May mga araw na sinusumpa ni Baekhyun ang lahat. Gusto na niya wakasan ang buhay niya pero laging nandyan si Kyungsoo para pigilan siya.
"Huminahon ka, Baekhyun!"
"Isa akong masamang tao para sa kanya!"
Bumalik siya sa realidad ng pumasok si Kyungsoo sa office niya. Hinubad niya ang coat niya at tumitig sa kawalan. Agad namang naintintindihan ni Kyungsoo ang ibig sabihin nun.
"Sanay ka na diba?" paalala ni Kyungsoo.
"Pagod na kong ipaalala sa kanya ang lahat. Paulit-ulit nalang."
"Hay, alam ko."
"Pwede bang ikaw muna humarap sa kanya?"
"Alam mo namang hindi ako kasing tapang mo, Baekhyun. Tsaka lagi akong binabantayan ni Suho, pag nalaman niya na hindi ko inaasikaso ang isa sa pasyente ko- "
"Do Kyungsoo, magvisit ka sa Room 104. Ngayon na."
"Nako naman! Ayaw na naman inumin ni Mr. Gonzales ang mga gamot niya. Lagi nalang!" umalis naman na agad si Kyungsoo, inis na inis sa pasyente niya.
Wala ng magagawa si Baekhyun, kailangan na naman niya pumunta kay Chanyeol.
--
"Hi, Doc!"
"Hello, Chanyeol. Kamusta ang araw mo?"
"May naalala ako."
Napabuntong hininga naman si Baekhyun. Lagi nalang 'to nangyayari. May maaalala si Chanyeol at aasa na naman siya pero kinabukasan marereset na naman ang isip ni Chanyeol.
"Ano 'yun, Chanyeol?"
"Yung unang date natin."
Agad siyang natigilan. Hindi. Hindi pwede. Hindi siya nagpahalatang nagulat sa sinabi nito.
"Ah, talaga. Pwede mo bang ikwento?"
"Nag-swimming tayo kasi wala akong maisip na puntahan natin nun at ang boring naman kung manonood lang tayo ng sine. Kaso muntik na kong malunod nun dahil hindi ako marunong lumangoy at nagseselos pa ko dahil nakatingin ka dun sa lifeguard kaya pumunta ako sa pinakamalalim na part ng pool."
Nakatingin lang sa kawalan si Baekhyun habang pinagpatuloy naman ni Chanyeol ang kwento niya. Ang kwento nila.
"Pagkatapos niligtas mo ko at nung nagkamalay na ako bigla mo ko sinampal na kapag inulit ko pa iyon, magbebreak tayong dalawa. Pagkatapos hinalikan mo ko at niyakap."
Nahihirapang huminga, nararamdaman na ni Baekhyun ang mga luha niya. "Makakalimutan mo rin 'yan bukas." sabi niya.
"Hindi."
"OO! Dahil laging ganun ang nangyayari at masasaktan na naman ako dahil aasa na naman ako!" sigaw ni Baekhyun.
"Sa tingin mo, hindi ko rin naranasan na umasa?"
Pagkasabi nun ni Chanyeol, nag-iba ang mga mata niya. Napuno ito ng galit.
"Bakit hindi mo ko niligtas?!" biglang nagwala si Chanyeol.
Hindi alam ni Baekhyun ang gagawin niya dahil hindi pa 'to nangyari dati. Ang mga kamay niya'y patuloy sa panginginig.
"Inintay kita nun! Inabuso nila ako!"
Hindi naman makapaniwala sa nangyayari si Baekhyun.
"Chanyeol, ulitin mo yung sinabi mo."
"Lumayo ka sakin! Sasaktan mo lang ako!"
Alam ni Baekhyun na hindi dapat niya hayaan na magwala si Chanyeol. Maaapektuhan ang trabaho niya at baka masisante pa siya. Dapat sa oras na 'to ay nagtatawag na siya ng mga nurse para mapakalma si Chanyeol pero kakaiba ang nangyari.
Lumapit si Baekhyun kay Chanyeol at niyakap ito. Walang pakialam si Baekhyun kahit nasusuntok na siya basta gusto niya mayakap ang mahal niya ngayon.
"Nandito ako Chanyeol, nandito ako." bulong ni Baekhyun habang hinihimas ang likod ni Chanyeol.
Pinikit naman ni Chanyeol ang mga mata niya. "Baekhyun." bulong niya bago siya nawalan ng malay.
--
Tatlong minuto nalang at magsisimula na ang shift ni Baekhyun. 'Di niya matago ang ngiti niya habang naglalakad siya sa hallway. Nakasalubong naman niya si Kyungsoo na matatapos na ang shift.
"Mukhang masaya ka, ah?"
"Chanyeol's making progress! Isang buwan na at naaalala niya lahat except sa unang taon na nagkakilala kami."
Natuwa naman si Kyungsoo sa binalita ng kaibigan.
---
"Doc! Kamusta naman ang araw mo? " sabi ni Chanyeol habang niyayakap si Baekhyun.
"Maganda ang araw ko. 2 weeks nalang at madidismissed ka na dito. Lahat ng test mo ay lumabas na negative!" kitang-kita sa pagsasalita ni Baekhyun na masayang-masaya siya.
"2 weeks?" tanong ni Chanyeol ulit.
"Yes! Two weeks!" sabi ni Baekhyun habang kumukuha ng vitals.
Isang luha ang lumabas sa mata ni Chanyeol. Masaya din siya.
BINABASA MO ANG
The Patient (Chanbaek) ✔
FanfictionThe lovers who are trapped in a psychological misery. Remember me, that's Baekhyun's wish.