Ligaw tingin..

124 2 0
                                    

Pagkatapos ng mga nangyari at nabulgar sa Boracay, halos isang week nadin kaming walang communication na tatlo. Siguro everybody wants a space. Pero sa tingin ko mas okay nadin tong ganito nalang. Walang masasaktan.

I spent my sem-break helping sa restaurant ng papa ko. 

Busy-busyhan para kahit papano ay makalimot.

Nag-aayos ako ng bulaklak sa table nang tinawag ako ni Charie. Isa sa mga waitress sa resto.

"Maam, may naghahanap po sa inyo. Prinsipe niyo daw po. Marami po siyang sugat at mukhang binugbog po."

Prinsipe? Never naman ako naging prinsesa ah. Ano to, lokohan?? At panong binugbog kaya yun? Napakunot ang noo ko habang iniisip kung sino ang mokong prinsipe ko. Wala rin namang nanliligaw sakin sa school para dalawin pa ako.

Para makakuka ng sagot, inilapag ko pansamantala ang bulaklak sa mesa at dali-daling lumabas sa resto.

Walang tao..

Naku, mukhang hanggang sem-break eh may gustong mangtrip sakin. Buhay nga naman oh. Pag panget ba magnet agad ng kamalasan?

Papasok na sana ako nang may tumawag sakin. 

"Banse!" lumingon ako para tingnan kung sino at nagulat ako sa aking nakita. 

Si Anthony. Maga ang mukha at may dugo sa kanyang ulo.

Eto ba ang prinsipe? Sabog ang mukha. Nakakagulat. Bakit siya andito? At anong nangyari sa kanya? Agad akong tumakbo papalapit sa kanya ng makita ko siyang matutumba na.

"Anthony!" nilagay ko ang kanyang braso sa balikat ko at tinulungan siyang makatayo. "Anong nangyari sayo? Sinong gumawa nito?"

Nagpatulong ako sa guard sa pag-alalay sa kanya at dinala siya sa employee's room. Pinaupo ko siya sa bakanteng silya at hinubad ang kanyang damit na basang-basa at namumula sa dugo.

Oh men! Nakakalibog naman itong taong tao. Ang ganda ng katawan. Hmm. Pandesal.

Nung nahubad ko na ang suot niyang damit, tumakbo ako sa banyo para kumuha ng basang tuwalya. Pinunasan ko ang kanyang mukha at nung matanggal na ang mga dugo, nasilayan ko na naman ang ka-akit akit niyang mukha.

Damn! Bakit ba parang sarap na sarap akong titigan siya. Nakapikit kasi siya kaya pinagsamantalahan ko na ang pagkakataon.

"Ehem!" nagulat ako nung bigla siyang dumilat. "Pwede bang mkahiram ng salamin"

"Huh?" nagtaka ako. Aanhin naman niya ang salamin? Feeling nito. Akala niya siguro gwapo padin siya kahit nabugbog siya. Haist. 

Hmmft o_O gwapo nga naman talga.

"Cute ka sana eh. Bingi nga lang." tumawa siya. Alam mo yung tawang nakakainis pakinggan. Cute daw ako pero pinagtatawanan lang? Ano kaya yun. Malamang, laughtrip na naman niya to. "Ang sabi ko po, kung pwedeng makahiram ng salamin. Ay bingi!"

"Aba! Ang lupet mo din tsonggo ah! Ikaw pa maangas eh ikaw na nga tong tinulungan! Aanhin mo ba ang salamin?" i pouted my lips. Well, nagpapa-cute lang. Ang sabi kasi ni Yani, cute daw ako pag nagpa-pout. Ahahaha. Ansabeee??

"Titingnan ko lang sana kung buo pa ang mukha ko. Sa tindi kasi ng pagkatitig mo nag-aalala ako baka natunaw na to."

Gulp --_--

Hanu daw? Ibig sabihin, nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Naku. Palpak na naman oh. Haizt.

"Waahh! Kapal mo ah. Anong tinitingnan ka diyan? Duh! Pinupunasan ko kaya mukha mo at natural lang na tingan ko yan. Ang adik mo."

THAT GAY IS MY BOYFRIEND (BANSE AND TONING LOVE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon