MAHIGIT kalahating oras nang late si Joseph sa kasal nila.
At nagsisimula na siyang mag-panic, gayon rin ang buong pamilya niya.
Ni isa sa mga kamag-anak ni Joseph na nangakong darating ay wala pa rin. Kapag nagkataon, ito ang pinakamalaking kahihiyang aabutin niya sa buong- buhay niya.
Hindi lang siya kungdi sampu ng kanyang pamilya.
"Bakit wala pa ang lalaking 'yan?" medyo iritableng tanong ng kanyang Mama.
"Ma, baka na-traffic lang sila. O, baka may hinihintay pang relative na balik-bayan. Hindi ba puro balik-bayan mga kamag-anak niya?"
"Nakakahiya na sa mga tao lalo na sa mga ninong at ninang ninyo. Mag-iisang oras na silang naghihintay at pinagpapawisan na ang lahat."
"Relax lang, Ma. Darating si Joseph."
"Mabuti pa ay tawagan mo na siya,"
"Sige po," kinakabahang wika niya pero hindi siya nagpapahalata.
Very unusual of Joseph to be late dahil kailan man ay hindi siya pinaghintay nito sa tuwing may date sila. Sa kasal pa ba nila gagawin ito ng lalaki?
Nai-dial niya ang number ni Joseph pero puro out of the coverage area at unattended ang naririnig niyang sagot sa cellphone.
"Ma, walang sumasagot..." helpless na wika niya.
"'Yung hotel na tinutuluyan ng pamilya niya. Doon ka tumawag."
Sinunod niya ang ina at naka-contact sa hotel.
"Ma'am, the other day pa po nag-check out ang buong family ni Mr. Joseph Cordero."
"Ha? A-Alam ba ninyo kung saan sila nagpunta?"
"Wala pong sinabi. Biglaan nga po ang alis nila. Actually po ay hanggang bukas pa ang reservation nila dito pero umalis na po sila noong isang araw pa."
"Sige, Miss. Salamat..." nanlulumong wika niya.
Nagsimulang mangilid ang mga luha niya. Sino pa ba ang pwede niyang tawagan para makabalita kung ano na ba ang nangyari?
Wala siyang maisip.
Tuluyang lumaglag ang mga luha niya.
"Ma, sa palagay ko po ay hindi na siya darating."
"Ano? My goodness! Paano na ang kahihiyan natin? Magbabayad ang lalaking 'yan! Magbabayad siya!"
"Ma..." nanghihinang bigkas niya sa pangalan ng ina.
Wari ay naubos ang lakas niya ng mga oras na iyon sa tindi ng sama ng loob.
Wala na siyang iba pang pwedeng tawagan dahil wala namang kamag-anak si Joseph rito. Ang pamilya nito at lahat ng kamag-anak ay naka-base sa Amerika at nagsi-uwi lang dahil sa kasal nila.
Ilan nga lang ang partido ni Joseph na dadalo. Wala pa yatang dalawampu.
Si Joseph ang tanging anak ng mga magulang nito na naiwanan dito sa Pilipinas dahil above twenty one na ito nang dumating ang petition ng mga magulang.
Nag-iisa itong nakatira sa isang condominium sa Makati at nagtatrabaho sa isang construction company bilang isang engineer at siya naman ay nagtatrabaho sa kompanyang iyon bilang accountant.
Iyon ang naging daan kung kaya sila nagkakilala at nang lumaon ay naging magkasintahan.
Five years na silang magkasintahan ni Joseph. Walang araw na hindi sila magkasama. Sa tagal ng relasyon nila ay hindi nila napapag-usapan pa ang kasal kung kaya't nagulat pa siya nang isang araw ay bigla itong nagyaya ng kasal ng ura-urada at tila wala sa plano.
BINABASA MO ANG
BESTFRIENDS' PLACE SERIES 1 - AGAIN
RomantikFalling in love AGAIN is very hard to do para kay Nacille, matapos siyang hindi siputin ng nobyong si Joseph sa araw ng kanilang kasal. Kinailangan niyan magtago at lumayo sa lahat at napadpad sya sa Bestfriends' Place upang doon magpagaling ng sug...