Chapter 02

4.8K 75 3
                                    

CHAPTER 02:

[Maven's POV]
 
"N-no.. P-please.. Wag."

Napabalikwas ako ng bangon saka humihingal na pinunasan ko ang mga luhang tumutulo sa mga mata ko.

Hindi ba talaga ako titigilan ng nakaraan ko?

Simula nang ikasal kami ni Luke, lagi ko nang napapanaginipan ang masamang parteng iyon sa buhay ko.

Inihilamos ko ang palad sa mukha ko kasabay ng pagbuntong-hininga para mapakalma ko ang sarili ko.

Tumayo na ako mula sa kama saka dumiretso sa banyo sa loob ng kwartong iyon para maligo.

Nang dumamppi na sa balat ko ang malamig na tubig, doon lang ako nahimasmasan.

Pa'no ako napunta dito sa kwarto namin ni Luke?

Sa pagkakatanda ko ay sa Sofa ako natulog dahil sa kababalaghang ginawa nila ng babae niya sa loob ng kwarto namin.

Imposible namang naglakad ako habang tulog.. Wala akong sleeping syndrome na ganun.

Napangiti ako sa posibleng nangyari na rumehistro sa utak ko.

Siguro binuhat ako ni Luke mula sa Sofa papunta dito.

Maybe, for the others, it's not a big deal, but for me, It is a big deal dahil kahit papaano naman pala ay nag-aalala siya sa'kin.. katulad nung mga nasa teenage years pa kami.


[FLASHBACK]

It was the time of our prom night..

Third year high school ako nun samantalang fourth year na naman si Luke.

Si Lexis naman ay college na.

Nasa bahay pa ako that time, fully dressed. Hinihintay ko na lang yung guy na nagsabing susunduin niya daw ako dahil siya ang promdate ko.

"Sweetheart, ako na ang maghahatid sayo.. Late ka na sa Prom niyo oh." My mom told me.

"Thanks Ma. Pero hintayin na lang muna natin siya saglit." I told her. A part of me, nagsasabing wag ko na siyang hintayin kasi late na talaga ako pero kasi naman.. Nakakahiya naman kung ga-grand entrance ako dun ng ako lang mag-isa.

Ayokong mapagkadiskitahan na naman nung mga mean girls dun sa school dahil paniguradong papatulan ko talaga sila.

Isang oras na ang nakalipas at nakasimangot na talaga ako.. ang sama-sama na ng loob ko dahil sa bwisit na promdate ko kuno. Nakakainis! Crush ko pa man din yun! Paasa talaga!

Hinatid na ako ni Mama sa paggaganapan ng prom.

Nung nasa entrance na ako.

Parang gusto ko na lang magback-out at wag na lang um-attend.

Pero syempre, kahit mayaman naman kami nanghihinayang pa rin ako sa perang ibinayad para lang makasali ako dito at isa pa. Once in a life time moment lang 'to.

Kaya kahit na hiyang-hiya ako, pumasok ako.

Cotilion na nang dumating ako at lahat ng tingin ng mga taong nanduon ay napunta sa akin. Hindi dahil sa sobrang ganda ko ng gabing yun kundi dahil sa nagmukha akong pa-importanteng tao dahil sa pagka-late ko.

Yukong-yuko ako dahil sa kahihiyan. Yung tipong di ko na kailangan pa ng blush-on dahil ramdam kong napakapula na ng mukha ko.

Nang mag-angat ako ng tingin, andun yung 'promdate' ko, nakangisi, kasama yung mga babaeng madalas na banggain ako. Nag-init ang ulo ko.

Hinanap ko ang mga kaibigan ko at nakita ko naman sila kaagad. Sa kasamaang palad, kailangan ko pang dumaan malapit sa mga mean girls para lang mapuntahan sila.

When She CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon