Songs of the Heart Chapter 3

260 6 4
                                    

CHAPTER 3

For the second time simula noong makilala ni Julie Anne si Elmo, wala siyang nagawa kung hindi ang panoorin lang itong maglakad palayo sa kanya.

Shoot! Nasapo niya ang ulo.

“Hey! Just hang in there, lady,” nilingon ni Julie Anne si Frank. Kagaya niya, may look din ng exasperation sa mukha nito.

“Thanks”

Napakalayo ni Frank sa kapatid nitong si Elmo. Knowing na mas matanda pa si Frank kesa kay Elmo, mas mukha at ugaling nakatatanda si Elmo. Masungit at seryoso si Elmo samantalang si Frank ay friendly at mukhang very approachable. Hindi niya tuloy ubos maisip kung nagkakasundo ba sila o hindi dahil magkaibang magkaiba sila ng ugali.

“Pag pasensyahan mo na si Elmo. Alam mo medyo may attitude at toyo talaga yan. Genius kasi. Tapos drop dead gorgeous pa ang loko kaya alam mo na medyo mayabang.” Pagbibiro ni Frank. Bumakas sa mukha ni Julie Anne ang disbelief na tila ikinagulat ni Frank. “Hindi mo alam?”

“Ang alin?” Blanko ang expression ng mukha niya.

Napatawa si Frank.” Akalain mo nga naman. I never thought na may tao pa palang involve or mahilig sa music dito sa Pilipinas na hindi nakakakilala kay Elmo.”

Parang napahiya si Julie Anne roon. Totoong wala siyang pakialam sa lahat maliban na lang kung tungkol iyon kay Lance.

Shit talaga! Kasalanan mo talaga lahat  kung bakit ang kitid ng mundo ko! Angal niya sa sarili.

“Ah, well, I suppose sobrang presumptuous din talaga to expect that everyone knows him. Well, you can’t blame me naman diba? He’s Philippine’s number one most sought after bachelor.”

Nagkibit balikat lang siya.

“That guy is a monster you know.” Halatang full of adminiration sa boses ni Frank.

“Alam mo ba nung four years old pa lang yan, nanalo na yan sa piano at violin contest? And not only that, he can also play almost all types of musical instrument. Habang ako naglalaro sa kalsada kasama ng mga barkada ko siya nasa music room kasama si Dad at pinagaaralan ang kung anu-anong musical instruments. World renown siya sa music industry sa edad  niyang yan.” Pang pupuri niya sa kapatid niya.

“He had lots of offers abroad. May isang kilalang school sa America na nag offer ng scholarship sa kanya pero tinanggihan niya. Mas pinili niyang mag stay dito sa Pilipinas. Itong Magalona Records, ipinaman sa kanya ng parents namin right after he graduated college last year. 18 yrs. Old siya nun. I was a patapon and sabi nga ng ibang kamag anak amin na I was the black ship of the family kaya kay Elmo ito binigay ni Daddy. Minsan nga naaawa ako sakanya kasi napaka boring ng buhay niya. Hindi niya naenjoy ang childhood niya, hindi niya naenjoy pagiging teen ager niya and now? Hindi rin niya naeenjoy ang life niya after schooling dahil nagtrabaho na siya agad. Pero alam mo bilib ako sa kapatid kong yan eh… Kahit ganun ang nagung buhay niya. Masaya pa rin siya at wala kang naririnig na reklamo mula sa kanya.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SONGS OF THE HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon