How we met :)) (Friends Forever)

440 5 0
  • Dedicated kay To my Best Friends For life :) Pangets♥ Labyuu:*♥
                                    

Dedicated pala ito sa mga friends ko. Mamaya na yung name nyo :))

LABYUU GUYS!! ♥

------------

Bawat tao may masayang experience sa High school. Pero ngayon, gusto ko i-share ang storya ng High School life ko/namin. Maituturing ngang pinakamasayang taong yung 3rd year (para sa amin). Dyan nangyari ang lahat...

Lahat ng masasayang pangyayari...

Lahat ng malulungkot....

Lahat ng kilig moments...

at syempre, lahat ng kaibigang makakasama mo habang buhay.

3rd year kami, di namin inaakalang magiging close kami. Di naman magkakalapit apelido namin kasi syempre alphabetically arranged sa room e. Merong nasa class number 1 then 2,3,4,6,11,17,23,26,31,32.33.35,42,43,44,46. Syempre meron ding dalawa pang nilalang na nasa kabilang room. Actually sa 4th floor sila. Kase kami 5th floor.

Odiba ang dami namin.

Biruin nyo every morning ay kami-kami na ang magkakasama. Pati pag recess, lunch at syempre uwian!

Minsan nga bago umuwi laging KFC o kaya MCdo naman.

At pag tuwing friday naman, lagi kaming pumupunta sa bahay ng isang friend. 

So bago ko pasayahin, simulan muna natin sa First day of classes.

Nung first day, hindi kami makapaniwalang karamihan sa min ay kaklase pa rin namin. May mga bago nga, pero di naman ganun kadami.

Sa bawat pagdaan ng panahon, nakikilala namin ang isa't-isa. Baka nagtataka kayo na madami kami, pero MADAMI TALAGA KAMI!!

Minsan nga e, sa mga programs sa school, lagi naming sinusuportahan ang isa't-isa. Tulad nung July, nutrition month, kahit yung iba sa min, di kasali sa nutri-jingle, nandun pa rin kami kasi gusto namin makita ang kapwa kaibigan namin.

Nung buwan ng wika, yung iba kasali dun sa contest na ikinihiya namin kasi ang ganda nung kanila samantalang yung amin e, Pang-intermission lang :)). Yung iba nag-intay sa labas ng room kahit sa totoo lang alam naming talo na kami.

Pero kahit ano pang mangyari, hindi namin iniwan ang isa't-isa. Lagi kaming nakasuporta sa ano mang harapin ng section namin.

Dito napatunayan na sobrang tatag ng pagkakaibigan naming lahat, ang Intramurals, bawat laban ng section namin ay lagi naming pinapanood.

Manalo man o matalo, SUPER SAYA NAMIN, kasi naman sa basketball, grabe ang labanan pero masaya pa rin. Pero MAS GRABE yung sa volleyball, eto talaga ang maituturing na game of the year! AS IN!! PINAKAMAGANDANG LARO SA BUONG SCHOOL!!!! Super dikit kasi ng laban. Daig pa yung mga sa UAAP! Pero in the end, ang result, both games ay talo kami...

Pero wag malungkot, 2nd place kami. Lahat ng laban namin ay pangchampionship na. Kaya kahit anong mangyari, CHAMPION KAMI PARA SA ISA'T-ISA!!!

Dumating din ang teacher's day na kahit nawala ang mahal namin adviser e pinasaya pa rin namin ang adopted teacher namin.

Dumating din ang sembreak na parang wala lang, kasi lagi kaming nagkikita kita nung mga yun. Halos everyday nandun kami sa bahay ni Kim kasi masaya kami. 

Kahit di kami kumpleto, madami mang kulang naging masaya naman kami nina, Princess, Charmaine, Aleli, Francheska, Celina, Kim, Annie, at syempre ako.

After nang sembreak, maingay na naman sa room.

Dumating ang christmas party na kami-kami ang nagshare-share sa mga foods. Yung tipong pag sinilip nyo yung ibang group madami pero tama lang, pero pag sinilip mo yuung group namin aakalain mong may fiesta dahil sa super daming pagkain.

One-Shot Stories Ko♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon