Chapter 9

1.9K 42 0
                                    


WALA silang kibuan ni Jovee hanggang makarating sa tapat ng unit niya.

"Alam kong nabigla kita. Goodnight, Nacille."

"Goodnight," pigil ang tensiyong wika niya.

Pero nakapagtatakang hindi pa rin kumikilos ang nag-goodnght na lalaki.

"Goodnight..." muli nitong sabi.

"Goodnight..." ganting wika niya.

Subalit sa halip na lumabas na ng bakuran niya ay lumapit sa kanya si Jovee. Bigla siyang kinabig ang hinalikan sa labi.

Nabigla siya subalit wala siyang ginawang hakbang para pigilan ang ginawa ng lalaki.

Ang lapad ng pagkakangit ni Jovee nang kumalas sa mga labi niya.

"Goodnight, Nacille."

"Ganyan ka ba magpaalam sa mga babae? Binibigyan mo ng goodnight kiss?" untag niya.

Umiling ito.

"Ngayon lang. At...sa iyo ko lang ginawa..."

Pagkawika noon ay parang napapasong tinalikuran siya ng lalaki. Naiwanan siyang tila matutumba sa tindi ng shock at kilig.

Dinama niya ang kanyang mga labi na hinagkan nito bago pumasok na rin sa loob.

Subalit tila lasing na hindi na siya napakali.

Maski nang nakahiga na siya sa kanyang kama ay hindi pa rin niya malimutan ang paghalik na ginawa ni Jovee.

Pabiling-biling siya sa higaan habang binabalikan sa alaala ang lahat.

Magdamag siyang nag-isip at isang decision ang binuo sa kanyang isip.

NAKAABANG na si Jovee sa nang lumabas siya ng bahay.

Nakasandal ito sa kotse nito. Halatang umaliwalas ang mukha nang masilayan siya. Hindi makatinging lumapit siya rito

"Tingnan mo naman ako, oh."

Dahan-dahang umangat ang tingin niya at matipid na nginitian si Jovee.

"Lets go."

As usual ay inalalayan siya nito sa pagsakay sa kotse. Siko lang niya ang hinawakan nito pero sobrang naalarma yata ang lahat ng parte ng mga katawan niya.

"Hindi ako nakatulog kagabi..." kwento ni Jovee.

"A-Ako rin..." tila may bikig sa lalamunan na tugon niya.

"Naalala kita buong magdamag."

"A-Ako rin..."

"Sana ay paniwalaan mo ako nang sabihin kong mahal kita."

Napalunok siya bago nakasagot.

"G-Gusto ko yatang maniwala..."

Biglang inihinto ni Jovee ang sasakyan na halos ikasubsob niya.

"Totoo ba ang narinig ko?"

Tumango siya.

"Ibig mong sabihin...tayo ng dalawa? Na mahal mo rin ako?"

"Ano ba ang gusto mong isagot ko?"

"Siyempre, gusto kong mahalin mo rin ako."

BESTFRIENDS' PLACE SERIES 1 - AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon