PART 1: Reminisce

3 0 0
                                    

After 16 years....

Chrissy's POV.......

"Chrissy! Anu na naman ba itong sulat na galing sa school mo?", si Alice na hawak ang envelope galing sa guidance counselor ng university.

"Ma aren't you tired? Tara sa couch i'll massage you really good.", sabay yakap kay mama.

"No Chrissy, I mean this now. Another letter from your school and you'll stay forever here in our house and do self study!", at tumalikod na si mama.

Sa hindi malamang dahilan ay sobrang protective ng aking mama. Ilang beses narin kaming ngpapalipat lipat ng bahay at ako naman palipat lipat rin ng school, new town then new annoying neighborhood.

I dont know pero sa di ko malamang dahilan, nakakairita ang mga teenager na nakikilala ko sa bawat lugar na nalipatan na namin ni mama.

Yeah I know spoiled brat ang impression nyo sakin and that's ok. And let me tell you something about me.

I'm Criselda Thompson, with hazelnut brown hair, green eyes, and as usual lamang sakin ang foreign blood. Si mama ang pinay and malamang si papa ang dahilan ng pagiging half blood ko.

Dahil sa pagiging halfie ko kaya ako madalas ma-bully sa school. And they wont make me afraid of them kasi I can handle myself, and hayun ang gusto ko malaman kung bakit ako kakaiba sa lahat.

(FLASHBACK)

Crashing, hit a wall
Right now I need a miracle
Hurry up now, I need a miracle
Stranded, reaching out
I call your name but you're not around
I say your name but you're not around...

Busy ako na mag-soundtrip that time.
Habang naglalakad papunta ng school ay kumakanta ako para good vibes. Then i stepped on something.

"Aaaaahhhhhhh!", at dun ako nadulas dahilan para mapaupo ako. Tumalsik lahat ng folder na hawak ko pati narin ang file case ko.

"OMG that transferee! Super tanga naman pala! ", at sabay sabay silang nagtawanan kasama ang maarte na nasa section C.

"Kelan pa naging katangahan ang madulas sa natapon sa smoothie?", ako na tumayo para punasan ang nadumihan kong pantalon na kakabili lang ni mama.

"Whoah! Look guys who's talking back! Hey babae kilala mo ba ang kausap mo?", at lumapit pa sakin ng nakapamewang ang maarteng babae.

"Yeah I know you well! Ikaw yung sosyal na chicks from class C , sosyal at the outside and so empty inside your head. "

"Teka sumosobra ka na ha!", at sasampalin nya ako.

Mabuti at mabilis kong nailagan ang kamay nya at nahawakan ko sa braso nya. "Don't you ever dare lay your hands on me or else you'll want to see me angry.", ibinulong ko sa tenga nya para mas maramdaman nya ang pagka-inis ko sa natapon nyang smoothie na ako ang magdurusa.

"May araw ka rin sakin."

"Sure! I'll wait for you! See you in class A!",at pinulot ko na lahat ng gamit ko at umalis na sa lugar ba yon.......

Naalala ko ang itsura ng maarteng babae na yun na puro pasosyal at kaartehan ang alam pero wala naman laman ang utak! Sinasayang lang nya ang pera ng mga magulang nya para lang lumandi sya sa university.

Kung ang iniisip nyo ay mayaman din kami, nagkakamali kayo. Kami nalang ni mama sa buhay at mag-isa nya akong tinataguyod. Nagpapalipat-lipat kami ng bahay sa di nya sinasabi na dahilan. Para daw sa kaligtasan namin, sa kaligtasan ko.

Kahit na weird ang mama ko, mahal na mahal ko sya gaya ng pagmamahal nya sakin. Kaya naman para makabawi ay scholarship ang kinukuha ko sa schools na pinasukan ko. And i never failed her for my academics, every recognition day sa school at umaakyat sya sa stage.

"Chrissy!"

"Yes ma?"

"May nakalimutan ako sa grocery para sa lulutuin ko for dinner. Pakibili naman neto.", at iniabot sakin ni mama ang listahan.

"Okay ma. I'll get back as soon as i can.", and i kissed her sa cheeks pambawi sa letter from my school.

Alice's POV....

"Dylan kung makikita mo lang ang anak natin, i know you'll always wear your sweet smile honey.", at umalis na nga ang dalaga ko papunta sa grocery.

Napakabilis ng panahon, dalaga na ang anak namin ni Dylan. Naaalala ko parin ang gabing nawala sya sakin.

(FLASHBACK)......

"Bilisan mo mahuhuli na nila tayo.", hinila niya ang kanyang kabiyak palabas sa bahay na itinayo ng mga pangarap nila ng magkasama.

Hinahabol sila ng mga lalaking nakasuot ng tuxedo na para bang mga agent sa pelikulang 007.

"Saan tayo pupunta? Bakit ba nila tayo hinahabol?"

"Wag ng maraming tanong. Alice, tandaan mo na kahit anong mangyari, lalayo ka sa lugar na ito.", ang kanyang asawa na pinipigil ang luha. Patuloy parin sila sa pagtakbo. Pumasok sila sa loob ng isang lumang warehouse at doon ay nagtago.

Hanggang ngayon hindi ko parin maintindihan ang mga sinabi nya sakin, parang hindi sya ang Dylan na nakilala ko, ang minahal ko ng mga oras na iyon.

At kung bakit nya kami iniwan ay hindi rin malinaw para sakin. Alam kong darating ang araw at isa isang magkakaroon ng kasagutan ang mga tanong ko.

Chrissy's POV....

Si mama talaga ang epal eh. Panira sa pagmomoment ko. At nandito na nga ako sa grocery hinahanap ko na yung mga kelangan ni mama para sa ginagawa nyang soup.

"Cream of mushroom, celery.", busy busyhan na ako sa pagbabasa ng listahan na inabot ni mader kanina.

"Aaaahhhhhhhh!"

And there sa kabilang aisle yung isang staff ay aktong malalaglag sa hagdan na gamit nya. And she's arranging pile of canned goods!

"OMG!", i ran fast as i can para matulungan sya. And gotcha! Nasalo ko naman sya di ko nga lang napansin ang canned good na kasabay nyang mahulog.

"Aray!"

"Ate ok lang po ba kayo?"

"Ako nga dapat iha ang magtatanong sayo nyan. Ayos ka lang ba? Nasaktan ka pa tuloy dahil sakin.", at tumayo na nga kami.

"Ok lang po ako ate. Sige po at may bibilhin pa po ako nagluluto kasi si mama."

"Salamat ulet iha!"

At nagpatuloy na ako sa pagbabasa ng listahan ni mama. Weird lang at wala akong naramdaman kahit na nabagsakan ako ng malalaking canned goods. Weird, really weird.

Mystery guy POV....

"Sir nakita ko na po sa wakas ang anak ni agent Thompson."

"That's good! Bantayan nyong maigi. Siguraduhin mo na may maganda kang maibabalita sakin pagbalik mo sa headquarters."

"Yes sir!"



End of chapter 1....

Thanks for reading the first chapter and hope you all liked it! Nasa picture pala si Criselda aka Chrissy.

Enjoy reading! :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Project ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon