Chapter 1

945 38 1
                                    

Baekhyun.

"So, ayun na nga. Ang cute talaga ng bagong nurse na kakapasok lang ngayon. May magandang mata, sexy na lips, slim pero muscular na katawan. At nasa kanya ang pinakamagandang ngiti na nakita ko sa isang tao!"

Nagugulat nalang si Baekhyun sa mga sinasabi ng kaibigan niyang si Kyungsoo. Kilala niya ito bilang  tahimik at hindi makabasag pinggan pero naging ganitong kaingay bigla simula nang pumasok sa Institute ang bagong nurse na 'yon.

"Kyungsoo, report to 104. Tapos na ang breaktime mo."

Kitang-kita ang pagkadismaya sa mukha ni Kyungsoo. Halatang may galit siya sa supervisor niyang si Suho. Hinablot agad niya ang labcoat at nagpaalam kay Baekhyun. 'Di niya nakalimutang sipain ang pinto para extra effect sa pagdadabog.

Nagfocus na ulit si Baekhyun sa charts na iniexamine niya kanina. Nagsulat siya ng note bago umalis sa office.

Park Chanyeol: No progress.

- Room 509 -

Ang mga numero na 'yun ay nagbibigay ng ibang pakiramdam sa kanya. Mas gusto pa niyang pumunta sa kahit saan, basta wag lang dun. Mas gugustuhin pa niyang sumakay ng roller coaster dahil mas kaya pa niyang harapin ang takot niya dun.

Pero kumatok pa rin siya at pumasok sa kwarto.

Walang pinagbago. Puro puting gamit ang nakita niya. Napansin niyang ang daming kalat na papel sa kwartong 'yun.

"Sino ka?" bakas sa pasyente ang takot sa mukha niya.

"Hello, I'm Byun Baekhyun. Your doctor." pilit ngunit kaswal niyang sagot.

"Ang gandang pangalan." sabi ng pasyente habang hawak ang isang ring box sa kamay niya.

Remember me, Chanyeol. Ngumiti si Baekhyun. "Salamat."

Bumalot ang katahimikan sa kwartong 'yun habang si Chanyeol ay nakatuon ang atensyon sa isang laso na pinaglalaruan niya. Kulay puti din ito gaya ng kulay ng kwarto niya.

Nanatiling kalmado si Baekhyun at inintay niyang itanong ni Chanyeol ang bagay na lagi nitong tinatanong sa kanya. 

"Nasaang lugar ako?"

"Seoul Mental Institute. Ikaw sir, ay nandito dahil nagsusuffer ka sa tinatawag na Post-Traumatic Stress Disorder." Tumango naman si Chanyeol na parang naintindihan niya lahat.

Nagpatuloy naman si Baekhyun. Pinipigilan ang pag-agos ng emosyon.

"Ang brain mo ay nagrerestart ng kusa palagi. Halimbawa, 346 times ko nang inulit lahat ng 'to." tumingin naman si Chanyeol sa kanya at ngumiti.

"Sorry, doc. Mukhang may sira yung utak ko."

--

Dumating ang isang beses na pinaniwalaan ni Baekhyun na walang kwenta ang buhay niya pero binago lahat 'yun ni Chanyeol.

Si Baekhyun ay nagiisang anak sa pamilya. Magaling siya sa sports, academics, at may magandang reputasyon. Sa likod ng kanyang ngiti ay pinipilit niyang magpanggap na isa siyang masayahing estudyante na magmamana ng kompanya ng kanyang magulang. Pero ang totoo, ay mas gusto niya ang medisina at ang pagtulong sa ibang tao.

Pero para masunod ang gusto ng kanyang mga magulang, nagenroll siya sa mga kilalang business schools sa Korea at kasabay non ay ang palihim na pagpasok niya sa isang medical school.

Nang sabihin niya sa magulang niya ang pagkagusto niya sa medisina, nagtalo sila ng malala at humantong sa paglayas niya sa bahay. Lahat ng kaibigan niya ay iniwan siya nang mga panahong humihingi siya ng tulong. Maliban kay Kyungsoo.

The Patient (Chanbaek) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon