Chapter 7: New Classmate

67 6 2
                                    

Elisse POV

At pag ka kita ko sa bago naming magiging kaklase...

Nooooo, bakit sa dami dami ng students siya pa or kaya pwedeng bagong student naman yung maging kaklase namin, bakit kailangan galing pa sa ibang section aishhhhh!?

"So class, you new classmate Mccoy de Leon from Section 3A" sabi ni miss Dy

"Hi guys" bati ni Mccoy, tapos nag wave siya, tapos si Ronnie naman tinaas niya yung kamay niya tapos nag heart sign siya

"Saktong sakto oh, buti na lang na transfer siya dito" sabi saakin ni Ronnie, malamang masaya siya kasi magkaibigan sila, eh papano ako di nga kami ganon ka close, isa pa di kami nag papansinan

"Mccoy, dito ka na lang tabi tayo" sabi mung isa naming kaklase, di ko na sasabihin kung sino pero yung yung isa naming kaklase na babae, ang harot lang teh

Tapos dun din naman umupo si Mccoy, tapos pumasok na yung teacher namin and nag discuss na siya

Habang nag didiscuss yung filipino teacher nakikita ko na kinakausap nung kaklase namin na babae si Mccoy, sa pag kilos niya halatang may gusto siya kay Mccoy, si Mccoy naman kinakausap din siya, ang haharot nilang tingnan, hanggang sa nakita sila nung filipino teacher namin

Kaya naman napagalitan sila

"Buti nga" sabi ko ng mahina

"Huh?" Tanong ni Ronnie

"Ahhh wala wala" palusot ko tapos tumango lang si Ronnie, walang forever bitter na kung bitter tsk...

Fast forward...

Hanggang sa natapos yung 2 oras na subject nag lunch na kami, pinuntahan agad ni Ronnie si Mccoy

"Tara na kaina na tayo" sabi ni Ronnie, tapos tumayo na si Mccoy

"Alam ko na kung bakit ka na transfer sa klase namin" sabi ni Ronnie habang nag lalakad kami

"Masyado ka siguro maingay sa klase niyo kaya di nakapagtimpi yung adviser niyo, kaya nailipat ka" sabi ni Ronnie tapos tumawa lang sila

"Huy, hindi ahhh sabihin mo matalino ako kaya nilipat ako sa section niyo" sabi ni Mccoy, tapos binatukan lang siya ni Ronnie

"Asa ka" sabi ni Ronnie, maya maya nakarating na rin kami sa pwesto namin at andun na din yung pagkain pati sila Yassi at Sue

"Oh anjan na pala kayo, tara na kumain na tyo" sabi ni Sue, tapos umupo na kami

"Uy bro, saan ka ba pumunta kaninang recess?" Tanong ni Nikko

"Ahhh, kinausap kasi ako kanina ng adviser namin, sabi niya ililipat daw ako ng section dito kayla Ronnie" sabi ni Mccoy

"Bakit? Masyado ka sigurong maingay, kaya na transfer ka" sabi din ni Nikko

"Grabe kayo saakin ah, di ba pwedeng matalino lang ako kaya na transfer ako" sabi ni Mccoy

"By the way bukas na daw pala yung club promotion, ano ng balak natin" sabi ni Ronnie

"Basta basketball club pa rin tayo" sabi ni Mccoy

"Ikaw Elisse, ano ng club mo?" Tanong ni Yassi

"Sure na ako sa art club" sabi ko

"Ahhh ok" sagot ni Yassi

After namin kumain, bumalik na kami sa kanya kanya namin classroom

"Elisse, pag nag karoon kami ng game sa basketball, manood ka ah, gusto ko ako yung pag checheer mo" sabi ni Ronnie

"Di ako sure, kung makakanood ako, tsaka isa pa, sure ka ba na makakapasok ka?" Tanong ko

"Ano ka ba, alam mo naman na bata pa lang tayo gustong gusto ko na mag laro ng basketball, tsaka simula nung first year collage basketball club na ako noh" sabi ni Ronnie

"Ahhh osige ba" sagot ko

"Sige ahhh, tatandaan ko yan" sabi ni Ronnie tapos tumango lang ako

Hanggang sa dumating na yung next teacher namin at nag discuss na rin siya

Fast forward...

After ng 3 pa oras, finally dismissal na

"Mccoy, good luck pala bukas, sana makapasok ka ulit, para may pinagchehceer ako" sabi mung kaklase namin kay Mccoy

"Sige thank you" sagot naman ni Mccoy, tapos nakita ko na nag blush yung kaklase namin, as if bagay sila iwww 😒

"Aba, aba may fans ka na agad ahhhh" sabi ni Ronnie

"Syempre gwapo ako eh, ano ka ba dati pa lang tinitilian na ako ng mga babae, papano pa kaya pag nag laro ako diba" sabi ni Mccoy, yabang naman, kala mo naman kamukha siya ni Cole Sprouse para tiliaan ng mga babae tshhk

"Confidence level 999999" sabi ni Ronnie, kaya medyo natawa naman ako, kasi totoo naman taas ng confidence niya

Tapos nung medyo natawa ako nakita ako ni Mccoy, kaya nag poker face ako agad

"Ronnie, una na ako ah, bukas na lang ulit" sabi ko

"Sige magiingat ka, yung promise mo ah" sabi ni Ronnie

"Sige, ikaw din mag iingat ka" sabi ko, tapos iniwan ko na sila at pumunta na ako sa parking para kunin yung sasakyan ko at umalis na ako

After ilang minutes nakarating na rin ako sa bahay

"Oh Elisse anjan ka na pala, nag meryenda ka na ba?" Tanong ni yaya Ida

"Sige po yaya, mamaya na lang pong dinner ako kakain, mag papahinga muna po ako sandali" sabi ko

"Atsaka nga pala tumawag pala saakin kanina ang mommy mo, sinabi ko na sakanya na this week gusto mo ng lumipat sa condo mo" sabi ni yaya Ida

"Ano pong sabi ni mommy?" Tanong ko naman

"Sabi niya, ikaw daw bahala pero pag may kailangan ka daw puntahan mo lang daw ako" sabi ni yaya Ida

"Oo naman po, promise ko po sainyo every saturday or sunday pupunta ako dito para bisitahin po kayo" sabi ko at nag smile ako kay yaya Ida

"Osige ahh, andito naman ako lagi para sayo kung may problema ka" sabi ni yaya Ida

"Opo thank you po" sabi ko

"Ohhh sige na, mag pahinga ka muna" sabi ni yaya Ida

"Sige po" sagot ko naman at umakyat na ako, nagbihis muna ako at inayos ko yung gamit ko tapos nag surf muna ako ng internet

Habang nagsusurf ako ng internet pinagiisipan ko na rin yung 3 choices ko, kung hindi man ako makakapasok sa art club, siguro kung akong papapiliin first choice ko is art club, second choice ko is glee club and yung last choice ko is mag dance club, pero sana makapasok ako sa art club, dahil feel ko pag nag art club ako pwede pa ako mag gumaling sa pag drawing it means mas may chance ako na maging fashion designer.

To be continued...

Hi guys, sorry po if 3-4 days ako di nakapag update kasi kahit summer po busy din ako sana po maintindihan niyo and please don't forget to vote po. And guys singit ko lang today is the last voting na po sa MYX sana manalo po tayo

 And guys singit ko lang today is the last voting na po sa MYX sana manalo po tayo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

THANK YOU
~laiglr 🌻

Falling In Love (McLisse fan fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon