Chapter 5: Insensitive
Juliet's point of view:
Napahawak ako sa strap ng bag pack at sinipa ang maliit na bato na malapit sa paanan ko. Inayos ko rin ang suot kong dress dahil bahagya iyong nililipad ng hangin. Napanguso ako. Ba't kasi nag dress pa ako eh?
Kasalukuyan akong nakatayo sa ilalim ng puno ng mangga. Pumunta rin ako rito sa Manrae ay para makita ang mga kababata ko.
Masyadong tahimik ang Laelaps pero nakasanayan ko naman na, bihira nga lang ako pumunta ng syudad dahil na rin sa tumutulong ako sa mga batang babae kung paano maging lobo. Kailangan pa iyon ng konsentrasyon at tiwala sa sarili hanggang sa masanay na ang pag-iiba ng anyo.
Ako rin ang inatasan sa pangkat ng kababaihan. Si Romeo naman ang sa pangkat ng kalalakihan.
Isa pa, gusto ko rin makita si Echo pero ang tanging nakikita niya lang ay si Sierra. Napabuntong hininga ako. Siguro gano'n talaga. Nagmamahal tayo na may mahal ng iba. Walang eksepsyon ang buhay. Masasaktan at masasaktan ka.
Ilang sandali pa ay may humintong taxi sa 'di kalayuan, parang bumabagal ang bawat tao na dumadaan habang bumababa siya sa sasakyan. Bumabagal ang kilos ng nasa paligid, palakas nang palakas ang tibok ng puso ko habang naglalakad siya patungo sa 'kin. Hindi ko matandaan kung kailan ko naramdaman ang gan'to. Basta ang alam ko lang, mahal ko ang lalaking 'to.
"Hey, Juls." Aniya. Bahagya siyang ngumiti sa 'kin.
Nagpakurap-kurap ako nang makabawi. "Hi."
"Kanina ka pa ba nandito? Akin na bag mo." Kusa ko namang binigay ang mabigat na bag pack na dala ko.
Isa ito sa gusto ko sa kanya. Yung pagiging gentleman niya sa 'kin pero alam ko, nakababatang kapatid lang ang tingin niya sa 'kin.
Nagsimula kaming maglakad patungo sa lounge nila. Nakapunta na rin ako noon, dal'wang taon na ata ang nakakaraan. Basta, medyo matagal na.
Nililipad ng hangin ang buhok ko, natatakpan na ang aking mukha kaya hinawi ko iyon bago sumulyap kay Echo. "Uhm, si kuya, Echo?"
"Hmm. Nasa room pa naman. Maya pang 6pm yung uwian." Aniya.
Bahagya akong natigilan. "Ibig sabihin, nag cutting class ka? Seryoso?"
Dinilaan niya ang kanyang labi bago tumango.
Napabuntong hininga ako bago bumaling sa kanya. "Hindi ba ikaw papasok mamaya? May oras pa naman eh." Tumingin ako sa relong pambisig. "4:30 pa lang naman."
Nakatingin lang siya sa unahan habang naka silid ang mga kamay niya sa bulsa. "Sasamahan na kita."
Napatitig ako sa kanya. Tatlong nunal sa kaliwang leeg, dalwang nunal sa kanang pisngi, isang nunal sa batok. Matangos ang ilong. Hindi masyadong maputi, tama lang. 6'0 ang height at may russet brown na mga mata.
"Kamusta pala sa Laelaps? Wala namang rogue doon? Kaninang umaga lang, nilibot namin yung campus pero hindi pumasok si Mason."
Napapatingala ako sa kanya, ano pa bang aasahan sa 5'2 na tulad ko. Ako rin ang medyo maliit na kulay chestnut na balahibo sa 'ming lahat.
"Juls."
Maninipis na pulang labi. Makapal na kilay at medyo singkit na namana pa niya kay tita Jessie.
"Juls."
Malakas ang dating ni Whiskey dahil maputi gaya ni tito Bravo pero ang lakas ng impak ni Echo sa 'kin.
"Juls."
Minsan naiisip ko kung may nahalikan na ba siya. Ang swerte naman niya kung sino man siya. Sana gano'n pa rin, sana bata na lang kami para lagi ko siyang kasama.
BINABASA MO ANG
A Beast In The City
Hombres LoboLove doesn't exist until she came to his life... but the most uncertain battle is between a chaos mind and reticent heart.