" The friend that always there is gone. "
3rd Person's Point of View
Kakabreak lang ng isang mag jowa. Ilang taon na ang nakalipas pero di pa sya nakakamove on. Lagi syang nasa kwarto, Nagkukulong. Nangangayayat dahil hindi kumakain minsan. Pinagtangkaan nya na din ang kanyang sariling buhay. Mahirap para sa kanyang nag-iisang kaibigan na si Denver ang nangyayari sa kanyang kaibigan pero ipagtabuyan man sya nito hindi pa rin sya umaalis sa tabi ng kanyang kaibigan. Alam nyang kailangan lamang ni Kath ng sapat na panahon para maka move on.
Taon ang lumipas bago maka move on si Kath. Dahil sa kanyang last breakup hindi na sya muli pang nagmahal pa. Itinuon nya ang kanyang atensyon sa kanyang pag aaral.
Maraming lalaki ang nanliligaw sa kanya. At ang maswerteng sinagot nya ay si Alexander ngunit niloko lamang sya nito. Wala lang ito kay Kath. Hindi sya nagpaapekto.
Sa sobrang paghahanap nya ng kalinga at pagmamahal sa ibang tao hindi na nya napapansin si Denver. Si Denver na may lihim na pagtingin sa knya.
Isang araw, aamin na dapat si Denver kay Kath. Masayang masaya sya kasi aamin sya sa birthday ni Kath. Plano nyang umakyat sa entablado at sabihin kung gaano nya kamahal ang kanyang kaibigan. Hindi bilang kaibigan kundi bilang mahalaga na babae sa kanyang buhay.
Ihihinto na dapat nya ang sasakyan upang bumili ng bulaklak at tsokolate para kay Kath ngunit ayaw gumana ng preno.
Natatakot na sya, humihiling sa diyos na wag muna syang kunin.
OA man tignan.
Ipinikit nya ang kanyng mga mata at taimtim na nagdarasal.
" Diyos ko, nais ko pang mabuhay ng matagal. Nais ko pang maranasan at maipadama ang pagmamahal ko sa babaeng matagal ko ng minamahal at ngayon, ngayon ang araw na ipagtatapat ko ang aking nararamdaman sa kanya. Wag mo pa po akong kunin. "
Dumilat sya, Kulay puti ang bumungad sa kanya.
" Ito na ba ang langit? "
Wika nya sa knyang isip
" Denver gising kana pala "
Nagulat sya ng marinig ang tinig ni Kath.
" Kath anong nangyari? "
Naguguluhan nyang tanong
" Muntik ka ng maaksidente. Buti nalang nastock ung kotse mo dun sa may bangin at nagkaroon pa ng pagkakataon para mailigtas ka. "
Tango nalamang ang kanyang naisagot. Lubos syang nagpapasalamat sa diyos." Denver si Josh nga pala fiance ko "
Masakit man pero kailangan ipakita ni Denver na masaya sya para kay Kath.
" Congrats "
Naglabas sya ng pekeng ngiti. Ngiting napipilitan.
Lumabas sya sa kwarto ng ospital at nagtungo sa rooftop.
Iniisip ang mga bagay na pinagdaanan nila ni Kath. Napakasaya kahit may tampuhan di nagtatagal
Mula sa kanyang pag ngiti, pagtawa at pagtulong nahulog ng tuluyan si Denver kay Kath.
---
Ngayon ay ang Kaarawan ni Denver. Isa lamang ang hiling nya sa araw na ito.
Ang makapunta si Kath.
Agad nyang tinawagan si Kath.
" Happy Birthday Denver! Sorry di ako makakapunta, busy kasi ako ngayon eh Sige bye na mamaya ulit "
Ibinaba na ng dalaga ang telepono.
" Nabubuhay nga ako wala namang taong nagmamahal saakin. Konting panahon lang naman ung hinihiling ko sakanya bakit di nya kayang ibigay? Bakit ang unfair? Siguro nga wala na talaga akong maiaambag rito sa mundo. Tapos na siguro ang misyon ko hanggang rito nalang siguro. Masaya na din naman si Kath kay Josh. Hahayaan ko nalang siguro sila. "
Kinuha ni Denver ang kutsilyo at sinimulang maglaslas.
---
Balita: Lalaki natagpuang patay sa kanyang tinitirhang apartment.
Reporter: Isang lalaki ang natagpuang duguan sa kusina ng kanyang tiniturhang apartment Ayon sa pulisya, ang lalaki ay naglaslas. Ang lalaki ay si Vandenver Saringpini. 22 taong gulang. Ako si Marissa Lampuribers nagbabalita labing dalawang oras. Balik sayo Ms. Manloloks.
Nang mabalitaan ni Kath ang nangyari agad syang pumunta sa morgue kung saan dinala si Denver.
" Miss, kaibigan mo? "
Sabi ng lalaki na nag aasikaso sa banty ni Denver.
" Ahh Oo, "
" Ikaw pala ung dahilan "
Napakunot noo si Kath. Hindi nya alam ang tinutukoy ng lalaki.
" Huh? "
" Ikaw ung dahilan kung bakit sya nandito ngayon. Base, sa mga kapitbahay nya sa apartment, ikaw lang ang babaeng dinadala nya dun. Wala din yang kasintahan, masayahin syang tao at ikaw ang kaibigan nya. Suicide ang nangyari. Isipin mo bakit naman sya maglalaslas kung wala naman syang problema. Dahil un sayo. Gusto ka nya. At dahil busy ka sa paghahanap ng atensyon mula sa iba, hindi mo na sya nakikita at nabibigyan ng oras. At un ang dahilan kaya sya nandto sa morgue. "
Sa mga oras na nagsisisi sya. Wala nang Denver sa buhay nya. Si Denver na laging nandyan ipagtabuyan nya man. Si Denver na walang sawang tumutulong sa kanya. At Si Denver na nagmamahal sa kanya. Wala na.
YOU ARE READING
One Shot story ni Meia
Teen FictionHere are some one shots stories that I wrote. Hope you would like it.