CHAPTER ONE

25 10 6
                                    

Felicity Amia

"I'm home." walang emosyong sabi ko ng pumasok ako sa bahay.

9:00 na ng makarating ako dito sa bahay. Nagstay pa kasi kami ni Sophee sa park at nagfoodtrip, or should I say. Sya lang ang nakapagfoodtrip, Hindi kasi ako pepwede ng mga pagkain na kinakain nya. Piling pili lang talaga ang mga pagkain na pwede ako, nakakainis nga eh.

Didiretso na dapat ako sa pagakyat ng tinawag nya ako.

"Feng.."

"Mom, It's Felicity, Stop calling me Feng. I hate it."

"Mapapaaga daw ang dating ng Tatay mo, uuwi na sya dito bukas."

A-ano? Bukas? Damn it!

Nagulat ako sa sinabi nya pero hindi ako nagpahalata at nanatili lang akong kalmado pero sa totoo lang, sa tingin ko ay nagliliyab na ang katawan ko sa inis. Bwisit!

"Oh? Anong gagawin ko?" walang gana kong tanong.

"Susunduin natin sya bukas, at sasamahan ka nya sa check-up mo bukas dahil may pupuntahan ako. Gigisingin kita ng maaga."

"Hmm. Matutulog na ko."

Pag-akyat ko sa kwarto ko ay umupo ako sa kama at bumuntong hininga, What am I gonna do? Shit. Ayoko syang makita! At ang masaklap pa don sya ang makakasama ko sa check up ko bukas!

Bakit ba kasi hindi na lang si Mama ang sumama sa akin sa hospital? Tss, makikipagkita na naman ba sya sa boyfriend nyang konting ubo na lang tigok na?

Tsk, hindi naman ako na-inform na mas mahalaga na pala ang 'love life' nya kaysa sa kalagayan ko.

Humiga ako sa kama at nagpahinga na. Sa totoo lang talaga ay ayoko pang matulog dahil maya maya ay gigisingin na ako ni Mama. Tsk! What the hell is happening with my life?

**---**---**

"Feng, wake up. Anak gising na."

"Five more minutes Mom, please."

"Sa byahe ka na matulog, sige na. Get up and Get dress Feng."

"I said It's Felicity." pagsabi ko non ay bumangon na ako at dumiretso sa C.R at naligo.

Pagtapos ay nagbihis na ako, simpleng jeans at oversized shirt lang ang suot ko, sinuot ko din yung couple shoes namin ni Sophee, binigay nya sa akin yun nung birthday ko. Dinala ko ang cellphone at earphones ko at tsaka bumaba.

"Sa kotse ka na mag-breakfast Anak, magda-drive thru na lang tayo. Sige na sumakay ka na sa sasakyan hintayin mo na lang ako, isasarado ko lang ang bahay."

Sinunod ko ang sinabi nya, sumakay ako sa sasakyan. Sinuot ko ang earphones ko at pumikit.

My favorite song, Faded by Alan Walker is playing. Okay, I get it Alan, I'm fucking fading away -.-

Minulat ko ang mata ko ng sumakay na si Mama sa sasakyan at nagsimula na kaming bumyahe papuntang airport.

Iniisip ko kung anong magiging reaction ko kapag nakita ko na sya. I don't want to be so disrespectful but i really want to fucking disrespect him. I don't know, bahala na.

Tulad ng sabi ni Mama ay nag-drive thru kami ng pagkain. Gusto kong kumain ng ice cream at kung ano ano pero si Mama pa din ang pumili ng pagkain ko, kaya ayun.. Hindi ko na lang kinain yung pagkain.

Matagal ang byahe dahil traffic na ikinasaya ko, kung pwede nga lang ay hindi na sana gumalaw ang mga sasakyan pero maya maya lang ay nakarating na kami sa airport.

Euthanasia (ON-GOING)Where stories live. Discover now