Chapter 12

22 3 48
                                    

Monday ngayon alam ko yun kahit nakatulala lang ako dito. Nakaupo ako sa dining table kasi hinihintay ko si Kuya para sabay kami kumain ng breakfast.

Iniisip ko parin kung papagkatiwalaan ko si Edward. Ang tanga ko nga eh, kung kailan nasabi ko na tsaka pa ako nagiisip ng maayos. Sana nagisip muna ako bago ko sabihin sakanya kung yes or no. Hindi na nga yun ang iisipin ko. Ang iisipin ko ay kung sasabihin ko kay Kuya o hindi. Sasabihin ko kaya? Pagsinabi ko kasi sasabihin nun ay "Ang tanga mo para pagkatiwalaan yun. Bahala ka jan" pero pag hindi ko naman sinabi tapos nalaman ng iba ganito sasabihin niya "Bat hindi mo sinasabi sakin ha, Coraleen? Sa iba ko pa talaga malalaman." Diba pag pumili ako ng isa magagalit parin sakin sa Kuya. Mali na yata yung circulation ng utak ko. Jusko!

"Coraleen!" Tawag sakin dun sa kusina. "Coraleen! kanina pa kita tinatawag, pumunta ka dito." Si Nanay Grace pala. Siya yung nag alaga samin ni kuya simula bata pa hanggang ngayon. Nagpunta ako sa kusina.

"Bakit po, Nay?" Tanong ko

"Buksan mo nga ito, anak at hindi ko mabuksan." Sabay abot niya sakin nung bote ng ketchup. May mighty bond ba ito at hindi ko din mabuksan. Kumuha ako ng kutsara para tusukin yung ilalim ng takip. Konti nalang at bubutasin ko na yung takip.

Napadaan nanaman sa utak ko yung word ng trust. Naalala nanaman tuloy yung sinabi ko. naiinis ako sa sarili ko gusto ko bawiin yung sinabi ko.

"Coraleen, baka gusto mong bitawan yang bote at wala ng takip." napatigil ako sa iniisip ko atr napatingin dun sa bote ng ketchup wala na palang takip.

"Ay haha. Sorry po, hindi pa po ata kasi ako nakain kaya wala ako sa sarili hahaha" Sabi ko.

"Hindi ka pa nakain. Aba anong oras na?"

"Hinihintay ko po si Kuya para sabay kami kumain"

"Umalis na kuya mo. Nagpaalam din sayo kanina na hindi siya kakain, hindi mo ba narinig?" Sabi ni Nanay Grace. Huh?! Umalis na si Kuya?

"Po?! Hindi ko po narinig." Tumingin ako sa relo ko. Improving yung relo ko may battery na. "Hala! 7:50 na. Malapit ng mag-8. Late na ako."

"Ay hala! wag ka na muna pumasok ngayong umaga at hindi ka na aabot sa unang subject mo. Tayo ay magusap nalang muna." Nagpunta si Nanay Grace sa dining table edi sumunod ako. Umupo ako sa inuupuan ko kanina tapos si Nanay Grace ay umupo sa harap ko. "Ano ba ang iniisip mo, ija?" Tanong sakin.

"Ay ano po kasi." Sasabihin ko kaya kay Nanay Grace? Baka kasi malaman ni Kuya. "Basta promise niyo po hindi niyo sasabihin kay Kuya ha?" Tumango si nanay at tinaas yung kanang kamay.

Kwinento ko kay nanay yung nangyari nung isang araw tapos sinabi ko din na pinagkakatiwalaan ko si Edward sa plano niya.

"Hindi ko po alam kung sasabihin ko kay Kuya na pinagkatiwalaan ko si Edward sa plano niya kasi po alam ko na magagalit si kuya." Sabi ko kay Nanay Grace.

"Alam mo Coraleen. Kung kusa mong sinabi yun kay Edward ng hindi mo napagiisipan ibig sabihin nun you should follow your heart. Siguro ay tama din naman yang desisyon mo. Just trust your heart, do what your heart say kahit hindi na muna si Edward pagkatiwalaan mo sa ngayon." Pagkasabi niya nun ay tumayo na si Nanay Grace at pinat yung balikat ko.

May point si Nanay Grace. So, si heart nalang pagkakatiwalaan ko ngayon. Pumunta muna ako sa kwarto ko para humiga muna, hindi na ako pinapasok ni Nanay eh.

"So, its all up to you my lovely heart." Sabi ko sabay tap sa dibdib ko

Pagdating ng hapon, dumeretso na ako sa classroom ko. Pagdating ko sa classroom ng English class ko wala si Veronica, kaklse ko siya sa subject na English eh.

Its Worth The Sacrifice Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon