52 | Slip

147 11 4
                                        

Khaleesi

Kakalabas ko lang ng restroom nang hawakan nanaman ni Jun ang kamay ko. Patagong hinanap ng mata ko si Jeonghan pero mukhang umalis na nga talaga siya.

"Saan nanaman tayo pupunta?" Tanong ko nang hilain niya nanaman ako kung saan.

Ang bango ng hoodie niya, in fairness. Napaka-tapang ng amoy ng lalaking ito. Sa sobrang tapang naangatan na yung kabahuan ng tubig ng mop which is good naman.

"Sa clinic. I'll request a slip for you to go home."

Biglang nag-salubong ang kilay ko sa sinabi niya. Bakit naman eh natapunan lang naman ang ng tubig sa damit, hindi naman ako nabalian or what.

"I don't need to. I'm fine, Jun."

"I know but you stink too much. Gusto mo bang pumasok sa klase ng ganyan? And besides, 2 nalang naman klase mo." Sabi niya bago nag-simulang bumaba ng hagdan.

Dahil mabilis mag-lakad itong si Jun, mabilis lang din kaming naka-rating sa clinic. Eh sa laki ba naman ng hakbang ng lalaking ito, paanong hindi kami makakarating dito kaagad. Pagka-pasok namin, tinignan kaagad ng nurse ang itsura namin mula paa hanggang mukha.

Psh, as if namang papayag itong pauwiin ako sa simpleng tubi—

"My friend here just got bullied and is in great shock. Can you give her a slip?" Arte ni Jun habang kunwaring nalulungkot.

Aba hanep naman. "I wasn't bullied."

"See? In denial pa din siya kahit na nakita ko kung paano siya binully." Nag-kunwari pa siyang sinipon habang sinasabi iyan.

Akala ko hindi maniniwala yung nurse pero nagulat nalang ako nang humikbi siya at nag-simulang sulatan ako ng slip. Loko loko itong si Jun pero ang galing niya ha. Pwede siyang maging actor.

Inabot ng nurse ang slip habang tinitignan ako ng malungkot. "Sino yung nambully sa iyo? Tell me."

Na-bully ba ako? "I-I don't know the name." Sabi ko habang tumitingin nalang sa sahig.

Bigla naman akong niyakap ng nurse habang humahagulgol na sa iyak. "Iha don't worry, I'll be here when you need me okay?! Stay strong!"

Dios mio. Ganon ba ako ka-kawawang tignan para umiyak ang nurse? I mean alam 'kong na-pilay ako and all pero— so mukha akong binubully ganon? Bwisit kasalanan to ng Athena na iyon eh. Dapat sa mga tulad niya pinapaslang.

"Nurse, she needs to rest." Singit ni Jun kaya naman binitawan na ako kaagad ng nurse. Nauna nang mag-lakad si Jun at nginitian ko na lang sya ng bahagya bago nag-simulang mag-lakad na din palabas ng clinic.

"Asan bag mo?" Tanong ni Jun nang maka-labas kami.

Speaking of, "Nasa cafeteria. Kay Dite." Sabi ko.

"I'll go get it. Mag-hintay ka nalang sa gate, I'll give you a ride home." Sabi ni Jun bago tumakbo papunta sa cafeteria.

Since mabaho nga ako at ang kapal naman ng mukha ko kung papasok pa ako sa room, sumunod nalang ako at nag-hintay sa gate. Hindi naman ako tinanong ng guard dahil bago pa siya mag-salita, winagayway ko na yung slip ko habang naglalakad.

Umupo ako sa isang bakanteng bench.

"Binully ka ba iha?" Tanong ng guard habang kumakain ng tinapay.

Grabe mukha ba talaga? Hays.

Tumango nalang ako para iwas tanong. Maaalala ko lang yung inis ko kay Athena kapag yun pa yung paguusapan kaya tinuon ko nalang yung atensyon ko sa mga puno at doon nalang na tulala. Kapag ako natutulala, kung ano anong bagay nalang naiisip ko.

entice | jeonghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon