Chapter 2: Sign of the Cross (Part 2)

3 0 0
                                    


Jennifer's POV

"I caught you.", text ko kay Augustus.

Nag-ring ang phone niya.

"Ayysh! Naman o!" sabi niya.

Natawa kami sa ekspresyon ni August. Hindi talaga nakakasawang titigan ang maladiyos niyang mukha. Parang nangungusap ang mga mata niya habang pagalit akong tinitigan.

"O-o, co-conse-sequence niya--" utal sa sabi ni Raiden. Na trigger na naman ang sakit niya. Sa aming lahat, siya lang ang may maintenance at hindi pa naka fully recover.

"O Raiden, yung maintenance mo, hindi mo na naman ininom?", ani Ma'am Thalia.

"Please excuse us muna ha? Go on lang kayo sa consequence ni August. We'll be right back." dagdag niya.

Nang nakaalis na si Ma'am at si Raiden, all of us exchanged looks. Nawe-weirdohan talaga ako sa kanila. I feel something strange.

"Napano yun?" tanong ni Jared Roberto. "Ewan ko din besh. May something. Di kaya--my gosh werpa girl." sabi naman ni Harry. "Hoy bakla, grabe ka." patutsada naman ni Jasmine Hayde.

"Oo nga, magfocus nalang kaya tayo sa game? Consequence~~~" Kara Aquino chanted. That girl. Tsk.

"Consequence! Consequence!" all of us responded.

"Truth or dare?"

"Truth ..." sagot ni August.

"Okay eto, August, may tinatago ka ba?" tanong ni Natalie.

"Hala ka ~" kaming lahat.

Iba din naman tong si Natalie. Yun pa talaga. Bukod sa si August ang pinakagwapo sa amin, siya rin ang pinakamahiyain after Rosary kaya no wonder na matagal to makasagot.

"Uhmm.. sa totoo lang... may tinatago akong.. uhmm.. rosaryo.. lagi ko itong suot sa leeg ko..."

Oo nga. Sa tinagal-tagal naming nagkasama, ngayon ko lang din yun napansin.

"Hala, oo nga no?" sabi ko.

"Ayy, akala ko pa naman anong tinatago. Good boy talaga tong si Pogi ano? Pwede pahiram?" biro ni Harry.

"Pogi daw~" angal naman ni Stephan.

Iniabot ni August ang rosaryo kay Harry.

Nakabalik na si Ma'am Thalia.

"I'm back guys. What's up? Ohh, rosaryo?" at hinawakan niya ang rosaryo.

"May naisip ako. Let's call out ghosts para maging thrill to." sabi ni Kara.

"I don't think it's a good idea." takot ni Cassandra.

"Same." ani Jared.

"Well, it'll be fun." sabi naman ni Dianne.

"O nga." ani Juni.

"Okay game. Basta ngayon lang." sa wakas ay sagot ni Ma'am Thalia.

---

Jerry's POV

Ewan ko kung nagbibiro lang ba si Kara pero parang seryoso ang ritwal thing na ginagawa niya sa rosaryo ni August. Dinasalan nya ito sabay pa ang latin na mga salitang inuusal nya.

Ero ero cogitum largo erigotum ~

Tuloy tuloy nya yung ginawa habang kami ay naku-curious sa ginawa niya.

RosaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon