Ok lang ako
Yan ang lagi sinasabi ng mga tao
lalo nat pag sobrang sakit na
pero ayaw naman nila magalala ang kaibigan
Ok lang ako
yan ang mga salita na di mawawala
ang salita na di mawawala sa isang taong nasasaktan
sa isang tao na nag papakatatag.
Ok lang ako
ang salitang nagpapatunay
nag papatunay kung masakit naba o kaya pa
Ang salitang madali sabihin pero mahirap gawin
Ok lang ako
Nakangiti sa loob ng masasakit na salita
Nakangiti sa mga bagay na nagpapababa
Nakangiti na kahit sa loob ay sasabog na
Ok lang ako
Kahit alam mong hindi na
Kahit alam mong di mo na kaya
Kahit alam mong onti nalang bibigay ka na
Kahit alam mong sobrang sakit na
Ok lang ako
Yan naman lagi ang sinasabi
Sinasabi ng mga taong ayaw makita ang sakit
ayaw makita kasi kakaawaan
Ok lang ako
Di ako okay
Di ko na kaya
Di ko na mapigilan
Di ko na kaya ng sarili ko
Ok lang ako
Sasabog na ang puso ko
Sasabog dahil sa sakit
Sakit na nararamdaman ko
Sana sa loob ng salitang "Okay lang ako"
May katotohanan na nagsasabing masaya akoMMasaya ako kasi nalabas ko na
Masaya ako kasi wala na yung sakit
Pero aminin man natin sa sarili natin
Ang salitang "Okay lang ako"
Ay isa sa mga mahahalagang salita
Na nagpapatunay sa ating kakayahan
YOU ARE READING
Composition of Anything
RandomTag-Lish Journal.. Kung ano nalabas sa isip ko sinusulat at tinatype ko nalang d2 lolz... kung ayaw mo basahin di wag.. pinipilit pinilit??? Dont read it if u dont want too.. no one is forcing u anyway..
