nang bigla na lamang humagulgol si Rosary. "O, bakit ---"

"O-officer, t-tulungan mo a-ako", pautal na tugon habang nanginginig ang kamay at tagaktak ang pawis mula sa noo nito.

Napalunok ng laway si SPO2 Dino Carandang nang sa wakas ay nagsalita si Rosary.

"Andito lang ako. Sige sabihin mo na, ano ang nangyari?" atat niyang tanong.

Natahimik na naman ito. Umiyak nalang ito ng umiyak. Napapatulala na naman ito sa isang sulok at sa rebulto ni HesuKristo na nakasabit sa dingding.

Dala ng matinding takot ay bigla nalang itong napapasigaw at nagtatakip ng tenga sabay bulong ng "Ayoko pang mamatay" ng paulit ulit nang ...

"O-officer .." naputol ang pagsasalita nito ng biglang buksan ng tagaSOCO at nagpaalam ng balita.

"Officer, may isa pang survivor !" malakas nitong sabi.

Malakas niyang sabi na agad namang nagtulak kay Dino na tumakbo papunta sa kinalalagyan nito.

"Mister, mister! Hang on ! Paparating na ang ambulansya. FIRST AID NAMAN BILIS! " galit niyang sigaw.

"Mister! Mister! Tell me what exactly happened !" Tanong nito sa naghihingalong si Stephan Bartolome.

Puno ng laslas ang katawan nito. Maninipis ang mga laslas na parang unti-unting hiniwa ng blade ang balat nito. May hiwa din ito sa tagiliran na may nana pay tumutulo na nagpapahiwatig na matagal na ang hiwa na ito. Kapansin pansin din na butas ang gilid ng magkabilang mata nito dahil na rin sa pagkakadukot ng mga ito. Magkahalong pawis, luha at dugo ang bumalot sa buong katawan ng binata.

"O-offi--er..." pagpupumilit niyang sabi. Halos 'di na maintidihan ang sinasabi nito dulot na din ng paputok ng labi nito at dilang puno ng dugo dulot ng sugat mula rito. Pero kahit ganun, nakikinig pa rin ang pulis sa kanya.

"Go on, Stephan. Who did this?"

"O-officer, t-tu-unga- ni--o po -ko..." at napatingala sa bubong ng crime scene. Nanlaki ang mga mata nito sa nakita.

"Stephan? Stephan?"

Napatingala narin ang pulis nang...

Napaatras nalang ang officer. Tumalsik ang dugo ni Stephan sa mukha nito at sa iba pang kasamahan sa SOCO.

Natahimik ang lahat. Gulat na gulat sa biglaang pangyayari at nanlaki ang mga mata.

Nabalot ng bulahaw ang crime scene.

Nahulugan ng mabigat na bakal ang maputlang mukha ni Stephan na eksaktong tumama sa mukha niya sanhi ng pagkabasag sa bungo at pagkalata ng buong ulo niya. Tumalsik ang malapot na dugo nito at napaagos sa lupa.

Si Rosary. Kailangan ko siyang iligtas. Nagkakagulo na ang lahat. Napaatras siya at napatakbo patungo sa kinalalagyan ni Rosary nang ...

Nasilayan niya ang maputlang mukha ni Rosary.

"O-officer, t-tulungan mo a-ako.." sabay bugwak sa malapot na pulang likido sa bibig nito at mas nakakahindik pa nang ang hawak niyang kaliwang braso ay nahulog nalang kasabay ang magsirit ng dugo at pag agos nito sa lupa.

"O-officer, y-yung rosaryo..."

RosaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon