CHAPTER 1
Julie Anne San Jose retouched her make up carefully in front of the mirror inside the crowded female comfort room of Araneta Coliseum. She checked her reflection. Long black hair, all silky and brushed: check. Light make-up on her smooth porcelain skin:check. Lip gloss, not too much: check. No lipstick stain on her front teeth: check.
Good. Kontento na siyang napangiti sa sarili.
“Ang gwapo ni Bryan noh?” Napatingin si Julie Anne sa babaeng nagsasalita mula sa salamin. Typical fan girl ang hitsura ng mga ito: maganda, sexy, maiikli ang damit. They look like any of the million fan girls of Thunder, ang bago at smashed hit alternative rock band ngayon sa PIlipinas.
“Gosh, hindi ko talaga huhugasan ang kamay ko this whole week para hindi matanggal yung pirma niya sa kamay ko!”. Kilig na kilig ang babae.
Hindi maiwasan ni Julie Anne ang lalong mapangiti sa sarili sa narinig na usapan ng dalawang fans na kakapasok lang sa CR.
“Sira, mas gwapo kaya si Lance. Kaya nga siya ang ginawang vocalist, diba?” sabi ng isa pang babae.
Yes. I definitely agree with you, nakangting sabi niya sa sarili. Muling inayos nang kaunti ni Julie Anne ang buhok at akmang tatalikod na sa salamin nang matabig siya ng isa sa dalwang babaeng nag-uusap.
“Excuse me,” magalang niyang pakikiraan at pagdaan.
“Hey! Julie Anne!” tawag ng babae. Obvious sa expression ng mukha niya na hindi pamilyar sa kanya ang mukha ng babaeng tumawag.
“It’s me, Laurrie! Ano ka ba girl, mag kaklase tayo sa BA 145.”
Wala ring silbi iyon. Kahit na kaklase niya pa ito sa lahat ng klase niya this school year—heck, kahit pa nga since first year college imposibleng matandaan niya ang mukha nito,ano pa kaya ang pangalan at kung sino ito. She never really remembered her classmates’ names and faces. Para sa kanya kasi hindi mahalaga iyon. Isang pangalan, isang mukha, isang existence lang kasi ang mahalaga para kay Julie Anne.
“Ah yes, Laurrie,” pagkukunwari niya.
“Superb ang concert noh?” nakangiting sabi nito
Nginitian rin niya ito, naging playful ang ngiti nito.
“Sabihin mo, may private pass ka sa backstage noh?”
Hindi maiwasan na mag- warm up si Julie Anne sa pagiging friendly ng babae. “Yes”
Laurrie pouted prettily. “Daya mo naman, girl. Sana kami rin. Sabagay expected na yun diba?” Then lumapit ito sa kanya at bumulong nang mahina “Siyempre, girlfriend ka ni Lance diba? Swerte mo Ate.” Kinindatan siya nito.
Namula si Julie Anne. “That’s not true, magkababata lang kami.”
“Fine. Fine. Sige i-deny niyo lang. Sige na girl. Baka nag-aalala na yon sayo. Alam naman namin kung gano ka-protective yon sa princess niya. Sige na, puntahan mo na.”
Gusto pa sanang makipagtalo ni Julie Anne para pabulaanan na girlfriend siya ni Lance, pero tumalikod na ang babae at nag-retouch na ng make-up nito. Biting her lower lip, lumabas na lang si Julie Anne sa CR.
Girlfriend? Napabuntong hininga si Julie Anne.
Wish lang niya. Lance might have been treating her like a princess since they were kids, but he never once showed any romantic inclinations toward her. He was treating her more like a fragile vase.
Napabuntong hininga uli siya at di-namalayang napahawak ang isang kamay sa tainga niya. Mannerism kasi niyang hawakan ang hikaw na regalo sa kanya ni Lance noong six years old pa sila.