PROLOGUE

175 5 0
                                    


Kung susumahin, marami nang nangyaring magagandang bagay sa aking buhay. Ngunit hindi ko pa nararanasan noon kung ano nga ba ang tinatawag nilang himala. Pero nakasaksi na ko karamihan sa mga taong nasa paligid ko. Tulad nung classmate ko nung grade six na naka-graduate nang 'di marunong mag-divide. Manalo yung pinsan ko sa perya. Isang himala, 'pagkat hindi siya nadaya. Isang himala rin kung ituring ang mga politikong tumakbo, nanalo, nagkakaso, nakulong, nakalaya, tumakbo at nanalo. Ngunit hindi ko inaasahan na darating ang isang himala sa aking buhay na sinisigurado kong hindi dahil sa swerte o sa daya. Ito ang sa tingin ko, na unang himalang aking naranasan sa unang taon ng aking highschool. Ang maging seatmate ng babaeng si Stella Fermosa.

Tabi ng bintana sa pinakagilid ng third row, sa aking pwesto kung saan buong History subject ko tinitigan ang katabi ko, sa apat na sulok ng silid-aralan kung saan nakulong ang tinatagong nararamdaman sa babaeng naging dahilan kung bakit ako'y nahumaling sa pagsulat ng mga tula dahil sa tingin ko'y ito siya. Malalim, nakaaakit at kasiya-siya.

Napunta ako sa section kung saan hindi uso ang walwal, social media, manood ng k-drama, magkaroon ng superstar idol, at bumakante ng oras. Ang Science Class. Iyon ang tingin ng iba pang mga sections sa amin. Ngunit nagkakamali sila.

Ang Science Class ay kinabibilangan ng 40 students na may 90% and above na average sa bawat report card. Dahil kung bumaba man dito ang grades, agad na  mapapatalsik at tiyak na malilipat sa regular class. Iba rin ang schedule ng pasok namin kumpara sa regular class. Dahil nadagdagan ng tatlong subjects ang aming klase. Kaya naman, doble pasakit pa ang hamong ibinibigay sa amin ng mga teachers. Dahil iyon ang gusto nila, ma-meet at malampasan pa namin ang kanilang expectations.

Bale public school ang aming paaralan. Sa katunayan, maraming nag-alok sakin ng scholarship nang nag-graduate ako nung grade six bilang valedictorian. Pero wala akong tinanggap doon dahil alam ko sa sarili ko na nasa mga public schools ang totoong kompetisyon. Hindi ng pera o kapangyarihan kundi ng totoong pagsisikap at determinasyon. Hindi sa pangmamaliit  sa mga private schools, sa public schools kasi matatagpuan ang lahat ng uri ng antas ng tao sa lipunan. At gusto ko rito.

Bago pa man ako mag-highschool, alam kong magkakaroon na ng excitement sa plot ng istorya ng buhay ko. Alam kong unti-unti na itong mababago dahil lumalaki ang aking mundo. Mas marami na akong malalaman, marami akong makikilala. At isa si Stella sa nagpabago nito.

Mula first month nung first year namin sa highschool, hindi na kami masyadong nagpapansinan. Dahil buong akala ko, mataray at maarte ang isang babaeng katulad niya. Pero nagbago ang lahat ng iyon nang maging partner ko siya sa isang subject. Doon nakilala ang buong siya. Patapos na ang school year non at iyon ang pinagsisisihan ko't dito pa lamang nabuo ang aming pagkakaibigan. At nagbago ang lahat ng iyon noong sumunod pang taon namin sa highschool.

Siguro, dahil dito na rin ako dinala ng kapalaran, tadhana o kung ano pa man para makatabi ang pinakapaborito kong seatmate. O dahil alam ng tadhana na dito ko mararanasan ang matagal ko nang hinahanap na himala. Bukod sa maging seatmate si Patreze, kundi ang magkaroon ng mga kaibigang alam ko sa sarili ko na hindi ako kalilimutan.

Habang lumilipas ang panahon, unti-unting umiiksi ang mga oras na magkakasama kami. Dumating sa puntong naramdaman naming mahirap iwanan ang isa't isa dahil Higit pa sa pagiging magkakapatid ang nabuong pagsasamahan namin ng mga classmates ko.

Hindi namin nasulit ang four years na pagsasamahan sa buong junior high. Huli na nang matanto namin na kulang pala ang saya, lungkot, away, at pictures.

Sa lahat ng aming mga pinagsamahan, natutunan kong ala-ala lang ang maiiwan pero ang bawat isa sa amin ay lilisan. Tunay ngang highschool life ang pinakamasayang parte ng pagiging estudyante. At ang patunay diyan ay ang mga ala-alang aming naranasan na bumaon sa aming isipan.

Hindi ako espesyal; ito ang panigurado ko. Ako ay isang karaniwang tao na may mga karaniwang pag-iisip at isang pangkaraniwang buhay. Walang mga mga monumento na nakatuon sa akin at sa aking pangalan na palaging nakalilimutan. Ngunit, minahal ko
ang aking buong puso't kaluluwa , at sa
sa akin, ito ay palaging sapat.

Ang kuwento ng buhay highchool ko ay nahati sa tatlong parte; ang simula, gitna at ang pagwawakas. At bagaman ito ay ang paraan ng lahat ng mga kuwento, hindi pa rin ako makapaniwalang ang isang ito ay nagtapos ng agad-agaran. Ginunita ko ang mga bagay na ito, at gaya ng lagi, ang aming oras na magkakasama ay bumalik sa akin. At nakita ko ang aking sarili sa kung paano ito nagsimula, sa ngayon ang mga alaala na ito ay ang lahat na aking iniwan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 20, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dedicated to StellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon