Sumin's POV
(Few Days Later)
Nandito kami ngayon ni Areum sa canteen..Recess time namin ngayon..Boring nanaman kasi ehh.. Si Areum kasi may kinakachat sa CP nya kaya ayun..Argghh..never mind"Woi!! Kanina ka pa jan ahh!! Sino ba yan!??" Sabi ko sabay tapik sa kanya..
"WAHHH! Ano ba yan!! Ginulat mo naman ako ehh.." Sabi nya ng medyo nagulat pa tapos ipinagpatuloy yung pagccp nya..Arrggghh
Hinablot ko yung CP nya kaya napapitlag sya at piliiitttt na kinukuha yung CP nya sa akin at ako naman ay nilalayo sa kanya yung CP..
"Sino ba kasi yung ka chat mo!? Curious na curious na ako eh..ngayon ka lang naman naging BC sa kakachat!"
"Ehhh!?? Wala ka na dun kaya akin na yan"..
"Ayaw ko..Hindi ko ibibigay sayo toh hangga't hindi ko alam kung sino tong kausap mo!" galit na sabi ko..
"Akin na!" "Ayaw ko" "Akin na sabi ehhh" "Ehh ayaw ko nga ehh" "Akin na kasi" "Ayaw ko nga diba!!?"
"Fine! Fine! Sasabihin ko na pero bigay mo muna si CP ko..plsss!" Pagmamakaawa nya with matching puppy eyes pa..ewwww..
Dali dali ko namang binigay sa kanya
"Wag ka ngang mag puppy eyes! Di bagay sayo! Muka kang bulldog!"
"Grabe ka naman..Hmmm ohhh eto na!..childhood friend ko sya..hmmm..boy sya" Sabi nya..
"Ano pangalan??" Tanong ko pa
"Wag na yun..at least alam mo na kung sino ka chat ko"...
"Edi Wow!" Shoooo.." Sabi ko..
Pagkasabi ko nun ay biglang nag ring yung bell kaya bumalik na kami sa class room namin para sa MAPEH time namin..
Jimin's POV
MAPEH time na namin ngayon at masasabi kong hindi masaya ang mga nakaraang araw..hayss..
'Bakit kaya lagi akong binubully ni Sumin??' Tanong ko sa isipan ko..kasi talagang napapansin kong ako lang yata yung binubully nyang lalaki ehh..
Hmmm..siguro gumaganti lang sya..
"So Class, magkakaroon tayo ng project about sa dance!" Masayang sabi nito..
Nabuhayan ang mga kaklase ko..syempre ako din kasi talent ko yun eh..hehehehe
"But, dalawahan lang..hmmm..ang dapat na sasayawin nyo ay medyo may pagkaromantic..Medyo lang ah!! Medyo!! Bawal masobrahan" sabi nito..
"So nakapili na ako ng mga partner nyo.. Sasabihin ko na ngayon" sabi nya ulit kaya medyo masaya na kinakabahan yung mga expression ng mga kaklase ko..
Nagumpisa na si Ma'am na magbanggit ng mga partners partners namin..
"Areum and Mark, and last Sumin and Jimin" sabi nya..WAIT WHAT!?? si Sumin ka partner ko??
Tiningnan ko naman sya..nakita ko namang gulat na nakatingin din sya sa akin..
Ano ba naman yan...never mind..
"I will give you a two weeks para makapag perform.. Pero may mga days din tayo na walang practice kasi magdidiscuss ako kasi malapit na ang exam..good luck guys" sabi nya
"You may now go to your respective partners.."...
"Ohhh!! Anong sayaw ang sasayawin natin??" Medyo mataray na sabi nito..katabi ko lang sya kaya hindi na nya kailangan lumapit pa sa akin..
"Magiisip na lang ako pagdating sa bahay"...
"Kailan naman tayo magpapractice???"
"Ehem..mamaya po ikaw at ako magpapractice..at ehem..wala pong tayo..okay??"
"Wag kang assuming ahh..saan??..tsk"
Natawa naman ako ng bahagya "Opo..sa bahay na lang po namin.." At tumango tango na lang sya..
Pumasok naman ang next teacher namin para sa English time..
A/N : sorry guys for short chapter..tagal kong mag UD noh..babawi na lang ako sa inyo sa susunod kasi medyo BC ako ngayon..Mianhae! But..wag nyong kalimutan na mag vote and comment..Labyu all!😘😊
BINABASA MO ANG
Pinagtagpo Pero Hindi Itinadhana (Jimin FF)
FanfictionPano kung ang dalawang tao ay ipinagtagpo..isang bad girl na nagngangalang Sumin at transferred student na heartthrob na nagngangalang Jimin ng isang University... . . Laging binubully ni Sumin si Jimin..Pero sa hindi inaasahang project ay naging ma...