Writing Tip #4: Defeating Writers Block

77 8 0
                                    


OF COURSE as a writer given na marami ka nang naisulat at nai-publish na mga stories sa Wattpad pero hindi diyan nagtatapos ang lahat! Bilang isang manunulat paniguradong mararanasan mo ring magkaroon na tinatawag nilang WRITERS BLOCK.

So what is a WRITERS BLOCK anyway?

Well, writers block is a condition, primarily that is associated with writing, in which the author loses the ability to produce new work, or experiences a creative shutdown.

Well it simply explains there na kung saan ay kapag nagkaroon ng isang writers block ang isang manunulat ay hindi na ito nakakapagsulat ng panibagong nitong akda. Darating din sa puntong hindi gagana ang malikhain nitong pag-iisip ng mga concepts dahil sa pagkakaroon ng writers block.

Meron rin akong ilang TIPS na ibabahagi kung paano nga ba maiibsan ang WRITERS BLOCK.

1. DON'T WRITE
Panigurado mas mafu-frustrate ka lang kapag pipilitin mong magsulat. Kapag ayaw makisama ng utak mo huwag ng ipagpilitan pa baka maging chaka lang ang kalalabasan ng isinulat mo.

2.  RELAX
Panigurado masyado kang natetense dahil gusto mong makagawa ng magagandang eksena pero try to relax for a while. Don't stress yourself too much—tandaan mo magandang gawain ang pagsusulat kaya i-enjoy mo lang dapat.

3. READ BOOKS or WATCH MOVIES Panigurado baka mainspire kang ituloy ung naudlot mong plot sa pamamagitan ng pagbasa o pagnuod muna ng mga movies. You can also listen to music malay mo may bagong idea na papasok riyan sa isipan mo.

3. CHILL MUNA
Panigurado namimiss ka na ng mga kaibigan mo. Kaya lumabas labas ka din ng bahay and try to hangout with them, magchill lang muna kayo baka sakaling sa experience mong yun ay mayroon ka ng maisusulat based sa karanasan mo. Oh diba? Nakasama mo na nga mga kaibigan mo—may bago ka pang maisusulat.

4. SLEEP
Panigurado kakailanganin mo rin ng tulog. Dahil naipapahinga mo ang isipan mo sa lahat ng bagay. Kumbaga wala ka ng iisipin kundi ang magpahinga.

5. PRAY
Panigurado lalapit ka sa Diyos at sasabihin mo ang problemang nararanasan mo, pero sympre hindi mo uutusan na si Lord ang magsulat para sayo. Well what I mean is ask for His guidance, humingi ka ng patawad sa mga kasalanang nagawa mo, huwag kang  Niyang pababayan, at higit sa lahat magpasalamat ka sa kanya kasi nabigyan ka Niya ng kakayahang makapagsulat.

Nawa'y nakatulong ang mga tips na ito sa mga TULAD KONG nagkakaroon din ng WRITERS BLOCK.

Alam kong hindi sa lahat ng oras ay makakapalikha tayo ng magagandang ideas—kumbaga hindi araw-araw ay pasko. Oo magpapahinga ka lang muna sa pagsusulat pero hindi ka TITIGIL!

Defeating writers block with our own ways would probably make us more stronger in facing our fears so we must not be affected in facing writers block.

Consejos De Escritura (Writing Tips)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon