MJSA 16 - #Special

3.5K 148 36
                                    

Dedicated to @AsawaKoSiBwii aka Patria Joy 😛😘

***

Chapter 16

"Bitiwan mo na'ko, Claus." bigla kong sinabi ng makalayo na kami sa dalawa.

Agad naman niya kong binitiwan. "Winry... I..."

Bumuntong hininga ako. "Alam kong sinabi mo lang 'yun para tulongan ako sa kung anong paraang iniisip mo. Alam kong imposibleng gustuhin mo ko." seryoso kong sinabi.

"Bakit imposible?" seryoso niyang tanong.

At nagtanong pa?

Natawa ako. "Seryoso kaba diyan? Alam kong gusto mo si Daphne. Wag mo ng subukang magsinungaling."

Hanggang ngayon naiinis parin ako sa hindi ko maintindihang rason. Sa ilang saglit lang ay mabilis kong naunawaan ang lahat-lahat.

"What are you talking about?" kunot noo niyang tanong at humakbang palapit sakin.

Napalunok ako at umatras, "Nakikita ko sa mga tingin mo... Sa mga mata mo..." sagot ko at nag-iwas ng tingin.

"Then, why are you looking away? Tama ba ang sinabi ni Daphne na gusto mo ko?" malumanay niyang tanong na para bagang nanlalambing.

Napakurap ako. "H-Hindi totoo 'yun..."

Napapikit ako ng mariin dahil sa kabang naramdaman, lalo na't mas lumapit pa siya sakin.

"I know I told you to get scared, but I never told you to stop yourself, cause we never know... I could consider. I could risk." aniya na hindi ko masyado ma-gets.

Lumayo ako sa kaniya. "Iuwi mo nako, please..." mariin kong sinabi.

Tumango-tango siya ngunit nakikita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. Tinalikuran ko na siya upang tumungo sa sasakyan niya.

"I meant what I've said, Winry. I like you." seryoso niyang sinabi.

Natigilan ako. Ibang-iba nanaman ang kabog ng puso ko. Hindi ko pa kailanman naranasan ang ganitong pakiramdam.

Ang malamang gusto karin ng taong gusto mo. Masaya sana kung hindi ko lang alam sa sarili ko na panget ako at may nararamdaman siya para kay Daphne.

Nang maihatid ako ni Claus, naabutan ko si Sheun na nanonood ng TV sa salas. Nagulat ako dahil madalas doon siya nanonood ng TV sa kwarto niya.

Pasimple akong pumasok nang hindi gumagawa ng ingay dahil mukhang tutok na tutok siya sa pinanonood niya.

"How's being like by the person you like?" biglang tanong niya ng pahakbang nako sa hagdan.

Natigilan ako at bumuntong hininga. Ngayon papansinin niya nako? Kapag talaga nadawit ang pangalan ng girlfriend niya sakin, doon lang niya ko napapansin.

"Masaya! Masayang-masaya!" sarkastikong sagot ko at umakyat na sa itaas.

Rinig ko ang yabag niya palapit sakin kaya mas binilisan ko.

"Anong masaya? Kayo na ba? Hindi ka man lang nagpakipot?" dire-diretsyo niyang tanong.

Napakunot noo ako. Bakit ba siya tanong ng tanong? Ang inaasahan kong tanong niya sakin ay tungkol kay Daphne.

Hindi ko siya pinansin ngunit ng papasok na sana ako sa kwarto ng hilahin niya ako paharap sa kaniya.

"Ano? Ba't di ka makasagot?" asik niya.

Master Jerk (Master #2) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon