Chapter 10: Closeness

76 7 3
                                    

Elisse POV

Time check is 6:40 am na, and nakarating na ako sa school at hindi ko nakita sila Yassi sa corridor so I decided na dumeretso na lang sa classroom namin

And pagka dating ko sa classroom, nakalimutan ko nga pala na katabi ko si Mccoy, at nakita ko na nag kwekwentuhan si Irish tsaka siya, diba sobrang malas ng pwesto ko sa dami dami talaga ng pwedeng ipalit kay Ronnie bakit kailangan siya pa talaga, isa pa bakit kailangan malapit pa saakin yang Irish na yan

Syempre naririnig ko ng konti yung usapan nila kasi magkatabi nga kami ni Mccoy

"Alam mo nag tataka lang ako kung bakit wala ka pang jowa, eh samantalang ang gwapo mo tapos ang bait mo pa" sabi ni Irish, gusto ko lang tumawa para sakanya, kasi halata naman na nagpaparinig si ate girl diba, bakit di niya kaya itry na straight to the point niya sabihin na "Mccoy gusto kita" natural napaka kapal naman ng face niya

"Hmmmm wala pa akong nahahanap eh" sagot naman ni Mccoy, sus wala daw pero kung makipagusap siya kay Irish gusto naman niya, alam ko na yang mga damoves nila, kunwari sasabihin nung lalaki wala pa siyang nahahanap para mag selos naman si girl pero sa totoo may gusto siya dun sa girl tsk

"Aahhhh ganon ba, yaan mo dadating naman siya sayo" sabi ni Irish

"Actually dumating na nga siya, kaso lang mukhang malabo pa" sabi ni Mccoy, tapos medyo nag blush naman si Irish sa sinabi ni Mccoy, maybe siya yung girl na nahanap niya, pero bit*h walang forever! Bala kayo sa buhay niyo!

Ilang minutes pa dumating na si miss Dy and actually may pinagawa siyang activity, merong 6 questions na about sa momentum and isosolve namin yun at sabi niya by 3 daw yung group kaya kaming tatlo nila Irish at Mccoy yung mag kakagroup

"Ako na sa number 1 at 2" sabi ni Irish

"5 and 6 ako" sabi ko tapos nag start na akong mag solve ng problem

"Mccoy, ahmmmm pwede naman patulong dito, pano kasi kunin ito" sabi ni Irish, aishhhh sobrang easy na nga lang ng 1 and 2 papaturo pa siya

"Ahhh yan ba ganito oh" sabi ni Mccoy tapos tinuruan niya na si Irish, mga 15 minutes ko lang sinolve yung problem habang sila Mccoy at Irish nag sosolve pa rin

"Oh" sabi ko at binigay ko yung papel ko sakanila, sa mukha nila medyo nagulat sila dahil medyo mahirap yung 5 and 6 pero agad ko siyang sinolve

"Sure ka ba na tama yang mga sagot mo?" Tanong ni Irish, pero sa tono niyang pag sabi noon halatang nag dududa siya na mali yung sagot ko

"Try mo icheck, ayyy joke baka pala di mo din ma solve number 1 at 2 pa lang kasi hirap na hirap ka na eh" pataray ko na sabi, sa mukha niya gusto niya na akong sagutin pero pinipigilan niya yung sarili niya

"Ahhh, sige ok na yan" sabi ni Mccoy

Nakakaasar siya, kala mo naman kasi napaka talino niya...

Fast forward...

After ng 2 subject pumunta na kami sa canteen para kumain

"By the way next week na pala yung laban natin" sabi ni Nikko kayla Ronnie at Mccoy

"Ang aga naman ata" sabi ni Ronnie

"Tsaka sino ba yung makakalaban natin" sabi naman ni Mccoy

"Yun lang yung hindi ko alam, pero sabi next week na daw mag stastart yung laro natin" sabi ni Nikko

"Ikaw pala Elisse, kailan ka lilipat sa condo mo?" Tanong ni Yassi

"I think bukas Saturday lilipat na ako" sabi ko

"Need ko ba ng service, tulungan kita" sabi naman ni Sue

"Ahmmm hindi na siguro" sagot ko

"Hindi ok lang, para naman makabawi ako sayo" sabi ni Sue

"Ohhh sige" sagot ko

"Sige, text mo na lang ako kung anong oras, para matulungan kita" sabi ni Sue

"Sure" sagot ko naman

After namin kumain dumeretso na agad kami sa classroom, pumunta muna si Ronnie doon sa pwesto namin ni Mccoy para makipag kwentuhan meron pa naman kasing 7 minutes bago kami mag next class

"Elisse nood ka ng game namin next week ah" sabi ni Ronnie

"Oo naman diba may pinromise pa ako sayo" sabi ko

"Ahhh oo nga pala" sabi ni Ronnie

"Ikaw Mccoy, kanina pansin ko sobrang close niyo na ni Irish ah" sabi ni Ronnie

"Hindi naman, tinulungan ko lang siya kanina sa activity natin sa science" sagot ni Mccoy

"Baka mamaya, kayo pag magkatuluyan noon ah" sabi ni Ronnie

"Baliw ka talaga kahit kailan, dami mong alam buti pa pumunta ka na sa pwesto mo" sabi ni Mccoy

"Cgeh, see you later" sabi ni Ronnie

Tapos maya maya nag start na yung next 2 hours class namin

And as usual sobrang tahimik ko lang sa pwesto ko dahil ang nag uusap lang namin is sila Irish at Mccoy

Habang nag didiscuss yung teacher namin, nag kwekwentuhan lang sila Irish at Mccoy kaya nahuli sila, dahil kasi naman lahat kami nakikinig pero yung boses nung dalawa nangingibabaw

"Irish and Mccoy, baka gusto niyo ishare saamin yang pinag kwekwentuhan niyo?" Sabi ng teacher namin

"Bakit feel niyo ba kayo lang dalawa nasa classroom, especially ikaw na Irish matagal ka ng narereport dito sa school because of your behavior" sabi ng teacher namin

"Sorry po" sabi ni Mccoy

"Tsk buti nga, harot kasi" sabi ko, tapos tiningnan ako ni Mccoy dahil narinig niya, nakakainis kasi sila kung gusto nila mag kwentuhan o mag harutan bakit di nga naman sila lumabas, sobrang free nila jan sa labas oh

Maya maya natapos na rin yung class namin and pag kalabas nung teacher namin, nag pa sorry agad si Irish kay Mccoy

Fast forward...

After ng ilang pang subjects and lunch namin dismissal na, kaya inayos ko na yung gamit ko

"Elisse, sorry mauuna na ako, may pinapalakad kasi saakin si mama" sabi ni Ronnie

"Ahh sige" sagot ko

"Sige bye" sabi ni Ronnie at nag bye din ako sakanya

Maya maya habang nag aayos ako ng gamit nilapitan ako ni Mccoy

"Nagseselos ka ba?" Sabi niya at nag smirk pa siya saakin

To be continued...

Hi guys sorry sobrang tagal ko mag update ngayon, medyo busy po kasi ako sana po nagustuhan niyo itong chapter na ito and wag niyo pong kalimutan mag vote, isa pa po wag po sana nating kalimutan panoorin si Ate Elisse sa wansapanatym this May 20 2018 (sunday) with BoyBandPH po. THANK YOU 😉

Guys singit ko lang din ito, kung may nag babasa man ng story ko na ARMY please tulungan po natin yung BTS na manalo this 2018 sa Billboard using the #IVoteBTSBBMAs sa twitter po
~laiglr 🌻

Falling In Love (McLisse fan fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon