SHOT2

11 2 0
                                    

Paborito nilang tumambay sa isang puno ng narra sa school nila. Magkaibigan lang sila pero sa loob loob nila ay may nabubuong pagmamahalan na tila mas mataas pa sa pagmamahalan bilang magkaibigan.

"Adrian" sabi ng isang batang babae habang papalapit kay Adrian.

"Bakit Andrea?"

"Adrian natupad na ang pangarap ko. Makakapag-aral na ko sa Korea"

Ngumiti ang binata. Masaya sya para sa kaibigan nya. Masaya dahil matutupad na ang pangarap ng kaibigan nya pero ang totoo unti unting nadudurog ang puso nya.

"Masaya ako para sayo. Sige mauna na ako may klase pa kase ako eh. Bye"

-

Maraming araw na ang lumipas. Hindi na nagpapansinan ang magkaibigan. Iniiwasan na kase si Adrian ang bestfriend nyang si Andrea.

-

Kasalukuyang nakatayo ang binata sa terrace ng kanilang bahay nilalasap ang preskong hangin at binabalikan ang alaala nila ng kanyang matalik na Kaibigan.

*Flashback*

Naghahabulan ang magkaibigan sa isang dalampasigan. Takbo dito takbo doon hanggang sa silang napagod at nahiga sa mainit na buhangin.

"Adrian tingnan mo oh papalubog na ang araw"

"Tara panoorin natin"

Naupo sila sa isang bato sa may cottage pinagmasdan ang papalubog na araw.

"Ang ganda" sabay nilang sambit.

*Flashback ends*

*Phone Rings*

Rea Calling...

Pinatay ng binata ang kanyang telepono at nagpatuloy sa paglanghap sa sariwang hangin. Bukas na ang nakatakdang byahe ni Andrea papuntang Korea.

Do you remember when I said I always be there..

Ever since we where 10 baby..

When we were out on the playground playing pretend..

I didn't know were back then..

"Adrian nasa baba si Andrea"

"Pakisabi ma masama pakiramdam ko"

Walang nagawa si Andrea kundi umalis na lamang. Habang si Adrian naman ay masama ang loob kay Andrea ngunit wala syang magagawa dahil pangarap ito ng kanyang bestfriend /crush nya.

67 messages from Rea

Iyon ang bumungad sa kanya pagkabukas nya ng cellphone nya. Hindi nya ito binasa at minarkahan nya itong SEEN.

-

2 years past...

"Tol balita ko may bagong estudyante ngayon ah transferee galing Korea"

"Pustahan tayo koreana yan"

"Baliw porke galing Korea, koreana na."

"Pareng Adrian wala ka bang balak pormahan un?"

"Wala" cold na sagot no Adrian. Hindi nalang sya pinansin ng mga kaibigan nya. Nasanay na sila kay Adrian at alam naman nila ang dahilan ng pagiging cold nito.

-

"Class we have a new student and she will stay in this section."

Nagsimula na ang bulungan ng buong klase lalo na ang mga lalaki bakit kase SHE ung sinabi ng teacher.

"Class be quiet"

Huminto naman ang isang babae sa harap ng pinto ng section Del Pilar-section na kinabibilangan ni Adrian.

One Shot story ni Meia Where stories live. Discover now