Twenty Nine

1.1K 16 0
                                    

YNAH'S POV
It's been a year... since Xian left me after nung nangyari saamin.. Pagkatapos nung gabing iyon.. pagkatapos niyang muling angkinin ang pagkababae ko.. Eto ako iniwan niya akong muli na parang pinaglumaan pagkatapos pagsawaan iiwan nalang ng basta..

Eto ako si Ynah Alagos ang babaeng tanga.. TANGA pagdating sakanya hindi ko parin malaman ang rason kung bakit saakin pa nangyayari ang ganito. Ganito ba talaga kalupit si tadhana?

Pagkatapos ng isang taon naka graduate na ako ng high school🎓

Sa paglipas ng isang taon maraming nangyari pumasok ako sa school ng ako lang.

Samantalang si XIAN? hindi na siya muling nagpakita pa ni anino o anupaman. Hindi na siya bumalik pa sa aming school kung saan kami unang nagkakilala..

Tandang tanda kopa ang lahat kung paano niya ko nilapitan sa cafeteria, kung paano kami nagkakilala, kung paano niya ako niligawan, at kung paano rin ako nasaktan..

Isang taon ako nangulila kakaisip kung nasan naba siya? Ano kayang ginagawa niya? Nakakakain kaya siya ng tama? Buhay paba siya? Inaalala niya rin kaya ako? Iilan lamang yan sa mga katanungang nabubuo sa isip ko.. Mga katanungang hindi ko alam kung may sasagot paba o wala na😢

Mawala man siya ng taon pero hinding hindi parin siya mawawala dito.. Dito sa puso ko..

Asan kana ba mahal ko? Ang galing mo naman magtago, kung saan saan na kita hinanap bakit wala padin?

Ilang beses kitang tinry contackin pero mukhang nagpalit kana din ng number at deactivated din lahat ng social media accounts mo, Pinuntahan narin kita sa bahay mo pero wala eh. wala na palang nakatira dun. Till now I'm still asking the reasons WHY? bakit mo ako iniwan ng ganito iniwan mokong magisa parang traffic sa edsa na hindi makausad. Hanggang ngayon kahit kailan hihintayin kita pangako..

THIRD PERSON POV
(1 year ago ito po talaga yung reason kung bakit biglang nawala si Xian na parang bula).... FLASHBACK

Alas dos na nang madaling araw noong lumabas ang binata sa kwarto ng dalaga pagkatapos ng maliligayang sandali nila, upang maghanap ng makakain sa kusina para sana makapaghanda sa paggising ng pinakamamahal niyang babae ngunit medyo nadismaya ito nang makitang ubos na ang stock ng pagkain ng dalaga. Hays ang takaw kasi eh wala na tuloy natira sa isip isip nito.. Kaya napagdesisyunan ng binata na lumabas at maghanap ng bukas pang grocery nung mga oras na iyon. Habang naglalakad ang binata sa kalyeng madilim ng dis oras ay hindi niya namalayan na may nakasunod na pala sa kanya.. Hindi ito napansin ng binata bunga ng pagiging sabik na makahanap ng bukas grocery store para makapaghanda agad ng agahang kanilang makakain, nang makahanap ng tyempo agad na pinaamoy ng armadong lalaki ang binata ng panyong may pampatulog at agad na isinakay ang binata sa van at dinala agad sa kanilang boss na nagutos nito. Nagising ang binata sa isang di pamilyar napakadilim at abandonadong gusali kung saan ito'y nakagapos at nakatakip ng duck tape ang bibig dahilan upang ito'y di makapagsalita o humingi ng tulong manlang. Agad agad ring pumasok sa isip niya ang kanyang pinakamamahal na si ynah. Agad siyang napamura dahil labis ang pagaalala niya rito at labis rin ang kanyang pagtataka kung bakit siya naroroon sa gusaling iyon? Ano nga ba ang ginawa niyang masama? At Sino nga ba ang nasa likod ng lahat ng ito.
Itutuloy....

[AN: SA TINGIN NIYO SINO ANG MAY PAKANA NITO? COMMENT BELOW ⬇⬇⬇
BY THE WAY SORRY GUYS KUNG ANG TAGAL KO MAG UD, SORRY NAGING BUSY SA SCHOOL PERO WORTH IT NAMAN ANG TATAAS NI GRADES KO😍 DAHIL BAKASYON MAKAKA ASA KAYO NA TULOY TULOY NA YUNG UPDATE AT MAS MAGIGING EXCITING YUNG FLOW NUNG STORY HINDI KAGAYA NUNG DATI HEHE SORRY HINDI PAKO MASYADONG MARUNONG NUN, PROMISE AAYUSIN KONA PO🙏😊 PS SANA ANDYAN PARIN KAYO AT HANDANG SUPORTAHAN TONG STORY KO NA TO😀 Mahal ko kayo guyss!! Huehue🙌💜 PLEASE KINDLY VOTE,COMMENT NAMAN😞 PARA DAMA KO KAYO AND MAS GANAHAN AKO HIHI]

The Nerd Turns Into A BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon