"Jasmine"
Iyon ang katagang gumising saakin.
"kuya"
Ito ang unang salitang aking nabanggit ng ako ay nagising. Agad agad akong bumaba ng hagdanan papunta sa sala ng marinig ko ang boses ni kuya. Pagbaba ko sa sala naalala kong wala na nga pala si kuya.Nasa London na nga pala sya. Pakiramdam ko tuloy ako lang mag isa sa bahay kahit kasama ko sila ate Jan Jan si kuya lang kase ang ka close ko sa bahay.
"happy birthday Mine" sabi ni ate Jan Jan.
Oo birthday ko ngayon. Agad akong nagdasal
"JESUS THANK YOU PA SA BAGONG YEAR NA BINIGAY MO PO SA BUHAY KO.THANK YOU PO SA LAHAT LAHAT.SANA PO PATULOY MO PA PO KAMING GAGABAYAN.YUN LANG PO".
Agad akong naghanda para sa pagpasok ko sa paaralan...
---
At dahil malapit lang ang school ko sa bahay nilalakad ko lang ito. Halos lahat ng taong nakakakilala sakin binati ako. Halos lahat ng mga kaibigan ko chinat ako para sabihing happy birthday.
Scroll
scroll
scrollpatuloy ko pa ding tinitignan kung naka open si kuya pero hindi.
" Ah baka nman Busy lang si kuya"
Iyon na lamang ang aking iniisip.
---
Syempre ganun din sa school madami ring bumati saakin. Pati nga crush ko..
[Flasback]
kuya: Yie kinikilig tong kapatid ko...siguro ka chat mo nanamn ung crush mo noh?
ako: hindi kaya kuya
[End of flasback]
---
uwian time na...
habang naglalakad ako papauwi ng bahay nakita ko ang batang lalaki binibilhan nya ng softdrinks ang bunsong kapatid nya..
[Flashback]
ako: Kuya bilan mo ko sprite
kuya: Hay nako hindi pwede hindi un masustansya
[End of flashback]
Naluluha na ang mga mata ko dahil nahihiya ako agad agad akong tumakbo papuntang bahay habang tumatakbo ako hindi ko napansin ang malaking bato na dahilan ng pagkatisod ko..
Napaupo ako..
Pinikit ko nalang ang aking mga mata at inisip kung bakit ang malas ng araw na ito.Pagkadilat ko nakita ko ang kamay na nakalahad saakin. Tumingala ako at isa lang ang taong nakita ko..
Si Kuya..
---
StupidlyDevil nak para sayo toh. Lablab.
YOU ARE READING
One Shot story ni Meia
JugendliteraturHere are some one shots stories that I wrote. Hope you would like it.