A Rainbow After the Storm

844 39 45
                                    


Chapter 34 —

           

Four years later

"Cindy, kamusta yung final layout ng design? Tapos na ba?" the editor-in-chief, Candra, ping me on Skype.

"Tapos na, ise-send ko na lang sa'yo thru attachment sa email." mabilis kong nireply sa kanya.

Dahil ako ang reyna ng multitasking, mabilis kong in-open ang Microsoft Outlook ko at sinend agad sa kanya ang files na kailangan niya. I'm so busy right now, katatapos lang ng meeting ko kanina sa creative team ng ibang sister magazines ng Mon Amour na hawak naman ng Spinel Publishing, ang pinakamalaking publishing corporation dito sa Philippines. Medyo madugo ang meeting na 'yun kaya pagbalik sa desk ko ay para akong naubusan ng energy.

It's five minutes past 1:00pm and I haven't eaten my lunch yet. Mabuti at nakabili ako sa Juju Eats ng salad kaya ito na lang ang kakainin ko habang tinatapos ang mga tinatrabaho ko. Working lunch? This is my thing!

Hindi ko pa rin binibitiwan ang pagiging assistant illustrator sa Line Webtoon ng isang artist, she's making a name on her own kaya maliban sa paglaki ng profit niya, mas maging metikuloso ang visuals ng mga stories niya. Wala naman itong problema sa akin dahil may extra income ako maliban sa regular job ko.

I'm just cleaning the design of the recent chapter at may deadline ako kaya ito na ang tinatapos ko ngayon.

Nag-ring ang cellphone ko, the caller ID says it's Mikan.

"What do you need?" I asked right away.

"Ay wow, wala man lang pag-hello? Iba na talaga ang level mo as graphic designer, besh."

Umikot ang mga mata ko tapos inipit ang cellphone sa aking tenga at balikat habang busy naman ang mga kamay ko sa drawing tablet habang tinatapos ko yung last panels ng chapter.

"Nagmamadali kasi ako dahil ipapasa ko na 'to kay Raijou mamaya. Today's my deadline so I need to rush this."

"Wala, I just missed you lang. Si Dennys kasi hinahanap si Brandon na kalaro niya. Kailan kayo bibisita dito ulit?" She asked me. Oo nga pala, Mikan settled down with Milky two years ago kaya ngayon, may two-year-old son na sila na super cute at super kulit din. I'm also their son's godmother. Imagine, sa pagiging happy-go-lucky ng best friend ko, nakabingwit pa siya ng lalake na mamahalin at tatanggapin ang pagiging gaga niya.

Or so I thought?

Minsan nga iiniisip ko na napikot niya lang si Milky noon kasi nung nagpakasal sila, she was already 3 months pregnant! But anyways, alam ko naman na mahal na mahal nila ang isa't isa and they are a good couple. Milky complements Mikan's quirky personality.

"Would weekend be manageable? Like Saturday, walang pasok sa school si Brandon nun. Pupunta kami sa inyo." Napapikit ako nang sa wakas ay natapos ko na i-furnish lahat ng panels! Isesend ko na lang 'to kay Raijuu for final review.

"Sige, asahan ko 'yan. Miss na miss ko na rin si Brandon e. Ikaw ba namimiss mo na 'yung Tatay niya?" asar niya sa akin. Kung nasa harapan ko lang si Mikan ay kanina ko pa siya sinabunutan.

"Seryoso ka sa tanong mo?" sumimangot ako.

Natawa siya, "Ito naman masyadong seryoso! Nagbibiro lang ako noh. Paano naman kasi, habang lumalaki ang junakis mo, mas nagiging kamukha ni BB! Grabe, para talaga silang pinagbiyak na bunga."

I took a deep breathe and glanced at the small picture frame that contains my son's most recent photo. I couldn't disagree more with Mikan, habang lumalaki si Brandon, mas nagiging kamukha niya si Brook. But nevertheless, kahit sino pa maging kamukha ng anak ko, it wouldn't change the fact that my son came from me, he's my life now and he's my greatest love.

The Stranger I MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon