Everything was a Lie

38 1 0
                                    

Ang makaroon ng minamahal na lubos at tunay ang inyong nararamdaman.Hindi bat napakasarap..?

Paano kung may pangako sya sayo???Sarap umasa na matutupad diba?Paano kung ang pangakong iyon ay hindi pa natutupad subalit napanaginipan mo na.? Naniniwala ba kayo sa masama at mabuting panaginip..??

Yun tipong magigising ka na lang na mas totoo pala ang panaginip kahit tulog ka kaysa sa gising kang nananaginip na di naman pala totoo.

What is your reaction kapag nalaman mo na maliban sayo may iba pa palang Boyfriend/Girlfriend                 ang minamahal mo…???

Maybe if you are in my situation now baka maari kayong mabaliw sa lahat ng pinagdaanan ko sa buhay pag-ibig.Kung sabagay,hindi naman tayo magkakatulad but I guest some of you are same like me.

Sa pag-ibig marami tayong mga kasabihan o pamamaraan maipakita lang na mahal natin sila.Sabi nila hindi nasusukat sa tagal ng pagsasama ang tibay ng pagmamahalan.Hindi rin nasusukat sa hitsura o edad ,the important is kung gaano nyo kamahal ang isat-isa.Sinong mag-aakala na ang kagaya ko ay hindi parin natututo kahit ilang ulit na nadapa sa pag-ibig.

First time ko magka Boyfriend when I was 17 years old.That time kasi hindi ko pa naman talaga alam kung ano ba talaga ang natatawag na tunay na pag-ibig.Basta ang alam ko lang gusto ko sya at tumitibok ang puso ko sa kanya.Rainier was my first Boyfriend and also my first kiss.Akalain mo yun,sya ang aking first love at first kiss..?.Sino ba naman kasi ang mag aakala na ang crush ko nung first year palang ako ay magkakagusto sa akin ngayong 4rth year na ako..Akala ko sya na talaga ngunit hindi pala.Memmorable sya sa akin dahil until now naalala ko parin sya pero hindi dahil sa mahal ko pa sya.Si Rainier lang kasi ang bukod tangi na matyagang nanligaw sa akin in a proper way.Gabi-gabi pinupuntahan nya ako sa bahay ng tita ko at nagpapaalam pa ng maayos kung pwede raw manligaw kahit alam naman nyang welcome na welcome sya.Pinsan nya kasi ang asawa ng tita ko kaya kami nagkakilala hanggang magkamabutihan.

March 2006Naging kami ni Rainier at kung tutuusin 3 months syang nanligaw sa akin.Wala pa nga kaming 1 month nang sinama ako ng nanay ko sa Manila para magtrabaho at the age of 17.Akalain mo yun..,napaka aga pa para mamulat ako na danasin kung paano kumita ng pera.It really hurts na magkakalayo kaming dalawa at yun ang hindi ko kaya dahil baka sa paglayo ko makahanap sya ng iba.Tama nga ang hinala ko dahil hindi rin nagtagal ang Long Distance Relationship namin.Umabot kami ng 1 year and 5 months kahit papaano.Minahal ko sya kahit na nagkalayo kami at alam ko na may pagkukulang ako kaya hindi kami nagtagal.Isa pa kasalanan ko rin naman dahil kulang ako sa oras at puro trabaho ang inuuna ko.Hindi lang naman iyon ang dahilan,nadala kasi sa tukso si Rainier nang mga oras na wala ako.Nagsumbong ang Tita ko na may iba raw na kasa-kasama ito kung kaya nawalan narin ako ng gana para kausapin sya.Hindi rin nagtagal nalaman ko na may asawa na raw si Rainier sapagkat nakabuntis sya.Inaamin ko kahit na binabaliwala ko sya nuon kahit paano ay nasaktan naman ako dahil mahal ko parin sya.Naka move-on naman na ako sa kanya dahil naghanap ako ng ibang bagay na pwede kong paglibangan.

August2007 Starting a new life again.Ginawa kong habit ang pakikipagtextmate at pakikipagmeet every off  ko.Hindi ko alam kung bakit pero dito ako sumasaya at nakakalimot sa past lovelife ko.SM Manila is my favorite place lalo nakapag nakikipag meet ako sa mga katext ko.Minsan may pagkasalbahe din naman ako dahil kapag alam kong di kagandahan ang mukha ng kakatagpuin ay tinataguan ko.Para tuloy tanga ang taong katagpo ko dahil after nilang mag effort ganun lang pala ang gagawin ko.I met Patrick and Ricardo at the same way but in a different time.Ricardo is a nice guy and very handsome,kahit sino magkakagusto dito.He is a college student of Adamson University taking up BS-IT.Upon meeting each other naging mag on agad kami ng walang anumang sabi-sabi.Parang malas ko naman yata dahil 2 months palang kami eh nagkaruon agad sya ng problema sa school nya.Kinakailangan kasi nya ng pambayad kung kaya umutang sya sa akin at isinangla pa ang cp nya sa iba.Umabot ng halos dalawang bwan na wala kaming communication at sobra ko syang namiss talaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Everything is a LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon