Tumingala siya doon sa waitress na naghihintay ng order namin tapos sinabi niyang..."Medium ice cream. Mocha-caramel. And a solo-size pizza. "Medium ice cream. Mocha-caramel. And a solo-size pizza. Supreme." narinig kong iniorder niya yung kanya.Sumingit naman ako."Straw---" hindi ko natapos yung sinasabi ko kasi si Terrence eh sumingit.""Anong inoorder mo?""Yung ice cream ko.""Inorder na nga kita eh. Mocha-caramel...""Pero lagi kong inoorder yung strawberry eh.." nanghihina na yung boses ko nun."Yun na nga eh, lagi mong inoorder yun. Dapat mag-try ka naman ng iba." nakatingin siya sa akin then sa waitress, "Mochacaramel."Nagpunta na yung babae doon sa table nila Tjay. Dalawadalawa lang kasi yung table kaya ayun, hiwa-hiwalay kami. Okay lang, halos magkakasingtabi lang naman kami. Nasa harap ko si Terrence, pero parang iniiwas niya yung tingin niya.Nung tumingin siya sa akin, parang napansin niya na nanahimik ako."Masarap yun ok? Hindi ko naman ioorder sa iyo yun kung hindi "Masarap yun ok? Hindi ko naman ioorder sa iyo yun kung hindi masarap."Pero ayoko nga nun. Gusto ko strawberry.Ano ba yan, para pala akong bata kahit sa isip ko lang???"Fine. Kapag hindi mo nagustuhan, bibilihan kita ng extra large na strawberry. Is that any better?"Ngumiti ako nun. Ako kasi kapag natutuwa, madalas akong yumakap sa tao. Kahit lalaki pa. Si Johnny madalas ko niyayakap yun, kaya nung yayakapin ko sana si Terrence kasi may kabaitan pa pala sa katawan, bigla ba namang nag back-off."Whoa whoa whoa.. anong gagawin mo?""Wala lang mag thank you." nakangiti na ako nun."Mag thank you ka na lang bakit may body movements pa?"Nakita ko nang ngumiti si Terrence Kelvin Quintero. Pero hindi lang niya habit. Siguro nga mas madalas mo siyang makikitang irritated kaysa sa nakangiti siya eh. Pero this time, confused look na naman siya na para bang baliw yung kasama niyang babae."You know what Quintero, ayaw mo lang aminin pero deep inside mabait ka rin eh.""Kung ayaw mong magbayad ng kakainin mo, Shaylie Jimenez, tumahimik ka na lang. Pwede?"Naghintay lang kami ng another 15 minutes or so kasi niluto pa yata nila yung pizza. Kami lang na mga babae ang nag-order ng ice cream namin. Banana-split kay Jona, Rocky Road yata kay Tjay. Lahat ng guys pizza talaga. Ang tigas talaga nila, ayaw magpalit.Dumating yung order namin. Dumating din yung coke nila Arwyn. Pare-parehas sila ng inorder. Bakit kaya pare-parehas ang takbo ng utak ng mga yun? May mental satellite kaya sila of some sort?Then eto pa yung crazy idea ni Arwyn. Sabi niya, pustahan daw. Siguro nga mahilig sa pusatahan si Arwyn at si Terrence kasi meron na naman. Sabi nila, dare kung sino ang makakagawa. Kapag nagawa mo, babayaran ka ng 50 ng mga gustong makidare na hindi mo kaya. Yung coke niya eh nilagyan niya ng toyo, hot sauce, ketchup, salt, pepper, sugar, may konting banana split pa ni Joan na natunaw na. Kailangan inumin mo iyon.I swear nakakadiri talaga yung itsura. Parang brownish na orangy na hindi mo maintindihan."Sinong susubok? 100.." sabi niya at nagbigay na ng presyo, "Girls lang ah.""Ayoko nga niyan nakakadiri naman!""Ayoko nga niyan nakakadiri naman!""Hindi ko kaya yan.." nakangiti si Joan, pero parang disgusted yung itsura.This time, humarap sa akin si Arwyn tapos tinaas niya yung pinaghalu-halong kung anu-ano niya."Ikaw Jimenez???" nakakaloko yung ngiti niya, "Dali na! Gusto kitang makitang gawin mo 'to! Matapang ka naman... ibuhos mo lahat ng pagkasungit mo dito.."Kay Arwyn kasi madalas masungit ako kaya ganun..."Ayoko nga! Hindi ako mukhang pera.." tapos binalik ko yung baso sa table niya."Dali na.." tumayo si Arwyn sa gilid ko, then lumuhod ng kaunti, "Kaya mo ito. 200 na."Nilapit niya sa akin yung baso kaya naamoy ko naman. Amoy soy sauce na."Ano ba Arwyn! Yuck kadiri ka ayoko!!" pinipilit niya talaga ako na inumin ko eh.Hindi talaga ako makaiwas. Kasi naman gusto niya talagang inumin ko eh nakakadiri. Ito namang si Terrence dahil nandun lang sa harapan at nakaupo, inagaw yung baso kay Arwyn tapos lang sa harapan at nakaupo, inagaw yung baso kay Arwyn tapos nilagay niya sa table."Bakit ba pinipilit mo to? Bakit hindi ikaw ang gumawa at ako na lang magbabayad sa iyo kapag nagawa mo??" asar na siya kay Arwyn nun."Para yan lang ang dali-dali niyan!" ang yabang talaga nito.Kukunin na sana uli ni ni Arwyn yung baso para inumi niya, kaya lang naunahan siya ni Terrence."Teka parang kulang eh.." tapos nilagyan niya ng patis. Tapos dinamihan niya yung hot sauce at soy sauce.Sobrang kadiri. Yung kaninang 1/3 ng baso, buong baso na ngayon."Now do it."
YOU ARE READING
A PLACE IN TIME: CHAPTER 7
RomanceNone of these works are mine, all the copyrights goes to the rightful owner ms @j_harry08 This is published to share and for others to read to since wala ang chap 7 sa wattpad. Thank you and sorry! This book is private so follow po muna ako before r...
