Tinignan ni Arwyn yung baso. Ang dami nun. Parang nagalangan tuloy siya. Tapos binaba niya yung baso. "Ikaw na lang ang gumawa, ako magbabayad sa iyo.""Ok." as in ok lang talaga ang sinagot niya.Tinignan niya yung baso, then next time na nakita ko eh ininom na lang niya yung buong baso ng hindi man lang humihinga. As if parang uhaw na uhaw siya at umiinom ng tubig. Ako naman sa parang uhaw na uhaw siya at umiinom ng tubig. Ako naman sa sobrang gulat ko, yung kinakain ok na mocha-caramel na favorite ko na nga pala officially today, tumulo na sa skirt na suot ko. Grabe, paano niya ginawa yun?Binaba niya yung baso tapos tumingin siya kay Arwyn."200 ko nga pala." tapos ngumiti lang siya. Totoong ngiti."Kuya bakit mo naman ininom yun? Baliw ka ba???" halata mong gulat din si Tjay eh.Tapos na kami lahat kumain nun kaya ako naman sa sobrang dami ko nang nakita at sa dumi ng damit ko, nagpaalam na ako na papasok ako doon sa restroom.May nakabangga ako na babae. Natumba pa nga ako tapos sinabi niya hindi ko daw tinitignan yung dinadaanan ko. Inirapan pa nga ako. Basta sobrang sama ng tingin niya.Ako naman hindi ko na lang napansin. Nag-sorry na lang ako at dumiretso ako doon sa loob ng restroom. Nanguha lang ako ng tissue at binasa ko ng tubig para maalis yung mantsa doon sa damit ko. Nung medyo okay na yung skirt ko, nilagay ko yung kamay ko sa bulsa ng hoodie ko.Then kinabahan ako... Yung cellphone ko?Yung cellphone ko?Kinapa-kapa ko yung likuran ko. Useless naman dahil wala namang pockets yung skirt ko. Yung hoodie lang sa harapan at doon ko nilagay. Wala akong purse, hindi kasi ako mahilig. Nasaan na ba yun?Naalala ko yung babae. Yung nakabangga ko. Hindi kaya...Binuksan ko yung pintuan sa restroom tapos lumabas ako kaagad. Nakita ko yung babae na malapit na siya sa pintuan at papalabas na naglalakad. Then nilaksan ko yung boses ko..."Miss!"Lumingon naman siya nun. Nung nakita niya ako, binuksan niya yung pintuan at tumakbo palabas.Hanep na yun.. mandurukot!!!Sisigaw na sana ako kaya lang narealize ko nasa tapat ako ng restroom ng guys. May lumabas pa nga na isa, pero hindi ko na tinignan dahil dumeretso na ako sa table namin. Si Tjay na lang at si Terrence ang nandun. Hinihintay yata ako. Lahat yata sila nasa labas na."Ninakaw nung babae yung cellphone ko!!!""Ano??? Sino???" napatayo naman si Tjay nun."Yung babae na kakalabas lang!" tinuro ko yung punto.Ang bilis na ng tibok ng puso ko nun. Tatakbo na sana ako palabas kaya lang sinabi ni Tjay.."Kuya.. hindi mo ba hahabulin?"Nakatingin lang kasi si Terrence sa sahig nun. Tapos tumingin siya sa akin..."Bakit ko naman hahabulin? Ano ka sinuswerte?" sabi niya sa akin.I felt... hurt. Seriously hurt. Kaya nga nung lalabas na ako para ako na lang yung humabol, pinipilit pa rin ni Tjay si Terrence."Tjay ano ba!" sabi niya kay Tjay na parang di ko maintindihan kung galit ba."Sorry.." tumingin sa akin si Tjay, "Ipahabol mo kay Arwyn."Wala na akong time na sabihin pa kay Arwyn dahil nasa kabilang store siya. Ako na sana yung tatakbo kaya lang sabi ni Terrence.."Sige na nga hahabulin ko na.." sabi niya ng mahinahon.Na-relieved ako nun. Kaya lang nakita ko siya na naglalakad ng sobrang bagal papunta ng pinto. Yung lalaki na nalampasan ko sobrang bagal papunta ng pinto. Yung lalaki na nalampasan ko sa restroom kanina eh nakasabay pa niya sa sobrang bagal niya.Tinignan ko si Terrence hanggang sa labas. Yung lalaki kanina, wala na. Naunahan pa siyang maglakad yata. As in naglalakad lang siya na para bang nasa beach siya. Paano niya mahahabol yung babae kung ganun siya kabagal???Nakita kong lumiko siya."On-crack ba yung Kuya mo?" sabi ko kasi sa totoo lang, there's no way na mahahabol niya yung babae.Kabadong-kabado na ako nun. Si Mama ang bumili nun. At buntis si Mama. Alangan namang sabihin ko eh baka maghysterical yun???Naghintay lang kami saglit. Nakita ko si Terrence. Cool lang ang itsura niya. NI-walang pawis or what. As in naglalakad siya ng mabagal. Tapos may binato siya sa akin, pero nasalo ko."Yan na cellphone mo..." then naglakad na siya kasama nila Carlo.
YOU ARE READING
A PLACE IN TIME: CHAPTER 7
Storie d'amoreNone of these works are mine, all the copyrights goes to the rightful owner ms @j_harry08 This is published to share and for others to read to since wala ang chap 7 sa wattpad. Thank you and sorry! This book is private so follow po muna ako before r...
