Chapter 2

2.7K 60 0
                                    

"OH, so you're from Las Piñas. Quite far for you ang lugar na ito. And besides, nasa isang sikat na construction company ka na. How come, gusto mong lumipat dito sa amin?" wika ng kanyang kausap na nagpakilalang si Sandra, isa sa may-ari ng BESTFRIENDS BUILD AND DESIGNS, INC.

"I need a break, Ma'am. At sa palagay ko, dito ko matatagpuan ang katahimikang hinahanap ko."

"Well, pabor sa amin na magustuhan mong magtrabaho dito kahit na malayo sa place mo. Pero pag-isipan mo rin, Miss Cervantes. Ang time of travel ay lubhang mahaba. Hindi namin gustong mahirapan ka kahit na you are very much qualified to the position?"

"Wala namang problema sa akin, Ma'am. Kasi, I was thinking of buying a house and lot sa BESTFRIENDS PLACE para maging malapit na ako dito kung sakaling tatanggapin ninyo ako."

"Really? Then, you are hired, Miss Cervantes!"


"NICE. Very nice. Sa palagay ko ay hindi ako magsisisi na kumuha ng unit dito. At sana ay dito ako sa bandang bungad makakuha.," anya nang i-tour siya ni Sandra sa BESTFRIENDS PLACE na malapit lang sa opisinang nakatakda niyang pasukan.

Napakaganda talaga ng lugar. Nagustuhan niya ang clubhouse, with some sports and receational facilities. Conducive rin sa pagdya-jogging sa umaga. May mga puno sa paligid at may napakalaking kidney-shaped swimming pool.

Sa palagay niya ay magiging masaya siya sa kanyang paglayo sa mga taong mahal niya, masakit man ito.

"Kung talagang intresado ay ay asikasuhin mo na ang mga requirements mo and we'll grant your request. Bibigyan ka namin ng unit sa harapan with a special discount dahil magiging empleyado ka na namin."

"Really? I'll do it at once. Gusto kong dito na umuwi once na nag-start na ko ng work ko sa company ninyo."

"We'll assure you na masisiyahan ka sa pagtira rito. Very friendly ang mga tao rito and we're thinking of organizing a homeowner's association by next month. Marami na kasing residents and we're able to cater the right persons. Friendly lahat ang nasa subdivision na ito."

"Makakatulong sa akin ang lugar na ito kung gayon."

"Ha?"

"I mean, sa homesick na mararamdaman ko kapag naririto ako at wala sa piling ng pamilya ko."

"Ah, oo naman. We'll make sure na magugustuhan mo rito."


INASIKASO niya ang mga hakbanging gagawin para matupad ang kanyang plano.

Nag-resign siya sa trabaho nang hindi nalalaman ng kanyang mga magulang at mga kaibigan. Anumang pigil ng kompanya dahil itinuturing siyang isang asset roon ay hindi na siya nagpapigil pa.

Paano niya tatagalan ang isang kompanya na magpapaalala lamang sa kanya sa taong nanakit ng kanyang damdamin?

Matapos maasikaso ang mga papeles ay binayaran niya ang cash ang unit na nagustuhan sa BESTFRIENDS PLACE, gamit ang sarili niyang pera at pera ng joint account nila ni Joseph.

Bago iwanan ang pamilya at mga kaibigan ay nakipag-bonding siya sa mga ito. Labis na natuwa ang mga magulang niya sa isiping naka-recover na siya.

Gayon rin ang naramdaman ng mga kaibigan niya. Walang kamalay-malay ang mga ito na iyon na ang huling araw na magkikita sila.

"We're happy for you, Nacille. Na makita kang masaya at hindi na nagmumukmok."

BESTFRIENDS' PLACE SERIES 1 - AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon