[16] See You Again

141 3 0
                                    

{ Chapter : 16 See you Again }

{ Klyfer's POV }

Andito ako ngayon sa harap ng bahay ni Sheylah at nag aalangan na pindutin yung doorbell....

Ilang araw na simula nung nalaman niya ang totoo... Kamusta na kaya siya?

Pininidot ko na yung doorbell at naghintay na bumukas yung gate... nung bumukas na ito ay nakita ko si Yaya Susan.

"Oh Klyfer hijo... ba't napadaan ka? Tanong sa akin ni Yaya Susan.

"Ah.. Yaya Susan, nandyan po ba si Sheylah?" Tanong ko.

"Ay hijo, hindi ba siya nagpaalam sayo? Pumunta siya sa Korea dahil nag away sila ng mga magulang niya... Ay teka may ipinabibigay nga pala si Sheylah. Teka kukunin ko lang sa loob." Pumasok si Yaya Susan para kunin yung ipinabibigay ni Sheylah.

Pagbalik niya ay may dala dala siya na makapal na notebook pero nakabalot yung harap ng gift wrapper. Diary siguro ni Sheylah yon?

"Oh ito yung ipinabibigay ni Sheylah..." binigay sa akin ni Yaya Susan yung notebook.

"Pasok ka muna hijo at ipaghahanda kita ng makakain." Sabi ni Yaya Susan.

"Ay wag na po... sandali lang naman po ako dito ehh." Sabi ko at nagpaalam na.

Pagdating ko sa bahay ay dumeretso agad ako sa kwarto at tinignan kung ano yung nakalagay sa Notebook na ibinigay sa akin ni Sheylah. Pagpunit ko ng gift wrapper ay napatitig ako sa nakasulat.

{My Personal Diary}

Ba't ba niya ibibigay yung Diary niya sa akin??? Nakakatawa naman para sa ibang tao na magkaroon ng Diary ang isang babae gaya ni Shy, well para sa akin hindi...since we were little, Shy always had a Diary... doon niya sinusulat lahat ng mga nangyayari sa buhay niya araw araw... Dahil sabi niya nung maliit pa kami pag dumating yung araw na malilimutan niya na ang lahat, nandyan pa rin yung Diary niya para ipaalala sa kanya yun mga nalimutan niya...

Binuksan ko na yung notebook at nakita kong may nakadikit na sticky Paper sa First Page...

*Klyfer, binigay ko sayo tong Diary na to kasi gusto ko na malaman mo na ang totoo...* Yan ang Nakasulat.

Binuksan ko lahat ng sinulat niya doon hanggang sa makarating ako sa Huli.

Note For Klyfer:
I'm sorry Klyfer. I just realy need space. Doon muna ako sa Korea with my Tita Sam. Mahal kita Klyfer, tandaan mo yan. Babalik ako. Babalikan kita and I promise. I won't break my promise this time, please believe me. Wait for me Klyfer.

Pagkatapos ko yun basahin ay may biglang nag pop up sa utak ko.

"Butler Ken!" Sigaw ko

Kumatok muna  si  Butler Ken sa kwarto ko bago pumasok.

"Yes Young Master?" Sabi ni Butler Ken.

"Book me a ticket to South Korea." I said.

A/N:
Thank you For Reading Guys!!! I'm sorry kung medyo natagalan ang UD. Sana po supportahan niyo pa po ang DNHB. Thanks sa pag basa! *Hugs and kisses for everyone* hintayin niyo po ang Next UD.

Diary Ng Heartbreaker {On-Hold}Where stories live. Discover now