Chapter 9- Exhausted

21 6 4
                                    

Nicks' POV

Jusko sana walang nangyaring masama kay Grace alam naman niyang walang gustong magmake-up sa kanya kung saka sakaling.....alam niyo na.

Tumakbo na ako papuntang school clinic para mas mapabilis. Baka kasi walang siyang kasama dun eh. Hay nako. Ang kawawa kong kaibigan.

Kumaripas ako ng takbo papasok sa school clinic. Inilibot ko ang aking paningin at laking gulat ko nang makita ang hindi ko inaasahang mananatili sa tabi ni Grace. It seems like siya pa ata ang nagsugod sa kaibigan ko rito.

This can't be.

"G-gab?"

"Ohh. I just saw her lying down there so I have no choice kaya dinala ko nalang siya dito. Madaming nakatingin kanina and I think makakasira sa image ko kung makikita nilang lalagpasan ko lang siya." He explained.

"Thank you." I smiled.

Nabasag ang kaunting katahimikan nang biglang magsalita habang natutulog ang nakahigang si Grace.

"Hoy! Bumalik ka nga dito ikaw dambuhalang baboy!"

Hindi ko na napigilan pa ang pagbuga ng malakas kong tawa. Habang ako'y nasa kalagitnaan ng pagtawa napansin ko ang matipid na pagngiti ni Gabriel.

Muli nanaman kaming ginulat ni Grace nang bigla itong bumangon at tumayo. Pansin ko din na hindi pa nito idinidilat ang kanyang mga mata. Nagsimula na siyang bumaba ng kama at naglakad. Akmang pipigilan ko na sana ito nang hawakan ni Gabriel ang kaniyabg kanang kamay. Hinila niya ito at muling pinahiga sa kama. Hooo.

"Ahm Gabriel, baka nakakaistorbo na kasi kami sa'yo. Maaari ka ng makaalis ako na ang bahala sa kaibigan ko. Thank you ulit." I said while fixing Grace's blanket.

Nagpakawala muna ito ng isang malalim na buntong hininga bago tumayo at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng clinic. As he step out the clinic's door I saw him turned round and waved his right hand. Hindi ko alam kung para saakin ba yun o para sa natutulog na si Grace.

Baka para saakin, alangan naman na para kay Grace, alam naman ni Gab na natutulog ito pano niya sana makikita ang pagkaway kaway niya. Basta.

Grace's POV

Bigla akong naalimpungatan nang marinig ang isang napakalakas na tunog na agad namang sinundan pa ng isang pamilyar na tunog Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata, dumungaw ako sa may malapit na bintana mula saakin at nakita ang mga nagsisitakbuhang mga estudyante mula sa kabilang building. Kung hindi ako nagkakamali ang building na iyon ay ang Computer Laboratory namin.

"SUNOG! SUNOOOOG! TULONGGGG!"

Nagulat nalang ako nang biglang may pumutok sa bandang itaas ng.... clinic ba 'toh? Teka bakit ako nandito?
Biglang nagsink-in saakin ang mga pangyayari bago pa man ako mawalan ng malay.

"Gabrieeeeeel! Magpakita ka saakin! Babasagin ko talaga ang bungo mo ikaw baboy ka!" I shouted. Wala na akong paki-alam kung sino pa man ang makarinig nun. Kahit sa ganoong paraan man lang masubukan ko ding umeksena paminsan minsan.

"Baliw ka ba! Imbes na 'tulong' ang isigaw mo, puros walang kwenta naman. Sayang boses bess."

"Wala kang paki-alam! Bakit ikaw ba ang ako? Makapagsalita ka diyan, eh kung ikaw na kaya ang sumigaw ng tulong! Swerte mo na kung may taong mag aaksaya pa ng oras para makikinig sa'yo." Kapag may chance dapat nilulubos. Minsanan lang 'toh gurl. Ilampaso mo na!

"Aba talagang binubwisit ako ng babaeng ito ha! Nakapaka walang hiy----" susugudin na sana niya ako nang bigla nanamang may pumutok sa bandang itaas na ikinagulat ng lahat. Kahit papaano nagpapasalamat padin ako sa pagputok na 'yon hahahaha.

Makalipas ang ilang segundo, naagaw ng pagliyab ng bobida ang atensyon ng lahat. Kasabay ng unti unting pagbalot ng makapal na usok ang buong clinic ang paglakas ng sigaw ng bawat isa ng kani kanilang Last Words. Char. Di kalaunay pati ako napasigaw na din ng 'tuloooooong!'.

Napahawak nalang ako sa aking dibdib nang bigla itong sumikip hanggang sa hindi na ako makahinga. Nakaramdam na din ako ng bahagyang paglambot ng aking mga kalamnan na para bang sa kahit na anong oras ay bibigay na.

"N-n--icck--s...... t-tulo-ong." Mahina kong sabi nang maaninag ang kaniyang anino sa kabila ng makapal na usok.

Nicks' POV


Pabalik naako ng clinic matapos mag-cr nang makarinig ng isang Fire Alarm kasabay ng paulit ulit na boses ni Principal sa speaker na nagsasabing Dear students, please proceed to our school field right now.

Nagtanong ako sa mga nagsisitakbuhang mga estudyante papunta sa field kung saan nga ba galing ang sunog. And they said na sa Computer Lab daw ito galing. So hindi ako masyadong nagpanic. But suddenly, one student shouted na may mga pumutok daw na kable ng kuryente sa school clinic na siyang kakonekta sa may Computer Lab.

T-teka. S-si Grace! Kumaripas na ako ng takbo papunta sa kinaroroonan ni Grace. Halos mabalot na ng makakapal na usok ang buong clinc kaya mas lalo pang nanginig ang aking buong katawan.

"Lord kayo na po ang bahala sa'kin. Sorry po sa lahat ng nagawa kong kasalanan. Kung mamatay man po ako, mamamatay naman po akong inililigtas ang bestfriend ko. Sana po sapat na po 'yon para mapunta po ako sa Heaven. Diba po----"

"What are you still doing there?!"

"Ayyy tuna!"

Takte naman Gabriel oh! Hindi pa nga ako tapos sa pangungumbinsi kay Lord eh.

Sinundan ko na ito sa pagpasok sa loob ng clinic at dali daling hinanap si Grace. Sumigaw sigaw na ako pero wala pa ring sumasagot. And then I suddenly saw a girl lying down at the floor. In that nakita ko ang walang malay na si Grace, nakahandusay at hawak hawak ang kanyang dibdib.

"Gab! She's here" Agad agad naman itong tumakbo at binuhat si Grace. Paalis na sana kami ng biglang may humawak sa aking paa.

"T-tulong." Ini-abot niya ang kanyang kamay saakin. Hindi na ako nagdalawang isip at agad ko itong inabot at tinulungan siyang makatayo. Actually mabigat siya.

Pagkalabas namin ng school clinic habang akay akay ang dalawang ito nagtungo kami papunta sa ambulansiyang nakaabang sa may harap ng Computer Lab.

Habang nakasakay kami sa ambulansya nagulat nalang ako ng magsalita ang estudyanteng tinulungan ko kanina.

"Thank you"

~~~

A/N:

WHAT'S UP GUYZ! Hahaha. After 123456789 centuries. Charr. Hahahaha. Kamusta? Jinja bogoshipdayo!😆😂 Gusto ko lang po ipaalam na...... Mag-grade 9 nako! WAHHAHA. Share ko lang. So ayun guys. Sobraaaaaang tagal talaga. As in soooobraaa. Sa sobrang tagal nga eh halos makalimutan ko na ang concept ng istorya tupo tupo na 'toh.😂 Hindi ko din ineexpect na makaka abot ito ng more than 400 readers😂 So.... thank you thank youuuu. Just keep on reading TSFCN! 😉 Ahlabyu all!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Secret Feelings of the Campus Nerd  [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon