C6 [Past]

17 1 0
                                    

"Im sorry cyra. Hindi ko sinasadya."

"Hindi sinasadya? Pinagkatiwalaan kita emily! Tinuring kita bilang tunay na kaibigan pero ano ang ginawa mo? Inaagaw mo na pala ang asawa ko!"

Bigla ko narinig si mommy na nagsisigaw mula sa loob ng kwarto. Never ko siyang narinig na sumigaw. Never din siyang nagalit ng sobra. Ngayon lang.

"Im really sorry. Pero ano magagawa ko? Andito na yung bata sa sinapupunan ko. Cyra, ayoko lumaki ang anak ko na walang ama. I need aaron. My child needs a complete family."

"That child doesnt deserve a complete family. Hindi ko ibibigay sayo si Aaron. You hear me? Hindi ko siya ibibigay sayo!"

Biglang lumabas si mommy at nagtatakbo sa labas. Sumunod din si tita Emily sakanya.

Nasa labas sila ng daan habang si mommy ay patuloy sa pag iyak. Hindi ko alam kung bakit umiiyak ang mommy. Ayoko siyang makita na nasasaktan.

"I trusted you, Emily! I trusted you. But.... inagaw mo sakin si Aaron. Inagaw mo sakin yung taong mahal ko!"

Biglang sinampal ni mommy si emily at lumabas na din si daddy mula sa bahay.

"Ano nangyayari dito?"

"Daddyyy! Si mommyyy! Si tita emily po may kasalanan." I cried while saying those words.

Tiningnan lang ako ni daddy at pumunta kay tita emily.

"Aaron. Umalis na tayo dito. Iwan mo na sila. Bumuo na tayo ng pamilya." Sabi ni tita emily habang nagmamakaawa kay daddy.


"You pathetic desperate woman!" sabi ni mommy sabay hila sa buhok ni tita emily. Gumanti din si tita emily at naghihilaan sila ng buhok sa gitna ng kalsada ng may biglang isang sasakyan ang dumating....


"Emily!" Sigaw ni daddy at hinila niya palayo si emily.


"Mommy!!!"







I looked myself at mirror. And everytime na tumitingin ako sa salamin bigla kong naalala si mommy. Tama nga sila, habang lumalaki ako mas lalo ko nagiging kamukha si mommy. I missed her. So much. Sana si emily nalang ang nawala at hindi si mommy.

"Handa ka na ba Cake? Kanina ka pa nila inaantay sa baba." Elloisa said.


Sa school nila ako papasok. As if I have a choice.







Im Living Under The Same Roof With 12 Hot GuysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon