2nd day na hehe makikita ko nanaman si Crush!
Agad akong tumayo sa higaan at nagunat.tiningnan ko ang mukha ko sa salamin
'ang pangit mo Zoey' sabi ko sa sarili
"Ediwow di kaya tsk!" Sabi ko
Lumingon ako sa pinto para makakain pero natigilan nman ako ng makita ko si Kuyang nakangisi habang nakatingin sakin
"K-Kuya?" Tanong ko
"So hm,kailan ka naging maganda?" Tanong nya habang nakangisi pa rin
"Grabe ka sakin kuya umalis ka nga dyan maliligo na ako!!" Sigaw ko at pilit na inaalis sya sa daan pero ayaw eh mapilit
"Di ka makakaalis wahaha" pangaasar ni kuya
"Kuya ano ba! Alis sabeee!!" Inis na sigaw ko
"Wokey hihi" sabi ni Kuya at umalis na sa daan
Natakot ata baka magsumbong ako wahaha
"Good Morning!" Bati ko kay mama
"Ang ganda ng gising mo nak ah,Good Morning din" nakangiting sabi ni mama
Dumeretso ako sa upuan para maghintay ng pagkain hehe
Nagluluto palang kase si mama ng uulamin ko
"Ah nak may Good News ako" sabi ni mama
"Ano po yun ma?" Tanong ko
"May Bike ka na alam ko kaseng pagod na pagod ka paguwi mo sa bahay eh naawa ako kaya sinabi ko sa papa mo na bilhan ka ng isa" mahabang sambit ni mama
"Ahh Salamat maaa" sabi ko
"Welcome anak" nakangiting sabi nya
"Nasaan nga pala si Papa ma????" Tanong ko
"Ahh ang papa mo?...nasa Abroad anak" sabi ni mama
"Auh ok madiko natanong sayo ma eh haha" sabi ko nman sa kanya
"Haha--oh eto na ang kakainin mo pagtapos nito maligo ka na ah" mama at inihanda na ang makakain namin ni Kuya
"John bumaba ka na at kumain!!" Sigaw ni mama
"Coming ma" sigaw nman ni kuya
Nauna na akong kumain dahil gutom na gutom na tlga ako ang sarap pa ng ulam narinig ko ang yabag ng paa ni Kuya kaya mas lalo kong binilisan ang pagkain pustahan aasarin nanaman ako nito
"Yow!" Sigaw ni kuya
'baliw tlga' sabi ko sa sarili
"Oh kumain ka na John" sabi ni mama at itinuro ang upuan
"Ikaw ma di pa kakain??" Tanong ko
"Kakain na rin ako Zoey" sabi ni mama
At umupo na rin sya
Ilang minuto rin kaming tahimik na kumakain..
"Zoey nak Kamusta school mo?" Pambabasag ni mama ng katahimikan
"O-Okay nman ma,mabait ang teacher nmin si ms.Agaser,tapos may crus-- ay este bagong kaibigan kaming dalawa ni Amber si Ryan" nakangiting sabi ko
Nakatulala lng sila
Si kuya may nangaasar na tingin
Si mama nman may nagtatakang tingin
Bakit nila ako tinitignan ng ganyan nakakailang nman.
"Bakit??" Tanong ko
"Crush ba kamo?" Nakangising tanong ni kuya
"Di ah" nakangusong pagsisinungaling ko