My crushie hates me (-_-)

246 4 0
                                    

Whew! Ambilis ng oras. Parang kakauwi ko lang diba?

Ngayon, andito na ulet ako sa school. Saya noh? Bahay school lang ang drama ko everyday. Not unless may family outing. 

Nga pala, Im taking up Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management sa Alvida University. Why here? Ang sabi-sabi kasi, magaling daw ang mga teachers dito. Hmm, for the past 2 years that i've been here, I can attest to that. Ang ganda din ng school curriculum. Complete and detailed talga. 

"Banse!" I heard a familiar voice from afar. Kahit mahina, i can say na alam ko kung kaninong boses yun. 

There she is. its my BFF Yani. Ang best buddy ko sa school since first year college. Siya ang taga pagtanggol ko whenever im in trouble. Sa sobrang pagka-mean ko kasi minsan, may mga nasasagasaan na pala ako offensively. She's running towards me na akala mo'y hinahabol ng mga goons or whatever.

"Oh mare! Bakit haggard na haggard ang fess mo? Anong meron?". I asked habang inaayos ko ang nagulo nyang buhok. She's very pretty. Ang dami nyang admirer sa school and so everybody is wondering why she befriended me. Bakit, cute din naman ako ah! Ansabeeee??! haha.

"Naku mare. Si lavidoods mo nasa caf. Nagmadali akong hanapin ka kasi i know siya ang nag-kukumpleto ng araw mo." Hingal na hingal pa ang BFF ko nang dinala niya ang isang magandang balita. She's very supportive pagdating sa akin. 

She was referring to my crush Timothy Van Andrada. Bongga ng name diba? Pak na pak! Long time crush ko na si Tim. Feeling close lang eh. Haha. Kaso syempre, ang isang ubod ng gwapo na nilalang eh hindi talga magkakagusto sa isang nerd na katulad ko. Varsity player din siya ng swimming team ng school kung kaya't yummy talga ang body niya. Grrr!

There was one time na dahil sa sobrang pagkalurky ko sa papable na hunk na ito eh nagpadala ako ng sulat sa kanya. But nung nalaman nyang it was from me, he dumped it. Yeah! Basted ang beauty ng lola mo. Hindi man lang niya binasa. Sayang tuloy yung 39.75 worth na binili kong card. Effort din naman yun diba? Whatcha think? Porket cute lang ako at hindi byutipul eh babastedin nlang ng ganun? And it was not the first time na binalewala niya yung effort ko. Sobra na nga ako nagpakatanga sa kanya. lahat lahat na ginawa ko para pansinin niya ako but still, wa-epek mga dear. Ouch, it hurts! O_o.

Agad kong hinila si Yani papunta sa caf. I was thinking na baka magkaroon pa ako ng last chance na maipadama kay crush na bet na bet ko talga siya. 

Pagdating sa caf. . . 

"Mare, sampalin moko." sabi ko kay BFF while im giving her a pat  on her shoulders. "Bilis! Sampalin mo ako! Now na! Yung malakas ha!."

Tapos bigla nalang. . . 

Paaaaakkkkk!!!!! Damang dama ko ang buong palad ni Yani nung sinampal niya ako. Ang sakit! Putris na lakas yun oh. 

"Mare, why so lakas? May pinaghuhugutan ka te? Kung maka sampal wagas?" I complained habang hinihimas ko ang mukha kong may latay ng kanyang kamay.

"Engot mo. Ikaw kaya ang nagsabi na lakasan ko. May memory gap ka te? Kung mka-limot, wagas?"

Hindi ko na pinansin si Yani kasi my eyes were glued sa angelic fess ng crushie kong si Tim nung masilayan ko siyang nakaupo sa may gitanang table at napapaligiran ng mga asungot. Ay este, ng mga girls.. Oh my gosh! Sobrang iba talga ang kagwapuhan niya. Tagos to the bones ang kilig ko ngayon. Banse, this is it! It's your time. It's showtime!

Inayos ko ang sarili ko at tinanggal ang nerdy eyeglasses ko. I want to look my best today. Last chance ko na to. Mahilo-hilo akong naglakad patungo sa eksaktong lugar ni Tim ng bigla nalang akong na-out balance at kabooommm! 

O.O - mga matang nakatingin sakin.

Oh no! Nadaganan ko si Tim. He was drinking his cola that time kaya nabuhos ito lahat sa kanya. And now, IM DEAD! Oops, i didnt mean it papa Tim. 

"What the." Sigaw ni Tim sabay tayo at punas sa nabasa niyang uniform. "Ang tanga-tanga mo talagang ugly nerd ka. Ganito nba talga ako kamalas at sa dinami-dami ng tao sa mundo, ikaw pa ang makakatapon sakin ng coke?"

Hanu daw? Did he just call me UGLY NERD????? Wow, ang kapal niya. Grrrr. Ang tindi ng pagkayabang nitong gwapong-gwapong sa sarili eh ang sama naman ng budhi. Darn kasi Banse. You're a mess. Halos matunaw ako sa tingin ni Tim pati nadin sa mga nanalalait na mata ng iba pang nakasaksi sa aking katangahan. 

"Naku Tim, sorry talga. Di ko sinasadya. Promise. Di ko talga sinasadya. Eh kasi. Eh ano. Ahm, kasi." Nautal talga ako. Hindi ko nailabas ang pagkadaldal ko sa mga oras na un. Ewan ko ba sa kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Naghalo na nga yata ang balat sa tinalupan. Pero bago ko pa madugtungan ang sasabihin ko, na-shock ako nung makita kong nka-point sa mukha ko ang daliri ni niya.

"Get lost nerd! Di ka bagay dito. You're a lame, stupid and ugly nerd na kahit pa ang mga tambay ay di papatol sayo. Tanga-tanga."

Boom! Tagos sa heart ang sinabi ni Tim. Ganun na ba ka-sama ang nagawa ko para bastusin niya ng ganun? Babae padin naman ako ah. Marunong masaktan. Pero pilit kong pinigilan ang pagpatak ng luha ko. Kahit gusto nang sumabog ng puso ko. Ang gwapo mo sana pre kaso kung gano kaganda yang itsura mo, ganun din kasama ugali mo. Pigil na pigil ako that time. Gusto ko siyang sugurin ant paghampasin kaso di ko magawa. Besides, it was my fault.

"Hoy Timothy! Babae ang kausap mo! Kung makapagsalita ka feeling mo ang gwapo-gwapo mo. Mukha at katawan lang naman ang meron ka. Kokote, wala! Mas masahol kpa sa bakla kung makalait eh ikaw nga puro fail ang grades. Kahiya ka. At wag kang mag-as if that you own this school. Nagbabayad din kami ng tuition. Palibhasa kasi, scholar ka. Yun nga lang, scholar na walang utak!"

Napanganga ang lahat nung biglang nagsalita si Yani. Kahit ako. Siya padin talaga ang matapang na knight in shining armor ko kahit noon pa. She saved me again. At lagi niya talga akong pinagtatanggol. Kung sana kasing lakas ng loob ko lang itong BFF ko asi sana ako ang nagbitaw ng masasakit na salitang yun sa mokong na kaharap ko ngayon. Haist!

Dali-dali naman akong hinatak ni Yani palabas ng caf. Damang-dama ko ang galit niya sa paghawak niya sakin. Mahigpit pero hindi naman ako nasasaktan. Alam kong utang na loob ko na naman ang pagtanggol sakin ni Yani. Swerte ko at siya ang naging bestfriend ko. Kung may jowa lang ako adi sana may sumapak na sa walang modong Timothy na yun.

"Ang laking gung-gung talga nung hinayupak na yun. Grabe mare. Ramdam ko ang lutong ng pambabastos niya sayo. Tsk!" She hugged me and made me feel na i have a real friend. Ang bait niya talga.

"Ang kapal nga ng fess mare. Whew! Can you imagine? Tinawag akong ugly nerd? Pero, gwapo din naman kasi siya eh. Kaya may say siya na manlait." 

Halos mangiyak-ngiyak na ako kanina pero pinigilan ko. Ayokong makita ng ibang tao na mahina ako. Im Banse! Matapang na nerd. Pagkatapos nang nangyari, it will be different. Mas magiging matapang na ako.

At yung Timothy Van Andrada na yun, humanda siya. Wag lang siyang maglalaway pag gumanda ako. Kasi kahit lumuhod siya sa harap ko, di ko siya papatulan. Im now a man-hater! And i will never ever fall in love again. Lalo na sa mga katulad niya! I hate him! I hate him so much!!!!

THAT GAY IS MY BOYFRIEND (BANSE AND TONING LOVE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon