Captured

118 5 0
                                    

~~~~~~~~

"Manang .. pabili po ng limang piso na fish ball"

Binigay ko ang bayad ko at nakuha ko na ang fish ball ko.

Kalalabas ko lang sa trabaho ko. Isa akong Call Center Agent.

Sa tuwing uuwi ako galing trabaho, lagi ako napapadaan dito. Naging paborito ko na rin ang fishball.

Naging suki na rin ako ni Manang. Noong una ko kasi itong natikman ay nasarapan agad ako. Kayo ayun.

**

Pauwi na ko. Syempre may fish ball uli ako. Lagi naman eh.

Halos umaapaw pa ang sauce.

Habang nag lalakad ako ng dahan dahan ay dinadama ko talaga ang hangin. Minsan lang ang ganitong panahaon. Minsan mo nalang malanghap ang masarap na hangin habang makulimlim ang langit. Kadalasan kasi ay mainit ang hangin pag makulimlim ang langit. Minsan naman baliktad. Kadalasan kasi ganon ang panahon--

"Fuck !"

Nagulat ako ng may natapunan ako ng sauce. Hala lagot. Nakakahiya.

Napatingin ako sa katawan niya. Ano ba yan. Nakakahiya sa kanya.

Infairness, matipuno ang katawan ah. At matangkad.

Pano na yung damit niya. Naka white pa naman siya at mukhang may pupuntahan.

Sinilip ko ang mukha niya. Nakatingin kasi siya sa damit niya. Galit ang mata niya. Tanga ko naman.

Tumingin siya sakin. Nag iba yung ekspresyon niya. Parang.

Parang . kumalma o nagulat...o ... Ay ewan

"Hala .. sorry po . sorry po . Bibili ko nalang po kayo ng damit.. Sorry po"

Yan napapala ng daydream sa kalsada.

"Okay lang po ba kayo. Pasensya na po talaga"

Napatigil siya .

Ewan ko kung natulala ba siya or what dahil sa galit? Ay di ko na alam. Basta nakakahiya.

Ilang minuto pa bago siya ulit mag salita

"tsk . Stop"  Sabay walkout

"Kakaiba" bulong ko..

Kakaiba sya kasi, bakit di niya ako sinigawan. Mukha pa naman siyang masungit. Tsaka.

Hang wafu nya *-* ..Kala ko talaga  sisigawan nya ako. Nakakatakot kasi siya eh .

Mukha siyang masungit . Pero in a good way. Siguro bad mood lang yun .

Ay Bahala.. Kailangan ko nang umuwi.

----

Nakarating ako sa bahay hapon na..

Dapat kasi mga 3:00 nandito na ako eh

4:40 na eh.

Masyado ko atang inenjoy ang paglalakad. Ang hangin kasi eh. Dadag mo pa yung daydream ko sa kalsada. Iniimagine ko yung guy. Haha.

"Nay ! Nandito na po ako. Si junjun po pati si tatay?"

Sabay nag mano sa kanya.

"Oh anak.. Ngayon ka lang. Nahuli ka ba sa pag labas sa Trabaho mo? Nandun nga pala ang tatay mo at si Junjun sa bago nating kleyente. Paki dala nga pala to sa kanila. Meryenda nila"

Ako nga pala si Candice . 22 Years old. Nag tratrabaho ang tatay sa aming talyer. Siya at ang nanay nag pundar nito.

Madalas niyang katulong ang kapatid kong si Junjun.

CapturedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon