Chapter 01

5.6K 81 3
                                    

CHAPTER 01:

[Maven's POV]


One month ago, I'm officially no longer a Cerezo, and I could proudly say that from now on, I will be called as Maven Cerezo - Delisantro. That month was the happiest and greatest moment that came into my life. Mapasayo ba naman ang taong halos sampung taon mo nang pinapangarap, hindi ka pa magiging masaya nun?

Unfortunately, those were all the product of sarcasm. That month, I felt like I'm living in hell. Oo, masaya akong kasama ko siya sa iisang bahay at iisang kwarto  pero sa tuwing naiisip ko ang mga nagdaang pangyayari nung araw ng kasal namin. Parang gusto ko nang humagulgol ng iyak.

That time, I thought he will ditch our wedding. For pete's sake! Halos isang oras na ang nakalipas mula nung itinakdang oras ng ceremony.

Galit na galit na ang mga parents namin nun at dumating pa sa punto na gusto na nilang i-pospone yung kasal pero nagmakaawa ako na maghintay pa, hindi dahil sa atat na akong mapasakin siya ng tuluyan pero ang nasa isip ko kasi that exact time, was this marriage is my opportunity for him to forgive me.. I will do everything.. everything that he wants me to do.

Nawalan ako ng pag-asa nung mauubos na yung hiningi kong oras ng paghihintay, but gladly, he came. Bakas pa sa mukha niya na nagkaroon muna siya ng 'session' bago makarating sa simbahan. Magulo pa ang buhok niya at inaayos ang pantalon at suit niya, pero kahit ganun ang hitsura niya he's still the hot and handsome guy that I've known.

Habang ginaganap yung ceremony, halata talaga sa mukha niya na wala siyang pakialam at wala siyang gana.. Which is somehow, hurts me a bit. Hindi niya talaga tanggap.

Mapait akong napangiti sa ala-alang 'yun saka ko inihanda ang mesa.. Ang alam ko uuwi siya ng maaga ngayon dahil wala naman siyang meetings sa araw na 'to.. Inihanda ko na ang mga pagkain na sa pagkakaalam ko ay paborito niya. Actually, I'm trying my best to be a good wife pero lahat ng 'yun ay mukhang wala lang para sa kanya.

Ugh! Anyway.. Maya-maya lang siguro ay uuwi na siya.. Alas-Otso na ng gabi eh, sasabayan ko siya sa pagkain.

Pumunta muna ako sa sala saka binuksan ang TV at umupo sa Sofa.. Sa palabas ay may mga nagsasayawan. Naalala ko naman yung nangyari nung reception.

[FLASHBACK]

Hindi na naka-attend ng reception ang parents ko dahil may kailangan pa silang asikasuhin sa Cebu, kaya bumyahe na agad sila after ng wedding ceremony.

Nagsasayaw kami ni Luke sa gitna ng reception hall.. It gives me a lot of happiness.. Actually, mapalapit lang ako sa kanya kahit konti, dream come true na yun para sakin, ano pa kaya ngayon na halos nakayakap siya sa'kin.

Nakapalibot sa bewang ko ang mga braso niya habang nakapatong naman ang baba niya sa balikat ko, while my hands are on his hard chest. Kung titingnan para kaming nagmamahalan talaga pero isa 'yong malaking kalokohan. Ni hindi na nga ako makalapit sa kanya simula nung mangyari ang insidenteng hindi ko naman ginustong mangyari.

Maya-maya lang ay naramdaman ko na ang hininga niya sa tenga ko. He kissed and nibble my earlobe. I felt the electrifying feeling travelling down my spine..

Matapos nun ay binulong niya ang mga salitang di ko inaasahang sasabihin niya.

"Happy now?"

"Huh?"

"Let's not play innocent Maven." He chuckle. "You're impossible.. Nagawa mong pumatay ng tao para lang maikasal sa'kin.. No Doubt.. You're really are desperate." Then he chuckle again na parang nangungutya.

Bahagya ko siyang itinulak pero malakas siya.

"P-pagod na ako Luke.. U-uupo muna ako." Sabi ko sa kanya nang maramdaman kong may nagbabadyang luha na gustong tumakas mula sa mga mata ko.

"No.. Stay here. Bakit? Ayaw mo na bang marinig lahat ng pinagagagawa mo?" He told me na puno ng galit ang tono.

"L-luke.. J-just... J-just let me g-go." Sabi ko sa kanya hanggang sa may kumuha ng attention namin.

"..And now, the Newlyweds.. Come here on stage Mr. and Mrs. Delisantro." Masayang sabi nung announcer.

Pagkaakyat namin sa stage, sa akin unang ibinigay ang microphone kaya una na ako nagsalita.. Pero lahat naman yun ay kasinugalingan para mapagtakpan ang mga ginagawa naming kahit kailan ay di naman nangyari.

Pero yung ipinahayag ni Luke. Yun ang di ko kinaya.

"First of all.. Let me congratulate myself.. Hindi ko talaga akalaing ikakasal ako sa kanya." Sabay duro sa'kin at tingin sa'kin ng masama... "You know what ladies and gentlemen.. I really never imagine myself being with this SLUT." Pagkadiinan niya.

Maya-maya lang ay may namuo nang bulungan..

Nararamdaman ko na ang panginginig ng tuhod ko..

Gusto kong umalis na sa stage dahil hindi ko na kinakaya ang mga pinagsasabi niyang pamamahiya tungkol sa'kin pero hindi ko magawa dahil para na akong naistatwa mula sa pagkakatayo sa itaas ng stage, sa harapan ng mga kamag-anak, bisita at mga empleyado na ang tingin sa akin ngayon ay parang napakasama kong babae..

Pilit kong nilulunok lahat ng sinasabi ni Luke.

Sinubukan siyang pigilin ng parents niya pero di siya nagpa-awat.

"Lastly.. My wife, Thank you.. Dahil lang naman sa'yo hindi na magiging payapa ang buhay ko.." Hindi na siya napigilan ng parents niya nang lumapit ito sa'kin.

He hold my chin up. Pinipigil ko na lang ang umiyak.. Ayokong umiyak sa harap niya.

"Welcome to hell, dear wife." Sabi niya sa'kin at nang-uuyam na ngumiti.

"E-excuse me." Yun lang ang nasabi ko at tumakbo na ako paputa sa CR.. Doon ko inalabas lahat ng luha ko.

Nagulo na ang make up ko at lahat-lahat.

Matagal bago ako mahimasmasan at tumahimik.. Pero nung palabas na ako.

"Grabe naman pala si Ma'am." Sabi ng isang babae.

"Yeah right. Mayayaman talaga! Ginagamit na ang pera makuha lang ang gusto nila." Sabi pa nung isa.

"At alam mo ba? Balita ko muntikan na siyang masangkot sa criminal case last last year eh."

"Really? Gosh! Hindi na ako magtataka kung bakit ayaw ni Sir sa kanya. Sino ba naman ang may gustong ikasal sa Kriminal, di ba?"

Kriminal..

Siguro nga.

Pero maling-mali..

Wala silang alam.

Maya-maya lang ay pumihit ang seradura ng pinto ng CR at lumabas doon yung dalawang babaeng nag-uusap. Dalawa sila sa mga empleyado ko sa kompanyang hawak ko.

"Ang malas talaga ni Sir Luke sa napangasa--" Hindi na natapos ng babae ang sinasabi niya nang makita ako.

"A-ay! M-Ma'am, k-kanina pa kayo dyan?!" Sabi ng isang babae habang namumutla.

"Oo." Yun lang ang sinabi ko saka naglakad papunta sa pinto na kintatayuan nila. Nagsitabi naman sila.

Napansin ko ang takot sa kanilang dalawa ng lingunin ko sila ng masasamang titig.

"On monday.. I want your cubicle all clean.. Wala kayong ititirang kalat kahit isa, cause from now on.. you two are fired." Marahas na sabi ko sa kanila na ikinagulat nila.

"M-Ma'am.." Narinig ko pang tawag nila ng may pagmamakaawa pero hindi ko pinansin at tuluyan nang umalis.

[END OF FLASHBACK]

Napaluha ako pero agad ko naman iyong pinunasan.

Nagiging iyakin na ako this past few years, this is not so me.

Tumingin ako sa wristwatch ko.

It's passed ten already.. Nasaan na kaya siya?

Anong kalokohan na naman kaya ang ginagawa nun ngayon?

Madalas kasi na kapag dumarating ako sa condo niya galing sa trabaho. Kung  wala siya dito dahil sa gimik, makikita ko na lang na may lumalabas na babae galing sa kwarto namin.

Pinapabayaan ko.. Kung yun ang gusto niya eh..

Alam ko, para na akong tanga.. Hindi naman kasi talaga normal sa isang babae na hindi magalit matapos mahuli ang asawa niyang kasama ang ibang babae, alam ko naman kasing hindi niya ako tinanggap bilang asawa kahit kailan. Pakiramdam ko tuloy sa sarili ko, napakadumi ko.

Biruin niyo yun? Ako ang nahihiya sa sarili ko kaysa sa kanya?

Maya-maya lang ay may nag-doorbell. Dali-dali naman akong tumayo para buksan ang pinto.. siguradong si Luke na yun.

Buti na lang at wala akong hawak na kahit ano dahil kung nagkataon.. nahulog na yun mula sa pagkakahawak ko.

Hinawakan ko ang dibdib ko.

Masakit eh.

Pagbukas ko ng pinto, sumalubong sa'kin si Luke na nakikipagpalitan ng maiinit na halik sa isang babae.

"B-babe.. W-wait lang.. Hmm.. Your drunk!" Malanding sabi ng babae habang hindi siya tinitigilan ni Luke.

"P-pasok kayo." Hindi ko alam kung anong sumapi sa'kin para masabi yun.

"Ay!" Tili ng babae saka marahang inilayo sa kanya ang mukha ni Luke. Tumingin naman si Luke sa'kin saka ngumisi. "You're his maid?" Nakataas ang kilay na tanong niya sa akin habang ipinapasok sa loob si Luke.

Sasagutin ko sana na 'asawa niya ako' pero di ko yun nagawa.

"Let's go to my room babe." Utos ni Luke na sinunod naman ng babae.

"Saan dito ang kwarto niya?" Tanong sa'kin ng babae.

Hindi ako nagsalita.

"That's my room." Turo ni Luke.

Nang makapasok sila sa kwarto ay pumunta agad ako sa banyo para ihanda ang panglinis sa kanya.

Pagpasok ko naman sa kwarto.. Naghahalikan na naman yung dalawa.

Nangangati na yung kamay ko na sabunutan at itapon sa babaeng kahalikan ni Luke yung tubig na hawak ko pero pinipigilan ko.

"Pwede ka nang umalis, ako na ang mag-aasikaso sa kanya." Sabi ko kaya napatigil sila.

The giirl gasp saka itinulak si Luke palayo sa kanya.

"Don't you know how to knock?!" Galit na sabi nito.

Hindi ulit ako nagsalita.

"Ugh!!" Inis na sabi ng babae saka tumayo. "I'll go now Luke." Saka siya yumuko at hinalikan si Luke. Just a smack. "Call me." Bulong nito.

"No.. Don't go." Sabi niya sa babae. "Siya ang aalis hindi ikaw." Sabi nya ulit.

Parang may isang milyong kutsilyo ang tumusok sa dibdib ko dahil sa mga sinabi niya.

Napangiti ang babae lalo na nang haplusin ni Luke ang braso nito.

Sinubukan kong tatagan ang sarili ko pero sinong niloloko ko? Alam ko namang hindi ko kayang makita pa ang mga nakikita ko ngayon.

"S-Sige na.. U-uhh.. Sa labas na lang ako." Sabi ko saka iniwan sa bedside table ang plangganang may lamang tubig at face towel.

Dali-dali akong lumabas sa kwarto namin at isinara ang pinto pero hindi pa ako umaalis sa tapat nun. Sumandal ako sa pinto

May nagbabadya na namang mga luha sa mga mata ko.

"Fire that maid Luke. I don't like her." Narinig kong malambing na sabi ng babae.

Matagal bago siya nakasagot.

"I can't. She's my wife." Nabuhayan ako ng loob nang marinig kong sinabi niya yun.

"But, don't mind her, she's nothing but my wife"

Yung isang milyong kutsilyo na tumutusok sa dibdib ko kanina.. Ngayon pakiramdam ko bamabaon na sila ng napakalalim.

Napaupo ako sa sahig saka tahimik na umiyak.

Napahikbi ako kaya agad kong tinakpan ang bibig ko saka dahan-dahang umalis doon at pumunta sa dining table..

Doon malaya akong nakapag-iingay.

Iniligpit ko na lang lahat ng inihanda ko. Pakiramdam ko nagsayang lang ako ng pagod.

Well, nagsayang lang naman talaga ako..

Yung gutom na iniinda ko kanina sa paghihintay sa kanya.. Biglang nawala..

Nawalan na ako ng gana.

Matapos nun ay naupo ako sa sofa saka ko tinakpan ang aking mukha.

"Hmmm.. Faster Luke.. Faster.."

I hear their groans and moans.. Tinakpan ko ang tenga ko..

Ayoko.. Ayokong marinig ang ginagawa nila na nagiging dahilan para bumaba ang pagtingin ko sa sarili ko.. Hindi ko kaya, pakiramdam ko napakababoy ko dahil hinahayaan kong babuyin nila ang pakatao ko.

When She CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon