*Karissa's POV*
"Karissa! Huwag mong kalimutan bumili ng puto with ketsup!"
Huling pahabol ni Ciara sakin bago ako tuluyan bumili ng pagkain sa cafeteria. Hindi niya siguro napansin ang mga weirdong tingin sa kanya ng mga kaschoolmate namin. Sino ba kasing matinong tao na kakain ng puto tas ang sawsawa niya ay ketsup?
Isang buwan na rin ang nakakalipas simula ng sinugod namin si Ciara sa hospital at nalaman ng lahat na buntis siya. Hindi rin pinatagal ni Vince ang lahat dahil pinakasalan niya agad si Ciara a week after nun. Isang simpleng kasalan lang ang nangyari dahil ayaw rin nila maistress si Ciara.
Kaya heto kami ngayon, habang wala pa si Vince dahil nasa klase pa siya, kami muna ni Rayne ang tagabili ng mga weirdong pagkain ni Ciara.
Hanggang ngayon sem nalang pala muna papasok si Ciara dahil syempre buntis na siya.
*Text Message*
Teka si Kina nagtext sakin.
"Kin, I won't be home tonight. We need to finish some report until tomorrow morning. But I will going to have a breakfast at home tomorrow. I love you so much."
After rin ng mini honeymoon namin, nagsimula na nga siya maging busy lalo na magiging CEO na siya.
At tungkol doon sa nagtext sa kanya noon, wrong text lang naman yata iyon kaya hindi ko na rin siya tinanong. Wala na rin naman akong nakitang nagmessage ulit gamit ang number na iyon. Saka sino naman tatawag sa kanyang Papa diba?
**************
"Iha, bakit ang aga niyo mong gumising? May pasok ka ba ngayon?"
5 am pa lang kasi andito na ko sa kusina ng bahay namin at gising na ko. Kaya hindi na rin ako nagtataka kung bakit nagulat si Auntie K.
Nagtataka siguro kayo kung bakit andito si Auntie K. Kinuha siya ni Marion para makasama namin dito sa bahay at para meron siyang mapagkakatiwalaan dito sa bahay na makakasama ko kapag wala siya.
"Pauwi na po kasi si Marion at dito daw po siya magbreakfast."
"Ang batang iyon talaga, puro trabaho na naman. Ano bang gusto niyong kainin para maready ko na?"
"Auntie K, ako na po bahala sa breakfast. Gusto ko sana siyang isurprise."
Alam kong nagulat si Auntie K sa sinabi ko pero ngumiti lang siya sakin.
"Sige iha. Tawagin mo nalang ako o kaya ang iba pang kasambahay dito kapag may kailangan ka."
"Salamat po Auntie K"
Bigla ko kasi naisip na isurprise ng breakfast si Marion. Nalaman ko rin kasi sa secretary niya na ni-off na ni Marion ang araw na ito para makapagpahinga siya. Oo, kahit weekend pumapasok pa rin sila.
"Hmm.. Ano nga ba iluluto mo para sa breakfast niyo ngayon?"
Natandaan ko ang sunny side egg na paborito ni Marion. At natatandaan ko rin na ito ang pagkain na hindi maluto ng perfect.
Kung sinisimulan ko na kaya dahil malamang 8 am andito na si Marion.
8:00 AM
"YES! Naperfect na rin kita!!!"
Ang saya ko dahil after 25 eggs, nakaperfect na rin ako. Worth it ang maraming paso, sugat at kung ano pang disgrasya na nangyari sakin habang nagpprito ng itlog. Ilan beses na rin tumakbo papuntang kusina sila Auntie K at mga kasambahay namin dito dahil sa mga basag na plato.
Hindi ko rin talaga maintindihan kung bakit hirap na hirap ako magluto nito pero sa ibang pagkain, simple lang naman para sa akin.
Teka 8:30 am na, nasaan na kaya si Marion? Ring lang ng ring ang phone niya pati ng secretsry niya.
BINABASA MO ANG
[CLASS 4-6 BOOK 2] To be MRS. GOTIANGCO
RomansaNamiss niyo ba sina Karissa at Marion ng CLASS 4-6? Ready na ba kayong makasama sila sa next level ng relationship nila? Hindi lang basta-basta relationship dahil MAG-ASAWA na sila! Paano kung sa next level nila, mas marami silang magiging probl...