Thirty One

1.3K 22 9
                                    

Naulit ng naulit ang karahasan na ginagawa ni Cathea sa binatang si Xian.

bunga ng panghihina mula sa gutom, pananakit sa pagpalo ng bakal o kung anong bagay ang mahawakan ng mga ito ay hindi narin magawang manlaban pa ng binata punong puno na ng dugo, sugat,pasa, at sama ng loob si Xian ni hindi niya na siguro makikilala ang kanyang sarili kapag nakaharap siya sa salamin.

Hanggang ngayon wala padin siyang ideya kung bakit ginagawa sakanya iyon ng dalaga, hindi niya alam kung bakit.. Kung bakit siya pa ang napili nito sa dinami dami ng lalaki sa mundo.

hindi niya na alam kung mabubuhay paba siya o mamamatay ng hanggang dun nalang sa lahat ng nangyaring masalimuot sakanya, sa kalagayan niya. Halos sampung buwan narin naroroon ang binata sampung buwan na parang buhay impyerno..

Ipinananalangin nito'y sana ay makalaya pa siya sa kamay ng mala demonyong si Cathea dahil hanggang ngayon nasa isip parin ng binata ang babaeng nagpapatibok ng puso niya.

Labis na ang kanyang kasabikang makita itong muli, makasama, kapag nangyari iyon hinding hindi niya na palalampasin ang pagkakataon at magsasama sila ng habambuhay.

-----

XIAN'S POV

Halos labing isang buwan narin ako nakakulong dito sa mala impyernong lugar na ito, hindi ko na kaya nararamdaman kong anumang oras ay maaari akong mamatay nalang bigla dahil sobrang hinang hina nako pero alam niyo ba? Lumalaban padin ako kahit na sa tingin ko'y kapag binawian ako ng buhay ay matatapos na ang lahat.. Ang lahat ng paghihirap ko.. Pero pilit kong tinatatagan pa ang sarili ko kahit wala na kong lakas pinipilit kong mabuhay dahil may tungkulin pako sa mundong ito, iyon ay ang mahalin at makasama manlang ang babaeng pinakamamahal ko hanggang sa huling paghinga ko sana'y kahit ayan manlang ay maisakatuparan pa para naman maging tahimik ang kaluluwa ko pag binawian nakong buhay.

Hindi ko na kasi kaya, hirap na hirap na ako dito, ayoko na....

*Kinabukasan*

Alas dose ng gabi.. madilim at pansin ng binatang walang nagbabantay o ni isang tao ang nakapaligid sakanya sa sobrang pagkasabik na makatakas ay pilit niyang binasag ang maliit na butas ng bintana gamit ang kanyang kamao kahit masakit at masugatan siya ay kanya parin itong tiniis. upang makatakas laking tulong narin ng hindi na siya nakagapos na tinanggal ng mga demonyo kama kailan lang, dahil kampante na ang mga itong hindi na gugustuhin pang tumakas ng binata sa tagal niya naring naroroon. Nagdulot ng malakas na tunog ang pagkabasag ng bintanang kanyang dadaanan palabas na siguradong makakapukaw ng atensyon kung sino man ang taong makaririnig nito. Kaya't sobra sobra na ang pagmamadali ng binata upang medyo makalayo na sa lugar na iyon puro matataas na talahib ang nakapaligid sa lugar, puno rin ng kaba ang binata dahil isang maling galaw niya lang ay patay siya. Tanging takbo lang ang ginawa ng binata kahit iika ikang maglakad at pagod na pagod na ay pinilit parin nito para lang makalayo at makarating sa siyudad sa ganoon ay may makatutulong sakanya. Lalo pang nagkaron ng lakas ng loob ang binata dahil may natatanaw na itong ilaw na sa tingin niya'y ito na ang makatutulong sakanya habang tinatahak ang napakadilim na daan ay biglang---- BLAAAAG.

The Nerd Turns Into A BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon