Best Employee

105 1 0
                                    

ANTHONY'S POV

'Hoy, Toning! Gumising kna nga diyan. Mukhang napapasarap ang tulog mo ah."

Nagising ako sa tinis ng boses ni Banse na gumigising sakin. Para sa iba, nakakairita pakinggan pero para sakin, hindi. Dapat nadin akong masanay. Kasi pag naging asawa ko na siya, yung boses niya na ang magiging alarm clock ko. Masyado lang yata advance ang iniisip ko.

"Eto na po mahal kong princesa. Gigising na po ako para pagsilbihan ka." 

Dali-dali akong naligo at nag-ayos para sa duty ko sa restaurant. Ang bait lang kasi kinupkop nila ako. Pinatira pa ako ng mga magulang niya sa bahay nila sa kabila ng lahat ng ginawa ko. Ang swerte lang ni Banse na meron siyang ganitong pamilya. How I wish my parents were like hers. Siguro wala na akong hihilingin pa.

Pagkatapos kong ayusin ang lahat pati ang higaan ko, dumirecho na ako sa restaurant nila. Hindi naman ito kalayuan kaya nilakad ko nalang.

Pagdating ko ay nakita ko si Banse na busy sa kaka-arrange ng flowers sa bawat mesa. Agad ko siyang nilapitan at ninakawan ng halik.

"Papa oh! Chansing si Anthony." nagulat ako sa sigaw niya. Naku, baka malaman ng papa niya at bka isipin pa nun na atat akosa prinsesa niya.

"Grabe ka naman. Joke lang kaya yun. Bawiin ko nalang nga." lalapit na sana ako sa kaniya nang bigla niyang itinapat sa mukha ko ang hawak niyang bulaklak. Kung nagkataon pala eh yung bulaklak ang nahalikan ko.

Enough of the kulitan. Trabaho na muna. Tama lang ang dating ko kasi kaka-open lang ng resto. Kaya lumabas ako para mag-invite ng mga customers. 

May isang group of friends na papasok at agad ko naman silang wi-nelcome gamit ang aking power-smile.

"Good morning pretty ladies." nakita ko kung pano kiligin ang mga babae. Hay naku. Akala naman nila totoo. Kaialang ko lang gawin to para makatulong nadin sa family ni Banse. Para san pa ang kagwapuhan ko kung di ko magagamit. Haha.

Pagkaupo ng mga babae ay agad kong inabot ang mga menu. Kung makangiti naman ang mga ito wagas. Magaganda naman sila pero hindi yata nila kayang lampasan ang ngiti ng pinakamamahal ko.

"Uhm, hi mister pogi. Gusto ko nang isang fettucini in pesto sauce." bungad ng isa habang hinahawi ang kanyang bangs. Grabe kung magpa-cute lang.

"Ako gusto ko ng Garden Salad. With thousand islands dressing ha."

"Sakin, pwede bang ikaw nalang pogi?" natawa ako sa sabi nitong isa. Siya ang pinakamaganda sa kanilang tatlo pero hindi ko na type ang mga malalandi ngayon. I think I've learned to change na.

"I'm sorry but I'm no longer available." sagot sa babaeng malandi. 

"Ganun ba?" ang arte niya kung mka-pout ng lips. "Sige, club sandwich nalang yung akin. Sarapan mo ha? Kasing sarap mo."

Grabe lang. Alam ko namang masarap ako. Pero yung ihahambing sa sandwich? Masyado naman yatang nakakababa ng personality yun. Ahaha. Ang arte ko ding lalaki noh. Mukhang na-aadopt ko na ang pagpapanggap ko.

"Alright ladies. Your orders will be delivered in 20-30 mins." tumalikod na ako para irelay ang order. Binilisan ko talaga ang paglakad kasi ayokong ma-hook sa conversation nila. Mahirap na.

Nakita kong masama ang tingin sakin ni Banse. Aba, mukhang nagseselos. Bago ko pa marating ang kitchen para ipagawa ang order, lumapit muna ako sa kaniya.

"Wag ka magselos mahal ko. Kahit mas maganda sila sayo, ikaw padin ang type ko." 

"Duh! Hindi naman ako nagseselos ah. At kung makalait ka noh? Sabihin ko nalang kaya kay papa na paalisin ka dito?" nakita kong na-asar siya sa sinabi ko. Ang cute lang niyang maasar. Hindi siya ganun kaganda pero ewan at ganito nlang makatunaw ang mga tingin niya.

"Easy mylabs. Easy. Eto naman. Mukhang kakainin mo na yata ako eh."

Pagkatapos kong irelay ang order sa kitchen, bumalik ulit ako sa labas para makaakit ng posibleng customers. At di nga ako nagkamali. Nung masilayan nila ang aking kagwapuhan ay unti-unti ngang dumami ang pumapasok sa restaurant. Ayos! Ang kapal ko lang pero may kabuluhan din pla ang pagiging gwapo ko.

"Welcome po. Enjoy lang po kayo."

Naging busy na ang lahat sa pagkuha ng mga orders. Konti nalang at mapupuno na ang resto. Nakakatuwang isipin na sa unang araw ko palang dito, ang dami ko nang namamagnet na customer.

"Toning! Lika dito." narinig ko ang pagtawag sakin ni Banse sa di kalayuan. Agad akong nagmadali para tugunan kung ano man ang kailangan niya. 

Lumapit siya sakin at tila may gustong ibulong. Out of curiosity, inilapit ko din naman ang tenga ko sa kanya.

"Si lola kasi mukhang type ka. Gusto niyang ikaw ang kumuha ng order niya."

Nagulat ako pero at the same time natawa. Si lola type ako? Ganun naba katindi ang alindog ko? Nakangiti kong nilapitan si Lola na panay ang pa-cute sakin. Astang virgin lang kung kumindat.

"Goodmorning mommy! Ano po ang maipaglilinkod ko sa inyo?" energetic ko diba? Kailangan ko din kasi sumakay kahit ang totoo, nasusuka ako. Hahaha

"Ang gwapo mo naman anak. May girlpren kna ba?" tanong ni lola sakin na panay padin ang kindat. Kung hindi kalang matanda lola inupakan na kita.

"Ay wala pa po mommy. Nanliligaw palang po kasi ako." sagot ko naman habang nakatingin sa mahal kong nakatayo lang at nakikinig sa pag-uusap namin. Kita ko din sa mukha niya ang slight na pandiri sa paglalandi na ginagawa ni lola.

"Sayang!" kung makasayang si lola feeling naman may pag-asa siya sakin. "Sige, oorder nalang ako Chinese Chix Salad. Additional nalang din ng Chicken breast. Diet kasi ako eh."

Diet daw?! Eh halos laylay na yung balat niya sa tanda eh. Grabe lang talga itong si lola. 

Nasundan pa ng maraming orders pagkatapos nun. Tuwang-tuwa nga si Tito nung makita niyang puno ang resto. At kadalasan ng mga customer, ako talga ang nirerequest na mag-take ng orders nila. Hindi narin akong nagdalawang isip pa na kumagat sa mga landi nila. Sayang din kasi pag nagwalk-out sila.

Halos tatlong oras na ang nakalipas pero hindi padin nababawasan ang dami ng tao. Usually mga girls na puro pa-cute lang naman talga ang ginagawa. Nilapitan na ako ni Banse para yayaing mag-lunch. Dun kami tumungo sa maliit na kwarto kung saan kumakain ang mga empleyado. Nakakapagod nga naman pero nung kaharap ko na si Banse tila napawi agad ito ng mga ngiti niya.

"Uy, first day mo palang pero mukhang marami kanang magiging regular customers. Tindi mo men. Tindi ng alindog mo." bati sakin ni Kuya Eric. Isa siya sa mga waiter sa resto.

"Di naman po kuya. Masyado lang malalandi ang mga babae ngayon kaya ganun nalang kung magpapansin."

"Wag kang maniwala diyan kuya eric. Palihim lang kinikilig yang si Toning." 

"Selos kalang kaya ka ganyan kung mkareact." bawi ko naman. Mukhang selosa pala itong aking iniirog eh. Hindi ba niya alam na nasusuka na ako sa mga pinagagawa ng mga babae kanina? Haaayyy..

"Ikaw na ang best employee!" ang cute lang niya magsungit. "Daig mo pa kaming lahat dito. Ikaw isang ngiti mo lang, atat agad silang pumasok at umorder.

Gusto ko pag ganito lagi. At sobrang saya ko pag kasama ko siya. Sana lang di niya ako pahirapang makuha ang oo niya. Lalo na at alam kong pag nawala siya sakin, possibleng mahulog ang loob niya sa iba.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 24, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THAT GAY IS MY BOYFRIEND (BANSE AND TONING LOVE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon