LLMP

2 0 0
                                    

Hindi ako perpekto.





Maraming kulang sakin.





Hindi ako kagandahan.





Hindi rin matalino.





Walang espesyal sakin.




Ako lang naman yung babaeng nilapastangan na ng kung sino sinong mga baboy.





Ako yung taong iniwan na ng mga magulang.




Ako yung taong pinagtabuyan na rin pati ng mga umampon.





Ako yung taong walang kwenta kaya niloko at trinaydor ng mga kaibigan.




Ako yung binigay na ang lahat pero kulang pa rin.





Ako yung ginawa ko nang lahat pero hindi pa rin sapat.




Lahat ng kamalasan ay nasa akin na.




Walang bahay.




Walang mga magulang.




Walang kaibigan.





Walang nagmamahal.





Walang halaga.





Pati ang mundo ay hindi na rin ata ako tanggap.





Kung hindi rin naman nila ko kayang tanggapin.




O kahit respetuhin lang bilang tao.





Mas mabuti pang mamatay na lang.







Humakbang ako ng isang beses palapit sa dulo ng building. Takot ako sa heights. At kapag titingnan mo ang baba. Mauuna ka pang mamatay sa kaba kesa sa pagkahulog mo.




Tangina.





Bahala na.





Isang hakbang pa at...





"WAG!!!"





Nilingon ko ang epal na sumira ng moment ko.




"Bakit ba?!" sigaw ko sa kaniya. Mukha akong galit oo. Pero sa mga oras na yon. Pakiramdam ko may halaga pa rin ako. Pakiramdam ko may nagmamahal pa rin sakin kahit ganto ako. Pakiramdam ko may natatakot pa ring mawala ako. Lord, salamat po. Kung sinuman ang taong ito, papahalagahan ko siya katulad ng pagpapahalaga niya saken sa oras na ito.





Siguro nga hindi ko siya kilala. Pero ang simple niyang concern ay nakakanginig. Pati pechay ko ay nanginginig. Kapag nagkataon na pigilan niya ko, baka kami pa ang magkatuluyan. Diba? Ganun naman sa mga nobela hindi ba? Magpapakamatay yung babae tas dadating yung lalaki at pipigilan siya. Tapos magagalit yung babae. Tapos magiging close sila dahil mabait yung lalaki. Tapos magiging sila. Tapos may happy ending na sila.






Kaya oo mukha akong galit dun sa lalaki. Pero deep inside, natutuwa ang puso ko.














"Kung tatalon ka... dun ka sa 56th floor. Hindi dyan sa second floor na ang mababali lang naman sayo ay ang paa. Kung magpapakamatay ka. Isagad mo. Yung durog pati mga buto mo. Pinahihirapan mo pa ang buhay mo eh. Tsk tsk tsk." umalis siya ng umiiling iling pa.





















































Wala na talagang nagmamahal saken.

*goes to 56th floor*

*jumps*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Labing Limang Minutong Pagsusulat (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon