Songs of the Heart Chapter 2

224 2 0
                                    

CHAPTER 2

            “Sorry Miss. Kahapon pa natapos ang audition, hindi na kami tumatanggap ng applicants.”

            Nanlumo si Julie Anne nang marinig iyon mula sa babaeng receptionist sa lobby ng building nga mga Magalona, ang isa sa pinakamalaki at pinaka successful na recording company at rival rin ng VITA Records na siyang recording company ng Thunder.

“Miss, may napili na ba sila o on deliberation pa?” Kulang na lang lumuhod siya sa harapan ng receptionist.

“Miss, I’m sorry pero hindi ko rin alam ang details----”

“Alam mo ba kung kanino ako pwedeng mag inquire? Please, I really need to know.”

12 hours ago, bago pa mangyari ang nangyari sakanila ni Lance, hindi papasok ni sa panagip ni Julie Anne ang mag-demand ng ganito sa kahit sinong tao. The Julie Anne 12 hours ago was way too meek para gawin iyon.

Pero patay na ang Julie Anne na yon. She died exactly 12 hours, 3 minutes and 45 seconds ago; murdered, butchered by Lance Montalvo, ang kanyang kaibigan for fourteen years old mula noong five years old siya, at ang kasalukuyang hottest at most famous lead male vocalist sa Philippines music industry.

“Wala rin dito ngayon yung mag staff na pwede mong kausapin tungkol siyan, mamaya pang after lunch darating iyon. If you want you can wait here at the lobby.” Offer ng receptionist.

If only twelve hours na mas maaga niyang nalaman ang pagiging hudas ni Lance, wala na sana siyang problema. Sana naka-attend siya sa last day ng audition para sa lead vocalist ng Krytonite kahapon.

Kryptonite ang controversial female band na binubuo ng Magalona Records. Dahil sa phenomenal hit ng Thunder, nagsimulang bumubo ang kabilang recording company ang all-female band bilang pantapat dito at yun ay ang Kryptonite. It was a big project for Magalona Records at nag tour pa nga ito nationwide para mahanap ang members. So far, nakahanap  na ito ng apat na miyembro at tanging lead vocalist na lang ang hinahanap nito.

Ang maging lead vocalist ng Kryptonite ang tanging nakikita ni Julie Anne na paraan para mapabagsak si Lance. Ang pulutin sa kangkungan ang records ang Thunder ang pinaka magandang paraan para pabagsakin ang dating kababata. To see him all weepy, miserable and desperate, ang langawin ang albums nito, iniisip pa lang niya ang mga iyon, bumibilis na ang tibok ng puso niya sa excitement, napapangiti siya at nakakaramdam ng matinding satisfaction at pure ecstacy. She would really revel, laugh and smile evilly in his misery.

Shit. Julie Anne clinched her fists.  Mananatiling panaginip na lang ba ang lahat?

“Miss, wala na ba talagang ibang taong pwede kong kausapin bukod doon sa sinasabi mong staff? Please, I really really need this.” Sa ibang  pagkakataon hindi na papansinin ng receptionist ang mga taong nangungulit gaya ni Julie Anne, but she looked so desperate and miserable, as if her life depends on the audition. Na pakiramdam ng receptionist, it would be heartless to turn her down. Bumuntong-hininga ang babae.

“Alam mo, I might lose my job for this,” the receptionist muttered. May sasabihin pa sana nag receltionist ng may biglang sumigaw sa likod ni Julie Anne.

“Jaime, hintay!”

Napalingon ang receptionist sa likod ni Julie Anne kung saan nanggaling ang boses ng lalaking tumatakbo mula sa elevator.

“Nakikita mo yung dalawang lalaking yun?” turo nito sa dalawang lalaking mabilis na naglalakad sa gitna nang lobby. Matatangkad ang mga ito. Pamilyar ang itsura ang isang lalaki, pero hindi niya maalala kung saan niya nakita ito.

SONGS OF THE HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon