CHAPTER TWO

30 8 7
                                    

Felicity Amia

"I'm Dylan. Dylan Quinagoran."I look at him with my annoyed face.

"Walang nagtanong."

"Wala namang problema sa akin kung sasabihin mo rin ang pangalan mo." ngiting ngiti nyang sambit.

Seriously? Hindi nya ba talaga napapansin na ayaw ko syang makausap? Tss.. Kabadtrip to ah.

"Fine. I'm Felicity Amia, and take note Mr. Quinagoran." tumingin ako sa kanya. "I have a Stage 4 Thyroid Cancer, Just Saying."

Sandali syang nanahimik at maya maya ay hinarap nya ulit ako.

"Ano naman kung may Cancer ka? Live your life! Enjoy it while it lasts!"

"Nasasabi mo lang yan dahil wala ka namang sakit. Kapag nagka-cancer ka na, tsaka mo ko lapitan at tignan natin kung masabi mo pa yan--"

"Feng!! Anak!!"

Shoot.

Napapikit na lang ako sa inis.

"Hmm.. Feng pala ah, Felicity." He is wiggling his eyebrows while he's saying it! Na mas lalong nagpainis sa sinabi nya! Argh! This man is fucking annoying.

"Sibat na ako. And by the way Dylan, It's not nice to meet you." sabi ko at tsaka tumayo papaalis.

"Until we meet again Feng!!"

Argh! Seriously?!

Hayaan mo na sya Felicity, Besides hindi mo na naman ulit sya makikita. Maliit ang mundo pero imposible ang bagay na yon!

Naglakad ako papunta sa Tatay ko pero nung makadating na ako malapit sa kanya ay nilagpasan ko sya.

"Anak, oo nga pala. Sabi ng Doctor mo kanina ay may mga komplikasyon sa katawan mo, sinabi sa akin ng mama mo na iniinom mo naman ang lahat ng gamot mo at wala ka namang namimiss na appointment kay Dr. Salazar.. Kaya ang sabi ng doctor maaaring stress ang dahilan ng mga yon. Ayos ka lang ba?"

I sighed. Tinatanong pa ba ang bagay na yon?

Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya.

"Anong gusto mong sagot? Yung Totoo o yung kasinungalingan?" walang gana kong tanong.

"Y-yung totoo ang gusto kong mala-"

"Hindi ako okay. I'm not feeling well."

"Bakit? May problema ba? May gusto ka ba, anak? Sabihin mo lang sakin at gagawan ko ng paraan." ngiting ngiti nyang sabi.

Kung makangiti sya parang wala syang alam sa nangyari sa akin at sa nararamdaman ko. Bakit ba ganito kamanhid ang mga magulang ko? Damn it.

"Gawan mo ng paraan ang ticket mo paalis ng pilipinas at wag ka ng babalik pa. Kaya nyo 'po' ba yon 'Daddy'?"

Nadismaya ang mukha nya sa sinabi ko.

"Anak, ayaw mo ba talaga ako dito?" sobrang down na down ang boses nya. Nice Dad, Nakakaawa ka. Sobra.

"Gusto mo bang sagutin ko pa yan?"

Tinungo nya na lang ang ulo nya at hindi na sumagot pa.

Nang makita ko ang dismayado nyang mukha, hinahanap ko sa puso ko ang awa at lungkot na dapat kong maramdaman. Pero wala talaga, kahit ang guilt ay hindi ko maramdaman.

Namanhid na nga siguro talaga ang puso ko pagdating sayo Dad. And you should blame yourself for what you did.

Sumakay kami sa kotse at gaya ng kanina ay hindi kami nagusap buong byahe hanggang makadating kami sa bahay.

Euthanasia (ON-GOING)Where stories live. Discover now