Chapter 04

4.2K 91 0
                                    

CHAPTER 04:

[Maven's POV]

It's been one week since that thing between me and Luke happened.

I never dared to talk to him, ganun din naman siya sa'kin.

Parang walang nangyari. Walang nagbago.

Oh, meron pala.

Kung dati pinagsisiksikan ko ang sarili ko sa kanya at pilit akong gumagawa ng mga bagay na mapag-uusapan namin, ngayon hindi na.

At isa pa, kung dati'y halos araw-araw siyang mag-uwi ng babae dito sa condo, ngayon halos wala na. Siguro nagi-guilty siya? Oh, no! He'll never be Luke Delisantro if he did.

Wala siya dito.. Wala akong pasok. Day-off at nakakabore na!

Then may biglang pumasok sa isip ko.

I'll call Kaezelle.. A friend of mine.

She's a brat and a party girl. Siya lang ang nagbibigay kulay sa buhay kong aminado akong boring talaga, noon.

Wala pang tatlong ring nang sagutin niya ang tawag ko.

(Yes Baby?!) Malambing na tawag niya sa akin.

"I'm bored." I told her then sit on the sofa.

(Why naman? Wala kang work?)

"Yep. Day-off."

(Aww!! Owkay.. Come here to my place.. Biliiiiis!!) Excited na sabi niya na nagpangiti sa'kin.

"Okay.. Coming." Then we hung up.

Nag-ayos lang ako sandali saka ko dumiretso sa bahay niya.

I doorbell twice before akong mapagbuksan ng kasambahay niya.

Pinatuloy naman na ako at si Kaezelle ay nakita kong abot hanggang tenga ang ngiti habang naghihintay sa akin sa tapat ng pinto.

Nang makalapit na ako sa kanya ay bigla niya na lanag akong sinunggaban ng yakap.

"I miss you my baby!!" Sigaw nito.

'Baby' ang tawag niya sa'kin kahit na magkasing tanda lang kami.

"I miss you too Zelle." Saka siya bumitaw ng yakap sa'kin.

"Where's your car?" She asked me.

"Hindi ko dinala.. Nakakatamad mag-drive." I told her then pumasok na kami sa loob. Iginiya niya naman ako paupo sa sofa.

"Manang! Pahanda naman po ng meryenda." She asked the woman in her 50's.

"Sige anak." At saka iyon umalis.

"Babe!" She called me kaya naabala ang pagtitingin ko sa bahay niya.

"Yep?!"

"Mamayang 8pm.. Gimik tayo hah!" Napangiti ako.. ang tagal ko na ring hindi nagagawa yun.

"Sige." Then tumingin-tingin ulit ako sa bahay niya.

"Wait!" Tapos bigla niyang hinablot yung pisngi ko.

"A-aww!!" Tapos pinalo ko yung kamay niya. "Masakit Kaezelle!!"

"What happen to your face? Bakit may pasa ka sa gilid ng labi??" Masamang tingin niya sa akin.

Napansin niya pa yun. Tinakpan ko na nga ng conceiler para di niya mapansin eh.

Binitawan niya ang pisngi ko.

"Does Luke did.. that.. to you?" Mahinahong sabi niya.

"U-uhh.." Saka ako nag-aalangang tumango.

"I knew it!" Biglang sigaw niya. "Hiwalayan mo na kasi yan! Wala nang magandang ginawa sayo yun eh!"

"You know I can't" Bulong ko.

"You can still have his forgiveness without being his wife." Bakas na ang inis na sabi nito.

"Hindi.. Kasi hindi ko na siya malalapitan kapag nagkataon na magkahiwalay kami. Paano niya pa ako mapapatawad kung ganun?" Paliwanag ko.

"Are you sure that you only want his forgiveness?" Nagsususpetyang tanong nito.

"What do you mean?" Though I know what you mean.

"Wag na tayong maglokohan Mave. Alam kong alam mo ang sagot sa tanong mo." Sabi nito saka sumandal sa sofa.

Napasandal din ako.

"I can't help it." Sabi ko na lang.

May sasabihin pa sana si Zelle nang bigla nang dumating yung kasambahay niya.

"Thank you manang." Lumingon siya sa'kin saka bumuntung hininga.

"Kumain ka na nga Babe!" Balik nito sa masayang tono kasabay pa ng pagtapik nito sa balikat ko.

Kumain kami at kumain hanggang sa mapunta na kami sa kwarto niya.

Alas-sais na ng gabi at nagpasya siyang mag-ayos na kami.

Sabi ko nga'y uuwi muna ako kanina para handaan muna ng makakain yung maiiwan ko dun sa bahay saka para dun na rin ako mag-ayos pero sabi niya.

"Wag na! Magdadala na yun ng makakain niya." Hinampas ko siya nang sabihin niya yun. Ang bastos ng bunganga eh. Well, alam naman kasi niya yung problema ko kay Luke.

Pagdating namin sa kwarto naghalungkat agad siya ng mga dresses dun.

Ibinato niya sa kama ang spaghetti strap na black dress na may slit sa gilid ng hemline.

"Yan ang sayo." Sabay sabi niya.

Tapos naglabas uit siya ng red dress yun daw yung kanya.

Nagbihis na ako sa banyo paglabas ko bihis na rin siya.

"Witwiw! Sexy ni Babe!" Kung hindi ko lang kaibigan to si Zelle ng ilang taon aakalain ko nang tibo to. Wala ganyan kasi talaga ang endearment niya sa lahat ng babaeng nakakasalamuha niya at ganyan din talaga siya umasta.

Inirapan ko lang siya.

"Hoy! Halika dito! Ako ang mag-aayos sayo!" Sabi nito.

Lumapit naman ako sa kanya saka niya ako pinaupo sa isang upuan.

C-in-url niya muna ang buhok kong Lightbrown ang kulay saka niya inayos ng parang medyo magulo pero maganda naman tingnan.

Then she put make-up on my face.

Nagmukha akong fierce sa ginawa niya and I like it.

Tapos siya naman ang nag-ayos.

Ibinigay niya sa akin ang isang silver stilettoes at sinuot niya naman ang isang Black wedge.

Matapos nun ay sumakay na kami sa sasakyan niya at dumiretso sa bar.

I miss this place.

Dumiretso kami sa isang bar stool.

Nagwentuhan muna kami ni Zelle saka uminom ng kaunti pero ilang sandali lang ay inaya na niya akong sumayaw.

Tumanggi ako.

Pinabayaan niya ako saka umalis na at nagsimulang sumayaw hindi kalayuan sa akin kaya kita ko pa rin siya.

Nagpatuloy naman ako sa pag-inom dahil hindi ko maiwasang maalala yung nangyari nung nakaraang linggo.

Naputol lang ang pag-iisip ko nang may umupo sa inuupuan kanina ni Zelle.

Hindi ko naman yun pinansin.

Pero nakakailang pa rin kasi ramdam ko yung pagtitig nito mula sa likuran ko.

"It's been a long time. Maven." Sabi nito kaya agad naman akong napalingon.

Bakit kilala ako nito?

Pero yung tanong ko ay nasagot agad nang makita ko kung sino yung tumawag sa akin.

I immediately flash a smile.

"Pierre."

When She CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon