Tinapos agad ni Baekhyun ang gawain niya sa Room 501 at dumiretso niya agad sa Room 509 dahil namimiss na niya ang mukha ni Chanyeol.
Napansin niya na marami na namang nakakalat na papel sa kwarto niya, natawa nalang siya baka wala lang 'yun. At tulad ng dati, nilalaro parin ni Chanyeol ang velvet ring box at mukhang tuliro sa sulok.
"Patawad..patawad..patawad.." bulong nito.
Nawala ang ngiti ni Baekhyun. Hindi na niya kailangan magtanong. Ang pagaakto ng ganto ni Chanyeol ay isa lang ang ibig sabihin. Pinikit nalang niya ang mga mata niya at pinipigilan ang sakit na nararamdaman niya sa puso. Hindi pwede. Ngayon na dapat ang araw na ilalabas si Chanyeol.
"H-Hey.." tawag niya.
Napatayo si Chanyeol dahil sa gulat, nahulog ang singsing na hawak niya. "Sino ka?"
Pinako ni Baekhyun ang tingin sa kumikinang na singsing. "Anong gagawin mo pag namimiss mo ang isang tao?" tanong niya.
"Alalahanin."
"Alalahanin ang ano?" luha ay bumagsak sa pisngi niya.
"Ang lahat ng alaala niyo."
Tinakpan ni Baekhyun ang mukha niya at nagsimula ng umiyak. Tumakbo siya ng tumakbo kahit 'di niya alam kung san siya pupunta. Hanggang sa makarating siya sa isang pribadong garden na pasyalan ng mga pasyente at dun niya binuhos ang pagsigaw niya.
Six Years Later.
"Sabi ng 'wag mo kong pakielaman Junmyeon!" sigaw ni Kyungsoo sa office ng supervisor niyang si Suho. Natawa nalang si Jongin dahil sa pagtawag ni Kyungsoo sa totoong pangalan ng boss niya.
"Meet your patient!" sigaw ni Suho.
Ngumuso lang si Kyungsoo at tumingin kay Jongin. Those eyes. Alam na ni Jongin ang ibig sabihin. "Fine, kakausapin ko nalang si Chanyeol."
Ngumiti naman si Kyungsoo agad na humalik sa pisngi niya. "Salamat, Jongin."
Bago pa makasalita si Jongin ay nakaalis na si Kyungsoo.
"Disappointed?" nakarinig si Jongin ng boses sa likod niya. Si Chanyeol na naka-coat.
"Hay nako, hindi parin ako makapaniwala na isa ka lang pasyente dito. Six years ago."
"Ah, oo nga." tipid siyang ngumiti.
"Pumunta ka na sa Room 509, ayaw siya makita ni Kyungsoo." tumango naman si Chanyeol.
"Byun Baekhyun." bulong ni Chanyeol habang naglalakad siya sa hallway.
Nakarating na si Chanyeol sa Room 509. Bigla niyang naalala ang mga araw na nandito siya sa kwartong ito. Pumasok na siya agad.
"Sino ka?" tanong ni Baekhyun na takot na takot. Magulo ang buhok niya. Ang mga mata niya ay parang mapupula pa na parang kakatapos lang niya umiyak. At yun ang pinaka-worst na nakita ni Chanyeol. Hindi ganito si Baekhyun.
"Hello, ako si Chanyeol."
"Mukhang familiar ang pangalan na 'yan.."
"Dapat lang. We were lovers for many years."
"Wala akong matandaan na minahal ko."
Hindi nalang umimik si Chanyeol at kinuha nalang ang vitals ni Baekhyun.
"Doktor ka dito?" tanong ni Baekhyun sa kanya.
"Hindi naman talaga ako doktor dito sa ospital na 'to. Pero ginawa kitang ganito kaya..." tumingin siya sa mga mata ni Baekhyun. Simple lang at walang emosyon.
Naalala kita, maaalala mo kaya ako?
Oras na para bisitahin naman ni Chanyeol ang bago niyang pasyente kaya kailangan na niya magpaalam. "Bye, Baekhyun." nagintay siya ng sagot, ngunit wala siyang natanggap.
Nang makalabas na si Chanyeol sa kwarto, nagsimula ng umiyak si Baekhyun sa hindi niya alam na rason. Laging siyang umiiyak pag umaalis si Chanyeol sa kwarto niya.
Nadudurog ang puso ni Chanyeol habang sinusulat ang notes tungkol sa pasyente niya.
Byun Baekhyun: No progress.
***
Salamat po sa lahat ng nagbasa nito. Till the next story!
BINABASA MO ANG
The Patient (Chanbaek) ✔
FanfictionThe lovers who are trapped in a psychological misery. Remember me, that's Baekhyun's wish.