Tristan's Point of View
Sakay ako ng aking biskleta sa tuwing ako'y uuwi ng bahay. Sa kalagitnaan ng aking pag pe-pedal , isang tindahan ang pumukaw ng aking atensiyon.
Sa paglapit ko sa tindahang iyon, isang magandang couple necklace ang bumihag sa aking paningin. Isang kwintas na dinisenyuhan ng makikinang na bato na tiyak na pupukaw ng iyong atensiyon." Manang , magkano ho iyan?" , sabi ko sa tindera nabang tinuturo ang kwintas.
"Ah eto bang infinity necklace anak?
Tumango ako sa tindera
" Murang -mura lang iyan, nagi-isang pares na lang yan nak, kaya bilhin mo na yan. Marami ang bumili kanina kaya yan nalang ang natira 300 lamang yang isang pares ." ani ng tindera" Sige Manang , kunin ko na po." ani ko sa tindera sabay abot ng bayad.
Masaya akong umuwi ng bahay dala ang pares ng kwintas na aking nabili. Sa aking pagdating, nadatnan ko si Lola Leticia na naghihintay sa tapat ng aming bakuran.
"Oh La, diba sabi ko naman ho sa inyo na huwag niyo na ako hihintayin, masyado ng gabi La at dapat ngayon ay natutulog na kayo upang makapagpahinga." Sabi ko Kay Lola
"Ano ka ba apo, sinigurado ko lang na makakauwi ka ng ayos, halika nga rito at pupunasan ko ang iyong likod. "- sabi ni Lola sabay kuha ng bimpo at pinunasan ang aking likod.
" Tara na La, matulog na ho tayo dahil maaga pa tayo bukas" - ani ko kay Lola sabay alalay sa kanya papuntang kwarto.
Sa aking pag pasok sa aming silid , nadatnan ko ang aking bunsong kapatid na si Athena na gising. Gabi- gabi ay naghihintay yan ng aking pag-uwi para sa pasalubong. Agad ko itong nilapitan at inabot ang isang plastik ng French Fries.
"Salamat kuya " sabi niya ng nakangiti.
" Nasaan ang kiss ni kuya?" masayang sambit ko sa kapatid.
Agad naman itong lumapit at ginawaran ako ng halik sa pisngi."O siya, matulog kana at may pasok ka pa bukas", sabi ko sabay buhat sa kaniya papasok ng kanyang kwarto.
To be continued............
If you have any questions , clarifications , violent reactions, and recommendations , just comment below ↓.
BINABASA MO ANG
Time Interval
Ficção AdolescenteLife is too short, you must enjoy the little moments of it, create great memories, build strong relationships with others and do everything that makes you happy but ...what if you died unexpectedly? and after you died , your family sufffered becau...