Chapter 1: Start

17 4 3
                                    

     Nagising ako ng maramdaman Kong may maingay na tumutunog sa ulunan ko.... Ahhhh!!! Alarm clock lang pala. Nakakainis sa araw-araw ng ginawa ng diyos itong bwisit na alarm clock na to tunog ng tunog @_@. May araw din sakin to.

     Tumayo ako sa kama ko at pinatay ang letseng alarm na to at dumiretso sa CR. Hayyy!!!Another day, another stress na naman. Pagkatapos kong maghilamos, ako'y napatitig sa salamin. "Ilang taon na ang lumipas nakikita pa rin kita. Ganoon ka pa rin. Wala ka pa ring pinagbago". Di ko namalayan na naluha na pala ako. Dali-dali akong lumabas at nahagip ng aking mata ang basag na larawan.

     Pinuntahan ko kaagad ito at hindi ko napansin na nakaapak na pala ako ng mga bubog. Maraming dugong tumulo pero hindi ko ito ininda. Immune na rin siguro ako kaya hindi na ko nakaramdam ng sakit. Ako'y umupo at hinawakan ang larawan.

     "Hello. Good morning. Nalaglag ka na naman pala. Hanggang ngayon ba naman hindi ka pa rin nagsasawang masaktan at manakit?". Nakangiti habang lumuluha kong sabi.

     HAHAHA mukha na Kong baliw dito buti ako lang ang mag isa. Napansin kong dumarami na ang mga dugong nalabas kung kaya't mabilisan ko itong ginamot upang makapag-ayos na rin ng aking gagamitin sa trabaho. Ipapalinis ko na lang siguro itong bubog kay Nay Adora at mahuhuli na ako sa trabaho.

    Dagli akong naligo at nagbihis ng biglang may kumatok...

     Katerina nak malelate ka na sa trabaho. Gising ka na ba? Sambit ni Nay Adora

     Gising na ho nay. Sambit ko at dagling binuksan ang pintuan

     Nasa lamesa na ang pagkain kumain ka muna bago umalis. Sambit nito

     Sige ho, nay pakilinis na rin pala yung mga kalat at bubog sa sahig. Sambit ko

     Sige nak, ingat sa trabaho. Sambit nito

     Siya nga pala si Nay Adora. Bagong katulong ko pero kahit bago lang siya, mapagkakatiwalaan at mabait siya.

     Dagli kong kinain ang hinain ni Nay Adora at umalis na.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

So, how's chapter 1 guys? Hahaha. Just comment if may errors or anything to improve my writing skills ^_^. Enjoy

                                     ~ReeRee

ALEXIS(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon