[17] Going Back

134 5 7
                                    

{ Chapter : 17 Going Back }

{ Sheylah's POV }

Andito ako ngayon sa harap ng bahay ni Tita Sam sa Seoul... I was about to push the doorbell when someone opened the gate.

"Jane?!/Tita Sam?!" Sabay naming Sabi.

"Kyaaaahhhhh!!!" Sigaw naming dalawa at nagyakapan...

Si Tita Sam ang pinakaclose kong Tita. Siya lang nakakaalam ng mga sikreto ko at lahat... Kaya dito ako pinapunta ni Kuya kasi alam niyang mas komportable ako dito.

Pinapasok na ako ni Tita sa Bahay niya atsaka pinaghandaan ng makakain.

"Kamusta ka na Jane? Ilang taon na rin nung huling tayong nagkita." Masayang sabi ni Tita.

"Okay lang naman po... Buti nga po at bumalik na rin yung ala ala ko." Sabi ko

"Ahh... Jane...Pupunta pa pala ako sa Mall at bibili ng grocery." sabi Ni Tita.

"Ahh Okay Po Tita. Sige na po,Okay lang po ako Dito." Sabi ko kay Tita.

"Sige Jane maiwan muna kita." Sabi ni Tita.

Nagpaalam na si Tita Sam at lumabas na ng bahay para pumunta sa kung saan man siya

"Sige jane maiwan muna kita." Sabi Ni Tita Sam

Nagpaalam na si tita at lumabas na ng bahay para pumunta sa kung saan man siya mag grocery

Nung medyo na bored na ako sa sala ay dumeretso na ako sa kwarto ko.. Miss na miss ko na tung kwarto ko.. Hanggang ngayon andito pa rin yung mga gamit ko.. Yung mga posters ng barbie nandito pa rin..Hahaha. Ang hilig ko rin kasi sa barbie nung maliit pa ako. Pati yung mga laruan naka-ayos pa rin sa isang shelf. Yung kulay pink kong kwarto ay medyo nanluluma na rin. Parang first year high school pa ako nung last kong punta dito. Hindi ko na pinatanggal yung mga posters at ipinatapon yung mga laruan kasi sayang.

Humiga muna ako sa kama at napatingin sa kisame na may mga glow in the dark lights.

Dahil nga medyo maalikabok na yung kwarto ko ay naisipan ko ng linisin.

After some minutes ay natapos na rin akong maglinis.. Naisipan kong tingnan yung ilalim ng kama ko dahil may nakita akong box do'n kanina habang naglilinis ako.

Binuksan ko yung box at nagulat ako sa nakita ko..

Yung mga luma kong diaries nandito pala.. Kaya pala nung hinanap ko sa bahay wla kasi nandito pala the whole time.

Since grade 1 nagsusulat na ako sa diary. Ang sabi kasi sakin ni Tita Sam na maganda daw pag meron kang diary dahil pag isang araw nalimutan mo na ang lahat atleast meron ka pa ring diary para ipa alala sayo yung mga ala alang nalimutan mo.

Binasa ko lahat lahat nga diary ko,Limang makakapal na notebook ang binasa ko buong araw. Natawa pa nga ako sa hand writings ko dati. Pero masaya ako kasi naibalik lahat ng ala alang nalimutan ko dati. At halos lahat lahat ng diary ko hindi nawawala ang pangalan ni Kyle..

Puro Kyle,Magkasama kami ni Kyle, naglaro kami ni Kyle, pumunta kami ni Kyle sa ano.. Lahat nandyan ang pangalan ni Kyle .

Nung nasa gitna ako ng pagbabasa ng huling page ng diary ko ay biglang tumunog yung doorbell kaya lumabas muna ako para tingnan kung sino ang tao.

Laking gulat ko ng nakita ko ang taong matagal ko ng gustong makita....

"Beeessss!!!!!" tinakbuhan niya ako sabay yakap sakin habang ako naman ay tulala.

Pagyakap na pagyakap niya sakin ay hindi ko namalayan na tumutulo na pala yung mga luha ko.

"Uy bes!Ba't ka umiiyak?! Huy! Di kaba masaya na makita ako?!" sabi niya

"B-biatch?" nauutal kong sabi.

Bigla ko nalang niyakap ang bestfriend kong matagal ko ng hinahanap hanap.

"Bess! Anu ba?! Wag ka ngang mag emote jan! Tignan mo tuloy naiiyak na rin ako!" Sabi ni Biatch.

Nagyakapan kami ng ilang sandali pagkatapos ng pag-eemote namin ay pumasok na kmi sa loob.

"Ba't nga pala napadaan ka?" tanong ko kay Biatch.

"Hinahanap ko kasi si Tita Sam.. Makikituloy sana ako ehh kasi nag away kami ni Dad. Wala naman si Tita Sam kaya wag nalang.." Sabi ni Biatch

"Dito ka na muna. Ako bahala. Dont worry." Sabi ko.

Kaya ayun pinatuloy ko nalang muna siya hanggang sa dumating na si Tita Sam.

Nang dumating na siya ay agad ko naman siya kinausap tungkol sa pag tutuloy ni Biatch dito. Di naman mahirap kausap si Tita Sam eh. Pumayag naman siya agad. Magkalapit rin naman si Biatch at Tita Sam kasi nga palagi namang nandito dati si Biatch kasi nga bestfriend kami.

Hayy.... Miss ko na siya...

Wait what?! Shy! Magtino ka nga! Pagkatapos niyang itago sayo yung katauhan mo mamimiss mo siya?! Hay nako!

-after 3 days-

Ilang araw na ang nakalipas at parang gusto ko ng umuwi sa Pilipinas. Ang creepy kasi dito sa bahay nila Tita kasi parang may tumitingin sakin pagtumatambay ako sa veranda.

"Shy! Biatch! Kumain na kayo dito Bilis!" sigaw ni tita mula sa labas ng kwarto ko.

Agad naman kaming napabangon ni Biatch mula sa pagkakahiga para lumabas at kumain.

After namin kumain ay umalis na si Tita Sam kasi nga meron pa siya trabaho. Naisipan ko munang magdilig ng mga tanim sa labas ng bahay ni Tita Sam since wala naman akong magawa.

Habang nagdidilig ako ay biglang tumaas yung balahibo ko. I got this feeling agian. Parang meron na namang tumitingin sakin.

Ayoko na ng ganitong feeling. Binitawan ko na yung hose at tumakbo palabas ng bahay para tingnan kung sino yung tumitingin. Pag bukas ko ng gate agad naman akong lumingon kaliwa't kanan kaya nakita ko yung lalaking naka puti na tumatakbo palayo.

Hinabol ko siya hanggang sa may kanto. Dahil sa mabilis naman talaga akong tumakbo ay agad ko naman siya nadakip.

"Stop running!" sigaw ko

Nung nakalapit na ako sa kanya ay bumilis yung tibok ng puso ko. Who could this be? Ba't parang grabe yung epekto ng taong to sakin?

Paglingon niya ay nagulat ako sa nakita ko....

B-bat siya n-nandito??....

"K-klyfer?!"
____________
A/N: Hi guys! Salamat po sa mga nagbabasa ng at patuloy po na nagsosoporta ng DNHB!!! Salamat po talaga! Sorry po kung matagal mag UD nagkasakit kasi si Author sorry po talaga. Sana po suportahan niyo pa po ang DNHB.. Thankyou!!! Luv you guys!!

Diary Ng Heartbreaker {On-Hold}Where stories live. Discover now